Chapter 10

1389 Words
“Are you really sure na okay ka lang? I could still bring you to the hospital if you want.” Bernard continued insisting nang tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng bahay ng dalaga. Mabilis na sinuri ng kan’yang mga mata ang paligid. At nang masigurong ligtas doon at walang sumusunod sa kanila ay saka palang s'ya nakahinga nang maluwag. “I’m really fine, Bernard. Hindi mo na kailangang mag-panic dahil lang sa mga simpleng galos ko sa katawan,” tugon ng dalaga na lalong ikinalalim ng mga gatla sa noo niya. “That bruises aren’t that simple,” mahina pero mariing sabi niya. Lumikot naman ang mga mata nito at pagkuwa’y pilit na ngumiti. “Katawan ko ito kaya alam ko kung malala o hindi ang mga sugat ko,” anito. Mahigpit siyang napakapit sa manibela ng marinig ang pagmamatigas nito. At pagkatapos ay huminga nang malalim. “Fine… Pero hindi mo man lang ba ire-report sa mga police ang nangyari?” seryosong tanong niya rito. Sandali itong natigilan at tila nag-isip, pagkuwa’y hinarap siya at tinitigan sa kanyang mga mata. “Wala akong tiwala sa kanila,” maikling tugon nito. Kaya’t ang nadarama niyang pagtataka kanina ay napalitan ng paghihinala. Ano ba talagang itinatago ng babaeng ito? May kinalaman ba ito sa nangyari sa kan’ya noon at sa nangyayari ngayon sa mismong opisina nito? Hindi malayong mangyari. Bulong ng kabilang bahagi ng isipan niya. “But you trust me, right?” nananantsang tanong niya sa dalaga. He wanted to make sure that Sylvia trusted him, para kung sakali mang maulit muli ang ganoong insedente ay siya mismo ang unang-una sasabihan nito. Ilang sandali itong hindi nakaimik at tila tinitimbang sa isip ang sinabi niya. Pagkuwa’y marahan itong tamango. “Good…” tumatango-tangong sabi niya bago may dinukot sa bulsa ng pantalon at iniabot iyon dito. “Here is my calling card. Call me if you need anything. Pero pwede mo rin naman akong tawagan kahit wala kang kailangan. I’ll be willing to be at your service anytime,” biro niya sabay kindat dito. Natatawa namang tinanggap ng babae ang kapirasong papel na nasa kamay niya. “Alright… Thanks…” anito. Tumango naman siya pagkatapos ay umibis ng kan’yang sasakyan at ipinagbukas ito ng pintuan. “Don’t worry about what happened today. Kung wala kang tiwala sa mga pulis, ako na ang bahalang mag-imbestiga sa nangyari. But… it’s not free of charge. Pero t'saka ko na lang ikaw sisingilin kapag tapos na ang imbestigasyon ko,” aniya nang makababa ito. “But—” agad na pagproprotesta nito na mabilis niyang sinawata. “I don’t take no for an answer. Isa pa, responsibilidad ko rin ang nangyari kanina. Your company is under my service, so their employees. At kabilang ka doon. So, kahit tanggihan mo ako ngayon, alam mong hindi papayag ang mga bosses mo lalo na ako. Because it happened right in front of my face. Hindi ko naman hahayaang malagay sa alanganin ang mga taong prinoprotektahan ko, especially you.” Mahabang paliwanag niya rito. Walang naman itong nagawa kun’di ang magpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Hindi nito magagawang salagin ang mga sinabi niya dahil totoong hindi iyon palalagpasin ni Antonio, lalo na ni Sebastian. Masyadong mahalaga sa mga ito ang kaligtasan ng mga empleyado nila at hindi titigil ang mga ito hangga’t hindi nahuhuli ang may gawa noon kay Sylvia. Iyon din naman ang sinisiguro niya. “Sige na. Get inside and clean your wounds. Baka mamaya ma-infect pa ‘yan at lalong lumala.” Pagtataboy niya sa dalaga. Marahan itong tumango bago umusal ng pasasalamat. At pagkuwa’y tumuloy na ito sa loob ng bahay. Hindi naman agad siya umalis doon. Nagmat’yag muna siya ng may ilang oras, bago naisipang bumalik sa kan’yang opisina. He grabbed the white folder on top of his table pagdating niya roon. Matagal na rin iyong naroroon at ilang linggo na rin niyang pinag-aaralan ang laman niyon. It was Sylvia’s company profile at iba pang mga bagay na may kinalaman dito. He wanted to make sure na wala talaga itong kinalaman sa nangyaring ccybe-attack noon sa kompanya nito. Pati na rin ang kagustuhan niyang pag-aralan kung ano ang mga bagay na ayaw at gusto nito sa isang lalaki, para sa plano niyang pakikipaglapit