Chapter 1

1022 Words
Chapter 1 Bangungot Gleechi Lee Dinaig ko pa ang sumali sa marathon sa bilis kong tumakbo mula sa mamang manyak na iyon, pusha! Halos mabiyak ang pikpik short ko sa kaba, kung alam ko lang. Kung alam ko lang na inaasam niya ang puri ko, ibinigay ko sana, chows! Hindi ‘no! I will give this hymen to the one I love the most. Noks! English yon. Nang nafi-feel ko nang malayo na ako sa kamay ng birat na m******s na hinayupak na iyon ay mabagal na akong naglakad. Ngunit dahil sadyang napaka-swerte ko sa araw na ito ay sinasadyang napadaan ako sa tindahan ni Aling Sabel, kung saan naroon ang mga dakilang tambay ng kalalakihan na gabi-gabi na lang lumalaklak ng alak. Saka ko lang napansin ang unggoy na Kael, ang boss kuno nila, nang tumayo ito. Shuta? Niloloko ba ako ng buwan ngayon? Kailangan ko ba talagang maka-encounter ng sunod-sunod na pagsubok? Yumuko ako ng bahagya at binilisan ko na lang ang hakbang ko. Jusko. Kung kaya ko lang lumipad, kanina ko pa sana ginawa, malampasan lang sana itong tindahan ni Aling Sabel. Hindi ko man naglalagpasan ang naturang tindahan nang mapahinto ako sa paglakad nang biglang tumayo sa harap ko ang unggoy na Kael. At mahabaging langit! Kailangan ibalandra sa inosenteng sightsung ko ang pangangatawan niya? Naku, boy, sorry, hindi ako interesado sa seven pack of abs mo—ay char anim lang pala, yung pang-pito kasi, alam niyo na kung ano yon, amp! "Hi babe." bati ng mokong. Bakas sa tono ng kanyang pananalita ang kalasingan. Suminok ito at saka niya ako inakbayan na parang jowa bang magjowa kami. Unggoy talaga, walanghiya. Sarap lang sapakin, mahgad! Pagod na ‘ko physically and mentally kaya please Lord, ipagpabukas Niyo na lang itong dagok na iniatas Niyo kay tadhana. "Pwede ba, Kael? Alisin mo yang kamay mo o babaliin ko yan? Hindi tayo close, either a friend. Blinock na kita, wag kang asyumero." mataray at may diin ang bawat salita na binitawan ko. Aba! Walang kakabog sa ganda ko no, chas! Bigla namang nag-pout ang lasenggo na 'to. "N-Nanlalambing lang yung asawa m-mo eh."  kunwaring tampo niyang saad. Akala naman niya kina-gwapo niya yung pag-pout. Tss. Eh kung hugutin ko ang labi niyang yan at ipulupot ko sa leeg nang magtanda? Nakakainis na ah? Nakasinghot o naka-lulon ba ng bato ang lalaking ito at napaka-persistent niya? Kaurat. Nang hindi siya kumilos para alisin ang pagkaka-akbay sakin, ako na ang gumawa.  Marahas kong inalis ang braso niya at isang masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Infairness ha? Ang galing talaga mang-bwiset ng gago na ‘to. Imbis na masindak sa katarayan ko ang mokong, tinawanan lang ako at inakbayan ulit. Hindi na ako nakikipag-biruan, na iinis na talaga ako. Pishti. "Ano ba Kael?! Nakaka inis ka na! Pagod ako galing trabaho! Uwing-uwi na ako, utang na loob!" nababanas at nagmamakaawa na sabi ko. Ngunit isang matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin. His eyes were glint with jealousy. "May iba ka na ba?" malalim na boses niyang tanong. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at marahas ko siyang kinompronta. Maka-asta parang boyfriend ko siya ah? Parang awa! Wala na akong balak jowain ‘tong unggoy na ‘to! "Kung meron man akong iba, wala ka na ro’n. Walang tayo, hindi tayo." matiim kong wika sa kanya. Again, inalis ko ang pagkaka-akbay niya at naglakad palayo sa kanya, ngunit bago ako lubusang makalayo ay isang kataga ang kanyang isinigaw. "Mapapasa akin ka rin! Ulit! Tandaan mo yan!" Habang nasa harap ako ng isang lumang bahay na may dalawang palapag ay pinagiisipan ko kung papasok pa ba ako o hindi. Alam ko na ang drama sa bahay na ito dahil sa nakapatay na ilaw. Napabuntong hininga ako bago binuksan ang pinto. Nadatnan kong nakaupo si itay sa isang bangko habang ginagawang lamp shade ang isang bombilya. Mapapasapo na naman ako ng noo, kainis! "Bakit ngayon ka lang?" Hindi lumingon na tanong ni itay sa akin habang patuloy sa pagkatikot sa ginagawa nitong lamp shade. "Oo nga, anak. Pinag-aral ka namin para makatapos ka, hindi para lumandi.” kunwaring drama ni inay habang nakadungaw sa bintana at may arina sa mukha, kunwari daw ay may facial scrub sa fest. Saka lang ako tiningnan ni itay matapos ng lintanya ni inay. "Anak! Pa’no kapag nabuntis ka?" kunwaring keme pa nito sabay hampas sa mesa. "Anak, bawasan ang kalandian please?" birada pa ni inay. "Wag kang mag-p****k" "Anak, wag–"  Bigla ko naman silang binato ng supa, buti at malakas ang resistensya ng magulang ko at nagawa nila itong ilagan. "Nay Tay! Hindi ako lumandi, at mas lalong hindi ako nag-p****k! Nakakaloka! Nagtrabaho ako, okay?" Naiinis ko na paliwanag ko. Nai-stress ang fallopian tube ko sa mga nangyari sakin ngayong araw. Pati magulang ko, nakisama. Bigla naman pumunta si inay sa harapan ko at hinimas ang aking tiyan. "Kalma anak, inhale, exhale, push! " seryosong arte ni inay na parang nagpapa-anak. Shuta, tinapik ko naman ang kamay ni inay. "Ewan ko po sa inyo kung anong drama yan, kain lang ho ako." lantang gulay ko nang paalam. Naubusan na ng energy ang lola niyo, mula sa manyak na gangster, tambay na possessive sa kanto, hanggang sa magulang ko na maluwag ang turnilyo sa ulo! Wala na, dedbat na talaga beh. Pagkatapos kong lumamon kasabay ng mga butihin kong magulang, oh come on joke lang iyun siyempre, at sa sobrang stress ko ay nilunok ko ng buo ang isang pirasong saging. "Naloka naman ako sayo anak. " tawang hilaw ni inay. Inokrayan ko naman siya ng tingin, with patirik eye effects. "Kala mo naman hindi sumusubo ng buo." pagpaparinig ko sa chaka kong ina. Leche. "Sabagay, may point ka, ‘nak." sabi ni inay sabay tingin kay itay. “Yung ngang sa tatay mo sinusubo ko ng buo.” mapang-akit kunong bigkas ng nanay ko na ikinapula ni ita. Umarte akong nasusuka sabay bato ng balat ng saging kay inay. Mga walang pasintabi! Sa harap ko talaga mga bess! Kaurat! "Mahiya ka naman, inay, nasa harapan lang ako no." sarcastic na sabi ko. "Hindi halata anak." sabi ni itay "Maiba tayo, enrollment na pala bukas."  Bigla naman akong napabuntong hininga sa sinabi ni itay. Nagbabalik na naman ang bangungot ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD