Chapter 5
Castielle
“Thank you for today.” Muli ay nagpasalamat ako kay Angelo, I really enjoyed this day. Worth it naman pala ang pag-cutting since I really felt happiness today. Nakahinto na ang kotse niya sa gilid ng daan kung saan nasa tapat na kami ng gate nina tita.
“You don’t need to say ‘thank you’ everytime like I am doing it for a favor.” Busangot na mukha ang pagkasabi ni Angelo. Tinaasan ko kaagad siya ng kilay.
“I’m not saying this thinking you’re doing me a favor.” Mataray na sambit ko sa kanya, ano ba logic ng isang ito. Mukhang nasobrahan na sa pag-aaral. “I’m thanking you since I am really happy today and I was with you the whole day.” Gusto kong takpan ang bibig ko sa sinabi ko, hindi ko dapat sinabi iyon!
Ang gusto ko lang ipakita sa ibang tao ay ang isang matibay at malakas na Artemis, yung walang puso kung minsan na sinasabi nila dahil sa attitude ko. I don’t want them to be attached to me and I don’t want to be attached to them also.
But being with Angelo, I’ve always shown the soft side Artemis and my weak point accidentally. Hindi ko alam kung anong meron sa presensya niya na nagbibigay sa akin ng karapatan para ipakita ko ang tunay na ako sa kanya. Para bang nagiging kumportable na akong kasama siya.
At dahil don ay natatakot ako na baka hindi umayon ang lahat sa gusto kong mangyari bago ako mawala sa mundo. Na baka siya ang magpapabago ng isipan ko gayong tanggap ko na. Na baka siya ang maging dahilan kung bakit sa kauna-unahang pagkakataon ay gugustuhin kong baliin ang dapat na mangyari.
“What?” Napaawang ang labi niya sa gulat dahil sa sinabi ko, mukhang hindi niya inaasahan na sasabihin ko iyon sa harapan niya. Siguro ay dahil nakikita niya na hindi ako ganon, na kung anong gusto ko lang ipakita sa tao ang ipapakita ko.
Pero aaminin ko na kakaiba siya.
“Did you really say that?” Bakas parin sa mukha niya ang pagkagulat na nahahaluan ng pagkamangha habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa manibela ng sasakyan niya.
“Why? Did you hear it?” Mataray na tanong ko sa kanya para isalba ang sarili ko. “If you heard it then maybe I really did say that.” I rolled my eyes but he smirked that made him more handsome! Wait did I say he’s handsome? Oh never mind, he is.
“Artemis ha, baka crush mo na ako. You need to calm, ako lang ‘to.” Mayabang na sabi niya habang nilandas pa ang mga daliri niya sa ilalim ng baba niya.
Kapal ng mukha rin ng lalaking ito no? E mukhang siya nga ang may crush sa akin. Sa una naming pagkikita alam niya ang buong pangalan ko tapos nakatambak pa sa friend request ko ang pangalan niya. Pero dahil napasaya niya naman ako today ay sinakyan ko na lang kung anong trip niya.
“Eh ano naman kung crush kita? You’re already my boyfriend.” Chill na sambit ko sa kanya then shrugged my shoulder. His mouth immediately formed an ‘o’.
“Wait. You need to take it slow, woman,” He said then chuckled. Nahagip ng tingin ko ang kanyang mapuputing tenga na ngayon ay namumula na. Malawak pa rin ang ngiti niya habang nakatingin sa akin.
Ngayon, sino ang may crush sa aming dalawa?
“Sino kaya ang kinikilig sa ating dalawa ngayon?” I asked while smirking, agad siyang umiling at sinenyas ang dalawang kamay niya bilang hindi pag sang-ayon.
“Definitely, not me.” Agad na tanggi niya. Napailing na lang ako dahil halata naman siya masyado.