dito. At base na rin sa mga impormasyong naroon, ulila na ang dalaga at ang kasama na lang nito sa buhay ay ang matandang dalaga na tiyahin. Graduate ito ng office management sa isang unibersidad sa Maynila may limang taon na ang nakararaan. May ilang naging boyfriends noong college pero pagkatapos nito sa kolehiyo, wala na itong naging kasintahan pa. Tatlong beses na rin itong lumipat ng tirahan at lahat ng iyon ay pawang maliliit na apartments lang. Nahihinuha niyang dahil iyon sa trabaho nito, dahil ang mga lumang address nito ay malapit lang din sa dating pinapasukan. Tatlong taon na rin itong nagtatrabaho sa MBGC at mismong si Sebastian ang nag-hire dito. Malinis ang record ng babae at walang kahit anong bahid ng pagiging kriminal. Hindi rin ito pala-labas ng bahay at ang tanging libangan lang ay magtrabaho. Kung libangan nga bang matatawag iyon. Subalit ang ipinagtataka niya sa lahat ng iyon ay kung bakit tila ilag ang babae sa ibang tao. Wala itong masyadong kaibigan at tila wala naman talaga itong balak na magkaroon kahit na kaylan. Hindi rin ito lumalabas kapag inaaya ng mga katrabaho nito maliban na lang kung kinakailangan. At ang isa pang kahina-hinala sa mga kilos nito ay ang pagtanggi nitong dalhin niya ito sa ospital kanina. Alam niya kung gaano kasama ang inabot nitong mga sugat, but she insisted treating them at home. Hindi rin nito gustong i-report sa mga pulis ang nangyari, dahil wala itong tiwala sa mga iyon. It was an understandable reason, but not a strong one. Gusto niyang malaman kung bakit walang tiwala ang babae sa mga pulis. At kung sino ba talaga ang nagtatangkang iyon sa buhay nito. Maraming katanungan sa kan’yang isipan na gusto niyang magkaroon ng kasagutan, ngunit alam niyang tanging ito lang ang makakapaglinaw noon sa kan’ya. At hindi siya makakakuha ng kahit anong impormasyon mula rito kung hindi s'ya nito lubos na pagkakatiwalaan. Kailangan niyang gumawa ng paraan para mangyari iyon. ** Kinabukasan ay maagang gumising si Sylvia. Ayaw niyang makita s'ya ng kan’yang tiyahin na puro pasa at sugat ang katawan dahil nasisiguro niyang mag-aalala ito nang husto. Ipagpipilitan na naman nitong sa probinsya na lang sila tumira na ayaw naman niyang mangyari. Hindi siya makakakilos ng maayos doon sapagkat mahirap ang signal ng internet. Lalo lang siyang mahihirapan mag-imbestiga kapag ganoon ang nangyari. Pumasok siya ng maaga at nag-iwan na lang ng note dito. Pinili n’ya ring magsuot ng long-sleeve at slacks para hindi mahalata ng mga kasamahan niya ang kan’yang mga sugat. Nag-aabang na siya ng masasakyan sa may labasan nang isang rumaragasang motorsiklo ang tumigil sa tapat niya. At pagkuwa’y inagaw ang kan’yang bag. Hindi agad siya nakakilos at para s'yang itinulos sa kan’yang kinatatayuan. Sariwa pa sa isip niya ang nangyari kagabi at hindi niya naisip na mauulit ang pangyayaring iyon ng ganoon kabilis. Takot na luminga siya sa paligid sa pagbabaka-sakaling may mahingian siya ng tulong doon. Ngunit dahil maaga pa at wala pang gasinong tao sa kalsada, wala ni isang nakakita ng nangyaring iyon sa kan’ya. Bagsak ang mga balikat na hinabol na lang niya ng tingin ang malayo ng motorsiklo. Wala rin s'yang nagawa kundi ang bumalik sa kanila at nagkulong sa kanyang silid. Takot na nagpaikot-ikot s’ya roon habang nag-iisip kung ano ang kanyang gagawin. Ngayong dalawang beses nang nalagay sa alanganin ang buhay niya sa pagitan lamang nang ilang oras, hindi maglalaon at alam niyang mauulit iyong muli. At ang labis niyang ikinababahala ay ang kaligtasan ng kan’yang tiyahin. Ayaw niyang pati ito ay madamay sa nangyayaring iyon sa kan’ya. Huminga siya nang malim at tumigil sandali. Napatingin s’ya sa ibabaw ng kan’yang maliit na lamesa at nakita roon ang calling card na ibinigay sa kan’ya ni Bernard kagabi. Dagli s'yang lumapit doon at kinuha ang kapirasong papel. At pagkuwa’y nilingon ang katabing telepono na nasa ibabaw din ng kan’yang lamesa. Walang pag-aatubiling dinampot niya ang telepono at idinayal ang numerong nakasulat sa calling card. Ilang beses muna iyong nag-ring bago sinagot. “Hello… Bernard…?” aniya sa disimuladong tinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD