Chapter 5 (Part 2)
Kiss
“What is that?!” I hissed. He suddenly looked amused with my sudden outburst.
“What?” Nakakalokong ngiti pa ang iginawad niya sa akin.
“Labag ito sa rules, Angelo. Ang usapan natin ay walang attachment sa ating dalawa.” Kaagad na sumeryoso ang mukha niya dahil sa sinabi ko.
“As far as I remember, we didn’t sign any rules. Am I right?” Seryoso pa rin ang mukha niya habang nagmamaneho papuntang Bakakeng—kung nasaan ang Mary Heights Campus, mga busieness related students, computer related students at ang mga tourism.
“But you agreed, right? Na hindi ka ma-attach sa akin.” Natahimik siya sa sinabi ko. Napabuntong hininga ako dahil sa katahimikan na sinagot niya sa akin. “Oh my God! Don’t tell me?” Hindi ko na tinuglungan pa ang katanungan na iyon dahil kinakabahan ako kung ano man ang maari niyang isagot sa katanungan ko.
Hanggang sa makarating kami sa campus ay walang umimik sa aming dalawa. Hindi rin siya nagsalita o nagbukas ng ibang topic. Nang makapag-park na siya ay akala ko wala na siyang sasabihin kaya inalis ko na ang seat belt ko pero nagsalita siya.
“Yung j.co ni Triscia," malumanay ang pagkakasabi niya tiyaka niya inunat ang kamay niya para makuha ang box sa likuran. Tita already picked the one box earlier.
He handed me the box, silently I accepted it without saying anything. I heard him sighed. Siguro ay wala na siyang sasabihin kaya binuksan ko na ang pintuan, bumaba na ako ng kotse tiyaka ito sinara na wala man lang sinasabi.
Pumasok na ako sa lobby tiyaka dumeretso sa left wing. Sa right and left wing kasi ang elevator para sa mga estudyante. The middle elevator was exclusively for the professors and other school's personnel.
Pagdating ko sa classroom ay nandoon na si Triscia kasama sina Allan at Gabi. Sabay-sabay silang napatingin sa akin, umirap ako sa tili ni Allan tiyaka niya ako sinalubong. Ganon din si Triscia na kaagad dinaklot ang hawak-hawak ko na box. Kinalingkis kaagad ni Allan ang kamay niya sa akin.
"Ladies and Gentlemen, the future Mrs. Castielle." Iminuwestra niya pa ang mukha ko gamit ang kanyang kamay. Natawa lang si Gabi habang nakaupo, hinihintay na kaming maupo.
"Oh bakit mukhang wala ka sa mood?" Pagtanong ni Triscia sa akin tiyaka binuksan ang box ng j.co, one dozen box iyon kaya kuminang ang mata niya pagkabukas.
"Hinatid ka?" Pagtanong ni Gabi tiyaka kumuha ng isang donut. Ganon na rin ang ginawa ni Allan habang inalok ako ni Triscia pero umiling lang ako.
"Kanina pa yung message mo na, tapos na kayo magbreakfast ah? Bakit kayo natagalan?" Tanong ni Triscia kahit na may donut pa sa bibig, nginunguya niya ito.
"Oo, hinatid din namin sina tita sa GenLu kaya natagalan." Tili ni Allan ang naghari sa classroom, wala naman nagreklamo since yung mga nasa likuran ay mga kaibigan nila at nasanay na rin ang iba naming kaklase sa kanya.
"Nag-away kayo no? Kaya wala ka sa mood." Allan concluded, well hindi naman totally away, nagkaroon lang siguro kami ng misunderstanding.
Umilaw ang cellphone ko na binitawan ko kanina sa lamesa pero hindi ko agad natingnan kung ano ang notification non dahil sabay-sabay na tiningnan ng tatlo iyon, halos magdikit-dikit pa ang ulo nila dahil sa kakachismis.
"Ay nag-away nga." Nakangusong sambit ni Allan habang dahan-dahan nilang inangat ang kanilang ulo. I rolled my eyes.
"Tapos niyo ng basahin? Baka gusto niyo kayo nalang din magreply?" Kinuha ko ang cellphone ko tiyaka ito inalok sa kanila.
Hindi ako pinansin ni Triscia tiyaka pinagpatuloy ang pagkain niya ng donut. Kaagad naman sumenyas si Gabi na hindi sa akin gamit ang kamay niya. Samantalang si Allan ay magkadikit ang kamay na tila nagpe-pray habang nag-be-beautiful eyes sa akin.
"Pwede?" Punong-puno ng pag-asa ang kanyang mata. I rolled my eyes with that.
Angelo Jo Castielle: i’m sorry.
Iyon lang ang nakalagay, no explanation or what. I sighed, hindi ko alam kung saan siya nagsosorry. Dahil ba sa misunderstanding naming dalawa o dahil hindi niya natupad kung ano man ang sinabi niya sa akin noong Saturday.
Pero ilang araw pa lang kaming magkasama, pwede ba iyon? Kaagad kong pinilig ang iniisip ko. Lagi ko ngang sinasabi na wala sa tagal ng pagsasama kung hindi nasa lalim. Sabagay, ako rin naman ay nararamdaman na kakaiba na kinakatakot ko.
Gusto ko pero ayoko.
Dumating na ang prof namin kaya bumalik na sa likuran sina Allan at Gabi kung nasaan ang mga kaibigan nila kaya kaming dalawa na lang ni Triscia ang magkatabi. Pero kahit na may prof na mukhang hindi pa rin maawat ang kuryosidad ni Triscia.
“Bakit kayo nag-away?” Bulong niya sa akin habang nakikinig pa rin kami sa discussion. We can do multi-tasking, para saan pa at naging dalawa ang tenga natin?
“Just some random stuff.” Of course, I lied. Kapag sinabi ko ang totoong rason ay magtataka siya sa akin.
Gaya ng normal na araw ay maghapon lang kaming nakaupo sa upuan, syempre may mga vacant pero hindi ganon kahaba kaya pinipili namin tumambay sa canteen. Palipat-lipat din kami minsan ng classroom kaya hindi naman nakakangalay sa puwet.
Pagkatapos ng last subject ay kaagad na kinalingkis nina Allan at Gabi ang kamay nila sa aming dalawa ni Triscia. Ganto naman sila palagi noon pa man, we’re close pero hindi kami magkakasama lagi.
“Coding si Tyron, jeep kami. Sabay na tayo sa pila.” Allan said pero pagkalabas namin ng room ay nandoon si Angelo nakasandal sa pader habang hawak-hawak ang briefcase niya. Mukha talaga siyang businessman sa ayos niya. Umayos lang siya ng tayo nang makita niya kami, unti-unting lumuwag ang hawak sa akin ni Allan.
“Uwi na kayo?” He still managed to smile even if he really looked tired. “Sabay ko na kayo.” Tikom ang bibig ng tatlo habang naghihintay kung anong isasagot ko. Tiningnan ko si Angelo na may malungkot at pagod na ngiti sa labi.
I sighed.
“Sabay na tayo.” Ramdam ko ang pagtitinginan ng tatlo, hindi ko na sila pinansin at naunang maglakad. Maging kay Angelo ay nauna akong naglakad since alam ko kung saan nakapark ang kotse niya.
Pinatunog niya agad ang kotse niya, pero bago pa ako makasakay sa likuran ay tinulak na ako ng tatlo habang nag-uunahan sila sa pagpasok. Sa gitna nila si Allan habang huling pumasok si Gabi. I rolled my eyes and opened the front seat, agad kong nilagay ang seat belt ko tiyaka nanahimik don.
Pansin ko rin ang pagtahimik ng tatlo, hindi ko nalang sila pinansin. Huling pumasok sa amin ay ang driver namin na si Angelo. Tahimik lang din siya pero ngumiti pa rin siya sa tatlo. Ramdam ko ang titig niya pero hindi ko na lang siya pinansin. I heard him sighed before he started the engine.
“Ah, Angelo, Salamat pala sa pa-j.co kanina!” Masiglang sabi ni Triscia para mawala ang ilang na nakapalibot sa amin.
“Yes! Thank you!” Dagdag pa ni Gabi.
“Ang sarap mo! I mean, ang sarap nung j.co.” Natawa silang apat sa tinuran ni Allan pero hindi ako nakitawa.