Pero nabawasan ang ngiti ko dahil sa naisip ko. Hindi ba dapat ay hindi ako matuwa ngayon? Dahil darating ang araw na masasaktan ko siya, na iiyak siya dahil sa akin. Hindi ba dapat kailangan ng pigilin kung ano man ang nararamdaman niyang kakaiba sa akin?
O kailangan ko rin pigilin ang sarili ko dahil may nararamdaman na rin akong kakaiba sa kanya. Alam kong ilang araw pa lang kaming magkasama, pero talaga bang nasusukat ang isang bagay dahil sa tagal ng pagsasama? He saw me at my best and he already saw me when I was weak.
Bahagya kong pinilig ang ulo ko para hindi na isipin pa iyon, kung palagi kong iniisip iyon, kung palagi kong nililimitahan ang sarili ko ay para ko nang pinipigilan ang sarili kong maging masaya.
Overthinking deprives us from being happy.
Kaya bago ako bumaba sa sasakyan niya ay napagdesiyunan kong hindi na limitahan ang sarili ko kung ano man itong nararamdaman ko, I will just go with the flow. Besides, it will be my first time kung sakali. And I’m doing my first time before the time comes that I'll stop breathing and finally say goodbye.
“Sige na! Bye na.” Paalam ko sa kanya tiyaka binuksan na ang pintuan ng sasakyan niya. Pabagsak ko na sana itong isasara ang kaso lang ay may pahabol pa siya.
“I love you,” Umirap ako para matago ang ngiti na gustong kumawala sa labi ko tiyaka padabog na sinara ang pintuan ng sasakyan niya.
Nang makatalikod na ako at bubuksan ang gate ay pinagbigyan ko aang sarili kong ngumiti. Pumasok na ako tiyaka humarap ulit sa kanya, inalis ko na ang ngiti ko kanina tiya siya tinanguan, binusina na niya ang kotse niya bago niya ito pinaandar. Sinarado ko na ang gate tiyaka ako napasignhap.
Mag-isa na lang ulit ako.
Tahimik akong pumasok sa bahay habang naamoy ko ang adobo na niluluto ni tita galing kusina. Siguro ay iyon ang hapunan namin ngayon. Mabilis akong naghilamos tiyaka nagbihis pambahay at dinampot ko ang walis para magwalis.
Habang nagwawalis ay nakalagay sa magkabilang tenga ko ang aking earphone, nasa sala si Kylie habang gumagawa ng homework niya. Pagkatapos kong magwalis ay umupo narin ako sa sala tiyaka kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ng pajama ko.
Angelo Jo Castielle: Sunduin kita bukas?
Angelo Jo Castielle: i just put a question mark accidentally, it should be a period. I will fetch you tomorrow ;)
Artemis Charelle Brioso: dami mo time! Wala ka bang ginagawa?
Angelo Jo Castielle: wala sa ngayon since my friend didn’t reply yet, we cut our class right?
Umirap ako sa sinabi niya tiyaka chinat sina Allan at Gabi kung may ginawa ba kami sa isang subject namin kanina, nakahinga pa ako ng maluwag ng sinabi na discussion lang naman daw ang ginawa kanina.
Allan Gonzales: don’t tell Trisha, sabihin natin maraming ginawa.
Napailing na lang ako, we’re already twenty one and yet we’re still acting like a child. Kung sa bagay, kapag may trabaho na kami panigurado bilang nalang sa oras ang pagiging masaya namin dahil mas focus na ang lahat sa trabaho.
Well, sila. Dahil hindi na pala ako makakasama. Pero masaya naman akong aalis sa mundo dahil unti-unti ko nang nagagawa ang mga bagay na gusto kong gawin noon pa man pero wala akong pagkakataon na gawin iyon. Malaki talaga ang pasalamat ko kay Angelo dahil tinutulungan niya akong gawin ang mga bagay na hindi ko nagawa noon.
My phone beeped, may notification kaya kaagad ko iyong tiningnan. It was Angelo, he mentioned me on his IG story.
@ange10: mention you on his story.
Picture naming dalawa. I looked happy in the picture and I am really happy.
May nilagay lang siya na caption na ‘my happiness’
Never thought that Angelo would be a sweet boyfriend, I guess I made the right choice that I accepted his offer to be my boyfriend. Napaisip ako kung hindi siya ang boyfriend ko? Mararamdaman ko rin kaya iyong ganitong saya?
Hindi ako nagreply sa story niya sa halip ay in-add ko rin ito sa IG story ko. Hindi na ako naglagay ng caption dahil nandoon na rin naman ang gusto kong sabihin.
Syempre wala pang isang minuto ay binaha agad nina Allan, Trisha at maging si Gabi ng reply ang IG story ko. Lalo na si Allan.
@Ally: hoy bakla! Akala ko ba pahinga lang sa bahay kaya ka nag cut?
@Ally: apaka duga mo! Dapat sinabi mo sa amin ni Gabi na kasama mo pala si Angelo.
@Ally: edi sana nasamahan ka namin, what friends are for diba?
@Ally: hmp! Tampo ako sayo, tagal ko na in-admire iyang si Angelo tapos ganto?
@Ally: bawi ka sa akin, pakilala mo ako kay Angelo.
@Ally: okay, ready naman ako tom.
Napailing ako sa mga reply ni Allan. Hindi pa namna ako pumayag na ipapakilala siya kay Angelo pero nakapagset na siya ng date. As if naman sasamahan niya talaga akong mag-cutting, though nag ka-cut din naman sila ng class minsan, gusto niya lang kamo magpabibo kay Angelo.
@Trisciaaa: hoy tanga ano yan? Bakit absent lang ako may paganyan na? Nasan j.co ko muna ha! Bakit naka suot din coat niya sayo? Gaga ano ginawa niyo???
@artemis.charelle: gaga dumi talaga utak mo, diba pwedeng namasyal lang???
Sunod na binuksan kong reply ay ang kay Gabi, kahit na may ilang classmate pa kaming nagtatanong kung ano ko ba si Angelo, kasama na roon si Rica na kinaiinisan ko. Ewan ko ba kung bakit follow siya nang follow sa akin kahit na nireremove ko ang follow niya sa akin.
@eveninglight: so you and angelo castielle?
@artemis.charelle: yes.
Gabi is somehow our friend since mabait silang dalawa ni Allan sa amin. Hindi lang talaga namin trip ni Triscia ang ibang kaibigan nila kaya hindi kami sumali sa grupo nila. At ayaw din namin ang malaki ang circle of friends sa college.
Nakalimutan ko na sabay-sabay nga pala kaming lumalabas ni tita t'wing umaga since hinahatid niya rin si Kylie sa SLU lab elementary. Kaya pagkabukas namin ng gate ay nandoon na ang kotse ni Angelo, naka-abang. Nasa labas din si Angelo na tila naghihintay habang nakapirmi ang kanyang likod sa kanyang sasakyan at umayos lang siya ng tayo nang makita na bumukas ang gate.
Napatingin ako kay tita na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin kay Angelo na nasa lipat, since sa tapat namin namin nandoon ang parking-an ng sasakyan, sa side kasi namin ang side walk.
Hindi na sana siya papansinin ni tita ang kaso nga lang ay lumipat si Angelo sa banda namin tiyaka matamis na ngumiti, pinandilatan ko siya ng mata para balaan siya kung ano man ang sasabihin niya.
"Uh? Anong kailangan mo? Sino ka?" Nagtatakang tanong sa kanya ni tita habang hawak-hawak sa kamay niya si Kylie habang hawak naman niya sa kabilang kamay niya ang bag nito.
"Good morning po," magalang na bati niya kay tita habang nakangiti. At dahil nga graduating na siya ay required na naka formal attire sila sa university. Black suit lang ang suot niya habang nakasuot ng black leather shoes.
"Sino ito, Artemis? Kilala mo ba?" Ngayon ay sa akin na tumingin si tita na may pagtatanong sa mata.
"Ah, si Angelo tita, kaibigan ko po." Kinakabahan na pagpapakilala ko but I still manage to smile to hide my nervousness.
“Anong ginagawa mo rito nang ganto kaaga?” Tanong ni tita habang tumitingin sa mga taxi na dumadaan, mukhang may sakay lahat ng taxi kaya hindi niya ito pinapara pero kung wala lang laman iyon ay alam kong paparahin niya at iiwan niya rito si Angelo.
“Susunduin ko po si Artemis,” Hindi pa rin maalis ang ngiti ni Angelo kahit na masungit ang bati sa kanya ni tita. Tinaasan naman ako ng kilay ni tita habang nakatingin na ngayon sa akin. “I could drive you on your way at school po.” Dagdag pa ni Angelo.
Masungit na umismid si tita tiyaka tiningnan ang wrist watch niya. Mukhang wala na siyang magagawa base sa pagsinghap niya kung hindi pumayag sa offer ni Angelo.
“Sa may General Luna kami.” Tiningnan ni tita ang ID ni Angelo. “Magka-school mate kayo ni Artemis? Edi sa may Bakakeng pa kayo?”
“Opo, pero maaga pa naman po kaya, kaya pa pong ihatid sa GenLu.” Tumango si tita. Lalong lumapad ang ngisi ni Angelo na para bang nanalo sa lotto.
Nakahinga na rin ako ng maluwag dahil akala ko masesermon ako sa tapat ni Angelo. Iginaya ni Angelo sina tita papunta sa puting kotse niya, he even signal his hand to the cars who will pass on us to stop for a moment. Habang iginagaya niya sina tita ay tumingin siya sa akin tiyaka kumindat. Napailing na lang ako, binilisan ko na ang paglalakad papunta sa kotse niya.
Pinagbuksan niya ng pintuan sina tita sa likod, samantalang ako na ang nagbukas sa pintuan sa harapan tiyaka ako naupo. Kinuha ko na ang seat belt para ilagay iyon, baka mas awkward pa kapag si Angelo ang naglagay non habang nasa likuran namin sina tita.
Napatingin ako kina tita sa rear mirror, tinaasan niya ako ng kilay. I cleared my throat and looked away, pumasok na rin si Angelo sa driver seat tiyaka nagsimulang magdrive.
“Sa Marcos Highway na po tayo daan? Traffic niyan po sa may Bokawkan.” Angelo said while driving. “By the way, there’s one box of j.co po para sa inyo.” He said, napatingin tuloy ako sa dalawang box ng j.co na nandoon.
“Kung saan ang hindi traffic.” Walang emosyon na sabi ni tita. “Salamat.” Akala ko hindi niya tatanggapin pero nakahinga ako ng maluwag nang magpasalamat siya.
“Paano nga pala kayo naging mag-kaibigan ni Artemis?” Muling nawala ang paghinga ko dahil sa tanong ni tita. Tiningnan naman ako ni Angelo na mukhang naghihingi ng saklolo dahil alam naman niya na bawal niyang sabihin kung anong sakit ko ngayon.
Kapag sinabi niya ang totoo nasa hospital ang una naming pagkikita paniguradong magtataka si tita lalo na ngayon na masyado na niyang pinapansin ang madalas kong pag-ubo at baka malaman pa niya ang tungkol sa sakit ko.
“Ah, magka-campus kami tita and we somehow follow each other on our social media accounts.” Mabilis na sagot ko. Mabilis pa rin ang pintig ko sa susunod na maaring sabihin o itanong ni tita.
“Magkaibigan lang ba talaga?” She said with a malicious tone. Medyo uminit ang pisngi ko dahil don. I saw Angelo’s smirk.
“I’m planning to court her po, if you will give me a chance.” Kaagad na bumaling ang ulo ko sa kanya dahil sa gulat. Yes, he’s already my boyfriend. Why would he say that he’s my suitor? Not that I want him to say that he’s my boyfriend but why?
Tumikhim si tita dahil mukhang nagulat din siya sa sinabi ni Angelo na mukhang hindi niya napaghandaan kung ano man ang isasagot naming dalawa. Huwag kang mag-alala tita, dahil maging ako ay nagulat sa sinabi niya. Hindi man lang niya ako sinabihan tungkol dito.
“What is your name, again?” Naging seryoso bigla ang boses ni tita, kung kanina ay seryoso na siya alam ko ngayon na iba ang pagseseryoso niya.
“Angelo Jo Castielle, po.” Magalang na sagot ni Angelo sa kanya, tiningnan ko ang reaksiyon ni tita sa rear mirror. Seryoso siya na tila nag-iisip.
“Castielle.” Pagbanggit pa niya sa apilido ni Angelo habang nag-iisip kung saan ba niya narinig iyon. “Are you related to the Castielle group of companies?” Nagulat ako dahil hindi ko naman alam iyong group of companies na iyon, hindi na ako nagtataka dahil nagtrabaho na rin si tita noon sa Manila noong dalaga pa siya at tumira lang dito sa Baguio dahil taga rito ang kanyang asawa.
Napatingin tuloy ako kay Angelo, naghihintay ng sagot niya. Hindi ko man siya tinanong sa mga bagay-bagay na related sa pamilya niya dahil natatakot ako na baka ayaw naman niyang pag-usapan iyon, hinihintay ko lang siya ang magbukas sa usapin na iyon. At ayaw ko rin tanungin ang tungkol sa kayamanan nila, dahil noong unang tikim pa lang niya ng corn dog ay alam kong hindi pagkaraniwan ang yaman nila.
“Ah yes po,” medyo nahihiyang sambit ni Angelo. Namilog ang mata ko sa sinagot niya. So, he’s not rich not also a rich-rich but a f*****g billionaire?! I couldn’t believe that I’m actually hanging out with this kind of man and this billionaire is my boyfriend?
“So you’re from a wealthy family,” tita concluded. Biglang nawala ang mga iniisip ko kay Angelo at napalitan ng kaba dahil kay tita. “I don’t want to be dramatic but I guess it’s really happening in real life, we are not as rich as you are. Ni wala pa nga siguro sa kalingkingan ng yaman niyo kung anong meron kami.” She said. “Baka umayaw ang pamilya mo sa pamangkin ko, don’t get me wrong, my guts telling me that you’re fine but how about your family?”
“I like you for my niece since I guess you knew each other well but if your family will dislike her, I'm sorry but I have to reject you.” Bigla akong na-touch sa sinabi ni tita. Pero may kung ano sa isipan ko na sumasagi na ayaw lang niyang mapahiya ang pamilya namin kaya ganon.
“Don’t worry, I already told her to my mom po.” Hindi ba ako pagpapahingain ni Angelo mula sa pagkakagulat? I think today there is too much information for me. “And she’s excited to meet her.”
“Does she know about her status?” My tita asked. Kinabahan ako bigla dahil baka tama si tita, dahil sino naman papayag sa isang bilyonaryong pamilya na magkaroon ng gusto ang kanilang anak sa wala man lang negosyo na babae?
“She knew about it, po.” Angelo assures my tita and looks at me. “To be honest, my mom didn’t come from a wealthy family that is why status is not a big deal to her and to my father.” I suddenly felt relieved because of that.
“Si Artemis na ang magdedesisyon diyan.” Final na wika ni tita na tila tinatapos na ang usapin na iyon.
Teka nga lang! Diba no string attach kami dito? Bakit may pa meet the family na agad? Diba bawal ito sa usapan namin? Ang usapan lang namin ay sasamahan niya ako, hindi ganito.
Bumaba na sina tita sa tapat ng SLU lab elementary tiyaka nagpasalamat kay Angelo, kaagad kong hinarap si Angelo tiyaka ako nagtaas ng kilay. Akala niya ba nakalimutan ko na ang sinabi niya kanina? Nagkakamali siya!