Chapter 2

890 Words
Chapter 2 Oohlala Gleechi Lee "Anak gising na, enrollment niyo ngayon!" Tila ba busina ng motor na gising sa akin ni Inay. Human alarm clock. Iyan ang tawag sa mga Inay natin. My Ghad! Kaimbyerna puyat pa si ako! Si ina panira ng moment! "Arrggh ‘Ma! Mamaya na lang po!" wala sa sarili kong reklamo. Kainis konti na lang mahahalikan ko na siya eh. Minsan ka na nga lang managinip ng gwapo at hahalikan ko pa! Tapos basag trip si Momshi. Badtrip ay! "Babangon ka ba ngayon o papasukin ko si Khael sa kwarto mo ng magahasa ka?" Emeghed! No Way! Napatayo ako ng 'di oras dahil sa nakakasindak na banta ni inay. Shakings "Wow naman! Choosy much anak? Ayaw pagalaw ganon?" I slapped myself mentally. Ang sarap ibalibag ni inay—pero syempre joke lang. Di ko na lang pinansin si inay at dumiretsyo sa banyo. Myghad! Mukha akong nagahasa ng sampong gwapong katao! Gulo-gulo ang buhok, may muta at huwag ka teh may laway pa. My gosh. Dali dali akong naligo at nagbihis. I'm wearing yellow fitted shirt na may printed picture ng minions at tight jeans at eye glasses ko. Medyo malabo na kasi ang mga mata ko. "Ma, alis na ako." magalang kong pagpapaalam. Minsan lang ito. Lubusin na ng Nanay ko. "Sige lang, anak. Wag ka nang babalik." Nay, two points ka na. Asensado ang nanay ko in terms of pang-iinis. Kinuha ko na yung susi ng wave ko na kulay yellow. Then, I drive my baby silently. Ang Naxus High ay isa sa pinakasikat na paaralan sa buong mundo. Mga elites, models, actors, anak ng mga kilalang pulitiko at bussiness tycoon ang mga taong pwedeng makapag-aral dito. Happy but sadly to say, dito ako nag aaral. Happy, dahil ako lang sa milyong mga kabataan ang naging scholar ng paaralan na ito. But sadly kasi maraming mahadera, inggitera at bully sa school na ito. Nandyan yung tatapunan ka ng juice, lalagyan ng basura yung locker mo, ikukulong ka sa banyo, papatirin ka sa canteen at iba pa. Pero sanay na rin naman ako. Ayaw ko na lang sanang magdrama kaso nasa script ko iyon. Sayang naman ang exposure ko. At least may pag-gagamitan ako ng luha. For almost 4 years ba naman. Four years na pang-aapi at panghahamak nila sa akin. Hindi ako katulad ng mga schoolmates ko na lumaking may gintong kutsara na sa bibig pero hindi naman ako bayolenteng tao. Nakakasawa na nga yung ginagawa nila. Ayaw ko na ng gulo Wala pang isang oras ay enrolled na ‘ko. Huling taon ko na sa highschool at sana pagbigyan na ako ng taon na ito na magkaroon ng magandang alaala. Pero nakakapag-taka... Wala pang nambubully sakin sa araw na ito. Lord, dininig Mo na ba yung panalangin ko? Thank you po. Ang lakas ko talaga— "f**k! Hanggang ngayon ba naman hindi pa nagda-drop yang dukha na 'yan?" ani ng isang epal sa gilid. "Gosh! That panget is here pa? It's so eewie!" sabi naman ni Ms. Arina. "Tangna pre! r**e-in ko kaya 'to nang  madala?" sabi nung pafa sa gilid. Sige, push mo yan kuya. Kakayanin natin iyan kahit gaano pa kalaki ang pagsubok. Chars! Huwag po, kuya, virgin pa ako.  Sabi ko nga po, Lord, eh walang nambubully sakin. Maya maya pa ay naramdaman ko na lang ang pag-bagsak ng katawan ko sa isang matigas na sahig. At doon ko na lang nakita ang sarili ko na nakapalibot na sakin ang ilang enrollees. Nakatayo naman sa harapan ko ang isang football team. Jusko gang r**e na ba ito? Sisigaw na ba ‘ko ng ‘gang r**e! gang r**e!’? Chos! "Lampa." "Weak." Maya maya pa ay naramdaman ko na lang ang isang malagkit at mabahong likido sa katawan ko. Shit. Putik. Umalingaw-ngaw sa pandinig ako ang tawanan ng bawat enrollees. “Ayan! Mukha ka nang baklang mababa ang lipad." Hindi ko alam kung kanino nang-galing ang mga katagang iyan. Hanggang sa may tumadyak sakin na siyang dahilan kung bakit ako namamalipit sa sakit. "Panget na nga lampa pa!" Hala si kuyang epal! Linya ni pareng Cross yan, hoy! Uso credits! Sanay na akong binubugbog. Sanay na akong kinukutya, at sinasaktan. Tanggap ko nang wala akong maibabaong magandang alaala mula sa eskwelahan na ito. "Bayot na salot " "Mga p****k ng mundo " "Mga malalandi." This world. Napaka mapanghusga. Madaling mag-judge kaysa alamin ang tama. Ang hirap nga namang maging mabuti. Kasi tulad ng mga nasa telenobela ng mga pilipino, ang mabuti ang inaapi. Ang sakit, not only physically but emotionally also, porque ba bakla at mahirap ay kailangan ng laitin? Ilang sandali pa ay isa-isa na silang nagsi-alisan, na siyang naging hudyat para tumulo ang kanina pang nagbabadyang mga luha ko. "Ano ba, Glee? Ba't ka umiiyak? Sanay ka naman, diba? Ano ba, pesteng luha naman oh. Hayaan mo na sila! Di lang talaga sila maka-appreciate ng tunay na kagandahan." A beauty that cannot see by our naked eyes. Kagandahan na tanging kapwa may busilak na puso lang ang maaaring makakita. I am like a princess that was cursed to be imprisoned in a vessel. In a body that always been judge. Mind you, I am also being descriminate. Tatayo na sana ako nang may biglang nag-offer ng panyo sa akin. "Ahm panyo?" tanong ng isang almost– Almost boy next door na mukha. Anghel na siya na hinulog sa lupa upang iligtas ako. I looked directly on his deep brown eyes that makes me somehow suffocated. He is so damn perfect. Ohlala. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD