Chapter 11

1266 Words
Napaunat sa kan’yang kinauupuan si Bernard nang marinig ang tinig ni Sylvia mula sa kabilang linya. Bahagya siyang napangiti at kunwa'y naghikab na sadyang ipinarinig dito. “I-I’m… I’m sorry… Naistorbo ko yata ang pagtulog mo,” hinging-paumanhin nito sa mahinang tinig. “No… it’s fine. I was already awake when you called.” Makatotohanang sagot niya. “Napatawag ka? Did something happened?” Magkasunod niyang tanong sa nag-aalalang tinig kahit alam na niya ang nangyari. Hawak niya sa isang kamay ang bag nito na s’ya mismong humablot dito kanina. Iyon lang ang paraang naisip niya para mas lalo itong matakot. At para ito na rin mismo ang kusang humingi ng tulong sa kan’ya. Well… hindi naman talaga niya intensyong takutin ito nang husto. Gusto niya lang itong tulungang mag-isip nang mabilis. At kinakailangang gawin niya iyon upang mapalapit dito at upang masagot na rin ang mga katanungan sa isip niya. It was a very low moved, but she doesn’t leave him any choice. Napailing na lang siya sa sarili. Siguro kung nag-artista siya siguradong pasado na ang akting niya. Dahil kahit siya mismo sa kan’yang sarili ay kumbinsidong-kumbinsido sa mga pinaggagawa niyang iyon. Para bang totoong-totoo iyon. Pati ang pag-aalala niya sa dalaga ay parang tunay din. At hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang pati s'ya ay nahuhulog sa sarili niyang patibong. Hindi niya kasi mapigilang hindi maapektuhan sa mga nangyayari dito. And it was giving him second thoughts na hindi naman dapat. This is not really good, umiiling-iling na bulong niya sa sarili. “I… I am not fine…” anito pagkaraan nang ilang sandali. Kasunod noon ay narinig niya ang paghikbi nito mula sa kabilang linya. Napatayo siya at marahas na naihilamos ang isang kamay sa mukha. Hindi niya alam na matatakot pala talaga nang husto ang dalaga dahil sa ginawa niya. He wanted to punch himself right there and then. Baka sakaling sa ganoong paraan ay matauhan siya sa mga pinaggagawa niya rito. But, he have to do what was must kung gusto niyang mahuli ang totoong salarin sa nangyari noon sa kan’ya at sa nangyayari ngayon sa kompanya ng kan’yang kaibigan. He has to think logically dahil maaaring may mas marami pang buhay ang mawala kung hindi siya gagawa ng paraan. Ilang beses siyang huminga nang malalim bago nakuhang magsalita, “Tell me what happened.” Masuyong wika niya. At ikwenento nga ng dalaga ang nangyari kanina sa nanginginig na tinig. “Please… Bernard… I need your help. Hindi ko sana gustong gawin ito, but I was running out of options. Hindi lang ang buhay ko ang nakasalalay dito, pati na rin ang kay T’yang Natty. At ikaw lang ang taong naiisip kong makatutulong sa akin,” nakikiusap na wika nito. Sandali s'yang natigilan at blangkong napatingin sa ibabaw ng kan’yang lamesa. Finally, makukuha na niya ang gusto niya. Pero bakit ganoon? Bakit parang hindi naman s’ya masaya? Bakit parang wala siyang nararamdamang excitement dahil sa wakas ay mareresolba na ang kasong matagal na niyang iniimbestigahan? Bakit pati parang pakiramdam niya mali ang ginagawa niya? Ano ba itong nangyayari sa kan’ya? Mabilis niyang ipinilig ang ulo at sumeryoso. “You really do trust me, do you?” nananantsang tabong niya rito. “I have to. Kahit pa nga against the rules ang ginagawa kong ito.” Napakunot ang noo niya. “What do you mean against the rules?” Sandali itong natahimik at hindi agad nakaimik. Pagkuwa’y narinig niyang nagpakawala ito nang malalim na buntong-hininga. “Later, Bernard… later… I’ll tell you everything later.” “So, you want me to help you but you don’t