“No worries, sabihin niyo lang kung may gusto pa kayo.” Ngiti ni Angelo sa kanila.
“Paano kung sabihin kong ikaw ang gusto ko?” Malanding tanong ni Allan. Narinig ko ang isang hampas sa kanya, hindi ko alam kung si Triscia ba ang humampas o si Gabi. Angelo chuckled too.
“Sorry, taken na eh.” He said, I felt his stare directly looking at me pero sa bintana lang ako nakatingin na para bang ngayon ko pa lang nakita ang lugar at humahanga.
Dahil hawak ko ang cellphone ko, napansin ko ang pag-ilaw non kaya tiningnan ko. Kumunot ang noo ko dahil GC sa messenger ang nakita ko. Naka-mute lahat ng GC sa messenger ko kaya paniguradong bago iyon dahil nag-notif sa akin.
Triscia Martin: gaga ka! Ginawa mo kaming third-wheel na parang triplets tapos hindi ka magsasalita?
Allan Gonzales: truth ang awkward!
Gabi Liwanag: you have a problem, right? Maybe you should drop us three, we can commute naman.
Triscia Martin: gaga i beg to disagree
Allan Gonzales*reply to Triscia Martin*: (2) huwag mo kami isali sa kabaitan mo st.gabi
Gabi Liwanag: then maybe Artemis should start talking? So, it won’t be awkward.
Allan Gonzales: wow kung maka suggest ka e ganyan ka rin naman sa boyfriend mo, huwag ka mapagpanggap.
Gabi Liwanag: grrr i’m just suggesting
Triscia Martin: yes! Gabi is right! Huwag ka nga muna attitude para sa amin, kahit hanggang town lang.
Artemis Charelle Brioso: okay shut up.
“Kumain ka na?” Tanong ko kay Angelo, narinig ko ang pagpipigil na tawa ng tatlo sa likod. Sarap kamo pag-untugin.
Napasulyap sa akin si Angelo na nagtataka, mukhang hindi siya sigurado na siya ang kinakausap ko kaya pasimple niyang tinuro ang sarili niya. I silently nodded.
“Ah yes, kaninang lunch. Ikaw? You didn’t reply to my messages.” Hindi ko nga pala siya nirerepply-an kanina.
Ewan ko, kung ako lang ang masasaktan I would take the risk pero kung kasama si Angelo. Hindi ko alam.
Tumango lang ako at wala nang idinugtong pa. Sunod-sunod ang chat ng tatlo sa GC pero hindi ko na lang sila pinansin at hinilig ang ulo ko sa sasakyan. Hanggang sa ibinaba namin sila sa town hindi ako nagsalita.
Hindi naman kalayuan ang Guisad sa town kaya kaagad din kaming nakarating sa tapat ng gate ng walang imikan. Tahimik lang din siya kagaya ko.
“Salamat,” wika ko tiyaka mabilis na bumaba ng sasakyan. Kaagad ko rin binuksan ang gate tiyaka sinara ito.
Pagkatapos naming mag dinner ay nag video call si mama kay tita kaya na sofa kami magkatabi sa sala. Naubo ako kaya pinilit kong pigilan na maging sunod-sunod iyon ngunit nahuli pa rin ni tita at matalim akong tiningnan.
“Itong si Artemis ilang linggo na inuubo, Diyos ko! Baka may sakit na naman itong anak mo at mapagastos na naman ako!”
“Pabayaan mo iyan, kung magsakakit kasalanan niya. Kung mamatay man siya kasalanan niya iyan, sino bang hindi kumakain ng gulay hindi ba siya?” Sunod-sunod na lintanya ni mama.
Tila may nagbara sa lalamunan ko nang sinabi niya iyon. Alam ko naman na wala silang pakialam sa pagkamatay ko pero hindi ko inaasahan na ipaparinig talaga nila sa akin na wala silang pakialam sa akin. Ang sakit lang dahil ang mga taong minamahal mo ay tila walang pakialam sayo.
Kaya siguro tama nga ang desisyon ko na hindi na mag-undergo para magpakagaling. Narinig ko pa ang lintanya ni tita tungkol sa pera kaya maingat akong lumabas sa sala. Kaagad yumakap sa akin ang lamig ng Baguio pero hindi ko iyon inalintana. Nakalimutan ko pang magdala ng jacket at tanging pajama lang ang suot ko habang pababa papunta sa waiting shed.
Habang pababa ako ay hindi ko na namalayan ang pagdaloy ng luha ko sa aking pisngi. Tanggap ko naman na wala talaga silang pake sa akin pero bakit pa rin ako nasasaktan? Tanggap ko naman kaya nga sa abot ng makakaya ko ay sinasarili ko nalang ang sakit na mayroon ako ngayon dahil ayoko na pang mamroblema sila.
Pero bakit parang ang hirap naman mahalin nila ako? Kadugo naman nila ako ah? Anak naman nila ako, pamangkin naman nila ako pero bakit hirap-hirap sila na ituring ako kabilang sa kanila?
Unconsciously, I dialed Angelo’s number. Hindi ko alam pero siya ang unang pumasok sa isipan ko.His presence somehow comfort me, I know. I’m craving for his presence dahil baka kapag nandito siya ay kumalma ako. Halo-halo ang tumatakbo sa isipan ko at hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko.
“A-angelo.” My voice broke when I called him, he answered my call within three rings.
“Artemis? Are you crying? What happened?” Sunod-sunod na tanong niya narinig ko ang pagtakbang niya sa kabilang linya pati na rin ang tunog ng susi roon.
“Ca-can you come here?” I wiped my tears, para bang walang katapusan ang luha ko. Alam kong nakakahiya ang ginawa ko kay Angelo kanina pero heto ako ngayon at tinatawagan siya.
“Of course. Of course, no need to say that. Wait for me there, where are you?”
“At the waiting shed.” I answered while sobbing.
“Okay. Wait for me, don’t drop the call.” He said.
Tahimik ko siyang hinihintay habang umiiyak pa rin. Alam ko naman na mamatay na rin ako pero bakit kailangan ko pang marinig ang masasakit na salita? Can I please leave this world quietly and peacefully?
Because I’m drowning with my own thoughts, I didn’t notice that Angelo’s car is already in front of me. Hawak-hawak niya ang cellphone niya pero nang makita niya akong nakaupo ay kaagad siyang lumapit sa akin. Binitawan niya sa gilid ang cellphone niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
Humarap ako sa kanya na umiiyak at basang-basa ang pisngi dahil sa mga luha ko na hindi na nagtigil sa pagtulo.
Bahagyang napaawang ang labi ko dahil imbis na tanong ang ibungad niya sa akin ay narinig ko siyang kumanta.
“If you’re lonely, Darling you’re glowing.” Pagsimula niya sa kanta at tiyaka pinagdikit ang noo naming dalawa. “If you’re lonely come be lonely with me.” Hindi ko inaasahan na maganda pala ang boses niya kaya mula sa hindi magtigil na pagluha ay parang mahika ang kanyang boses dahil napatigil nito ang mga luhang lumalandas sa pisngi ko.
Minulat niya ang kanyang mata tiyaka direktang tumingin sa akin. Nakatingin din ako sa mga mata niya hanggang nakita ko ang pagbaba ng tingin niya sa labi ko.
“Can I kiss you?” Tanong niya habang nakatitig sa labi ko na napapaos ang boses. Ramdam ko ang kaba niya dahil napansin ko ang mabilis na pagtaas-baba ng balikat niya na tila ba galing sa habulan.
I silently nodded.
Until I felt his lips brushing into mine. Dahil sa gulat ay para lang siyang humahalik sa isang patay na tao dahil hindi ko magalaw ang labi ko and it’s my first time kissing a man!
It’s my first kiss!
Hinawakan ko ng mahigpit ang maliit at kulay itim ko na notebook ng may naalala. It’s on my bucket list! My f*****g first kiss!
Humiwalay ako sa halik habang ramdam ko pa ang panabik ni Angelo.
“Angelo,” I raised the small notebook. “Things to do before I d-” but before I finished my sentence I felt his lips on my lips again.
But this time, I tried to follow the moves of his lips. Lalo pa siyang ginanahan ng maramdaman niya ang paghalik ko. Punong-puno ng sabik ang kanyang halik. It’s gentle and full of never mind, I don’t want to think it’s love.
Things To Do Before I Dies #4 First Kiss:✓