totally trust me? Paano kita tutulungan kung ganoon? At hindi ba parang unfair naman yata ito sa ‘kin? Because, honestly speaking, I don’t really know you. Paano kung ikaw pala ang papatay sa ‘kin?” hindi na napigilang wika niya rito. “Hindi ako masamang tao, Bernard, kung iyon ang inaalala mo,” agad nitong depensa sa sarili. “I’ve never hurt anybody in my lifetime. Kung pwede ko nga lang sabihin sa ‘yo ang lahat ginagawa ko na sana. Pero hindi ganoon kadaling gawin ang lahat. Hindi ganoon kadali na magtiwala agad-agad lalo na sa sitwasyon ko ngayon. So, please… sana naman sapat na sa iyo ang malamang mabuti akong tao,” nagsusumamong wika nito. Napailing na lang s'ya sa sarili. Ano pa nga bang magagawa niya? Kailangan niya ang dalaga dahil sa mga impormasyon na hawak nito. At nasisiguro niyang makapagtuturo iyon sa kan’ya sa totoong salarin. Hindi niya ito pwedeng balewalain dahil limang taon n'ya na ring tinutugis ang kung sinumang nasa likod ng pagpapasabog noon sa kampo nila. He’ll be back to square one kapag tinanggihan pa niya ito. “Alright…” aniya makaraan ang ilang saglit. “I’ll help you... I’ll do anything to help you. Pero hindi ko ito magagawang mag-isa. I will still need your help. Are you willing to do that?” naniniguradong tanong niya rito. Sylvia sighed then said, “Yes. I’ll do anything mailigtas lang ang buhay ni T’yang Natty,” matatag na tugon nito. “Okay. So, we have a deal. Ano bang gusto mong gawin ko ngayon? Do you have any plans on your mind?” “I do. At una na roon ay ang paglipat namin ng matitirahan. I want us to have a safer place to live.” Napatango naman s’ya. “Leave that to me,” mabilis niyang sagot. “Anything else?” “I’ll take a vacation leave starting today habang hindi ko pa nasisigurado ang kaligtasan namin ni T’yang Natty.” Napataas ang isang kilay niya. “So, do you want me to call Antonio or Sebastian to do that?” amused na tanong niya rito. Hindi naman sekreto sa mga empleyado ng kompanya na nakakakilala sa kan’ya ang pagiging malapit niya sa mga Monte Bello. At hindi niya naisip na gagamitin iyon ngayon ng dalaga. “This may sound odd but… could you do that for me? Ikaw lang ang alam kong makakapagpaliwanag sa kanila sa mga nangyayaring ito sa akin nang hindi na nagtatanong pa. And I know they trust—” “It’s okay. I get it.” Mabilis niyang putol sa iba pang sasabihin nito. “Just prepared all the things you need. Susunduin ko kayo d'yan after an hour.” “Thanks, Bernard… Thank you so much for helping me,” sinserong wika nito. “Don’t thank me yet. Wala pa naman tayong nasisimulan and your killer was still out there. Hindi pa rin ligtas ang buhay mo.” “Kahit na… salamat pa rin sa lahat,” giit nito bago nagpaalam sa kan’ya. Pagkatapos ng usapan nilang iyon ni Sylvia, tinawagan niya ang tauhang si Zaragosa. “Any update on your target?” agad na tanong niya ng sagutin nito ang cellphone nito. “Miss Asuncion just got back a while ago to her apartment. While the main target wasn’t coming out since yesterday,” imporma nito. Napatango si Bernard. “Just continue your surveillance on the main target. Follow his every move and report them back to me immediately. Huwag na huwag mo siyang aalisin sa radar mo. And don’t worry about Sylvia. Ako na ang bahala sa kanya,” seryosong wika niya. “And one more thing, I’ll be gone in a while. Ikaw na muna ang bahala sa opisina at kung may emergency, sabihin mo agad ako. Used my emergency line if needed kung hindi mo agad ako makontak,” dagdag na bilin niya rito. “Yes, Boss.” Mabilis namang tugon ni Zaragosa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD