Chapter 9

1279 Words
Masyado nang ginabi si Sylvia sa araw na iyon. Marami siyang tinapos na trabaho at hindi niya namalayan ang paglipas ng oras. Pagbaba niya sa ground floor ay halos wala ng dumadaang pampasaherong jip o kahit na taxi sa mga sandaling iyon. Subalit, mat’yaga pa rin s'yang naghintay roon. Habang nag-aabang ng masasakyan ay naisipan niyang tumawag sa kanila. “Hello…” anang kan’yang ‘tyahin nang sagutin ang telepono. “Hello, T'yang… si Sylvia ‘to. Huwag n’yo na ho akong hintayin dahil kakalabas ko lang,” aniya habang tumitingin sa magkabilang gilid ng kalsada at nagbabakasakaling may paparating na masasakyan doon. “Ganoon ba? S'ya sige. Initin mo na lang ang mga pagkain pagdating mo.” “Oho. Ako na ang bahala,” mabilis niyang tugon. “Sige at ako’y matutulog na. Mag-iingat ka sa pag-uwi, ha,” bilin pa nito. “Sige ho T’yang. Matulog na ho kayo. Bye…” At sinabayan iyon ng pagpindot ng end button. Eksaktong naibalik na niya sa bag ang cellphone niya nang marinig ang malakas na harurot ng paparating na sasakyan. Mabilis siyang lumingon sa pinanggalingan niyon at ganoon na lang ang panlalaki ng kan’yang mga mata. Sa kan’ya mismong kinatatayuan papunta ang sasakyan at tila walang nais ang nagmamaneho niyon na iiwas iyon sa kan’ya. Para naman s'yang ipinako sa kinatatayuan at hindi makagalaw. Ilang dipa na lang ang layo ng sasakyan sa kan’ya nang may biglang humablot sa braso niya at magkasabay sila noong bumagsak sa semento. Mariin siyang napapikit ng hindi pa rin nagbabago ng direksyon ang kotse. Ngunit mabilis na kumilos ang sinumang nagligtas na iyon sa kan’ya at eksaktong naiiwas ang mga katawan nila sa napipintong pagkakasagasa. Ilang beses silang gumulong sa semento habang sapo-sapo ng kung sinumang iyon ang ulo niya. Sumunod niyang narinig ang malakas na lagitngit ng mga gulong ng sasakyan sanhi nang mabilis na pagpreno ng driver nito. Pagkuwa’y umatras iyon at mabilis na nagmaniobra papalayo sa kanila. Tatayo pa sana ang tagapagligtas niya upang habulin iyon, ngunit mabilis niya itong napigilan. Mahigpit siyang kumapit sa braso nito habang nanginginig ang kan’yang buong katawan. Halos hindi na rin s’ya humihinga. Pakiramdam niya ay wala siyang lakas para kumilos o ang magsalita man lang. “It’s alright… You’re safe now,” anang tinig na kilalang-kilala niya. “B-Bernard…?” nangangatal ang mga labing bigkas niya sa pangalan nito. “Yeah… it’s me,” tugon nito habang masuyong hinahaplos ang kanyang buhok. Doon na bumigay si Sylvia at tuluyang napaiyak. Hindi niya sukat akalain na totoong may taong magtatangka sa buhay niya. Sa loob ng limang taong tahimik niyang pamumuhay at pag-iimbestiga ay noon niya lang naranasan na malagay sa bingit ng kamatayan. Akala niya handa na siya sa ganoong sitwasyon, pero nagkakamali pala siya. Ang mga pag-eensayong inaral niya para depensahan ang sarili ay hindi niya nagamit sa mga sandaling iyon. She became so helpless and defenseless. At noon lang siya nakaramdam nang matinding takot para sa sarili. “Sshhh… it’s alright, Sylvia. I’m here. No one could ever hurt you as long as I am here,” Bernard softly said. Bahagya namang napayapa ang kan’yang kalooban at tumigil sa pag-iyak. “T-Thanks…” mahinang usal niya. Tumango ang binata. “Can you stand up?” tanong nitong bakas sa tinig ang matinding pag-aalala sa kan’ya. Marahan siyang tumango. Maingat itong tumayo habang inaalalayan s'ya. Mabuway ang kan’yang mga paa nang muling maiapak iyon sa semento kaya mabilis siyang sinalo ng lalaki. “Careful,” anito habang halos yakapin na siya. Nakaramdam naman siya ng pagkapahiya nang matanto ang posisyon nila kaya mabilis niyang inilayo ang sarili dito. “S-Salamat ulit…” aniyang hindi makatingin ng deretso rito. Napailing na lang ito at tinitigan siyang maigi. “Okay… Let me just checked you kung ayos ka ngang talaga,” anito pagkaraan ng ilang sandali. Pagkuwa’y walang ano-anong lumapit itong muli sa kan’ya at pinasadahan ng tingin ang kan’yang buong katawan. Pigil na pigil naman niya ang paghinga habang dinadama ng mga kamay nito ang parte ng katawan niya na sa tingin nito ay nasaktan sa pagkakabagsak nila sa semento kanina. At ang init na hatid ng mga iyon ay bumabalisa sa kan’yang buong pagkatao. Parang binabayo ng tambol ang kan’yang dibdib sa lakas ng kabog niyon. At pakiramdam niya anumang sandali ay sasabog na iyon. Nag-aapoy din sa init ang kan’yang magkabilang pisngi kaya’t hindi na niya napigilan pa ang mapapikit. “You have bruises all over your body. Kailangang matingnan agad ito sa ospital. Isa pa, hindi natin alam kung may iba pa bang fracture sa katawan mo.” Ang narinig niyang sabi ni Bernard pagkatapos nitong inspeksyunin ang katawan niya. Mabilis siyang nagmulat ng mga mata at kitang-kita niya ang kakaibang tingin na ibinibigay nito sa kan’ya. Para bang ito man ay naghihirap din ang kalooban sa mga oras na iyon. Napatingin siya sa mga labi nito pagkuwa’y lumunok. “Sylvia…?” untag nito sa kan’ya sa mahinang tinig. Hindi rin nakaligtas sa kan’yang mga mata ang panginginig ng labi nito at bahagyang pagpikit nito. Na para bang may mas masakit itong iniinda sa sariling katawan. “Don’t stare at me like that. Baka hindi ako makapagpigil at makagawa ng isang bagay na sigurado akong labis-labis mong ikakabigla,” may halong babalang wika nito na ikinapamula naman ng mukha niya. Hindi niya alam na magiging ganoon ka-bulgar ang lalaki sa pagsasabi ng totoong nararamdaman nito. “I-I’m sorry…” mahinang wika niya. Ngunit hindi niya alam kung para saan ba ang paghingi niya ng paumanhin dito. Para ba iyon sa mga damdaming pilit nilang pinipigilan? O para ba iyon sa pagtitig na ginagawa niya rito? Bahagyang napangiti ang lalaki. “Kailangan na nga siguro kitang dalhin sa ospital ora-mismo. Mukhang naalog nang husto ang ulo mo sa pagkakabagsak natin kanina,” pagbibiro nito na ikinangiti na rin niya. At napahugot ang lalaki nang malalim na paghinga ng makita ang ginawa niya. Tila ba nabunutan ito nang malaking tinik sa dibdib. “I felt relieved somehow,” anito. “Akala ko mahihirapan na akong pangitiin ka.” Napayuko siya upang itago ang nadaramang kilig. “Don’t worry… I’m fine,” aniya rito. “No, you’re not.” Mabilis nitong salag sa sinabi niya. “And we are going to that hospital. Just wait me here,” dagdag pa nito at mabilis na pumunta sa nakaparadang sasakyan. Nang tumapat iyon sa kanya ay kaagad itong bumaba at ipinagbukas siya ng pintuan. Pagkatapos ay maingat s’yang inilalayan nito sa kan’yang may siko papasok sa loob ng sasakyan nito. “Hindi mo na ako kailangan pang dalhin sa ospital,” aniya ng makasakay ito sa driver’s. Kunot-noong nilingon siya nito. “Sa bahay ko na lang gagamutin ang mga sugat ko, tutal wala namang ibang masakit sa ‘kin,” dagdag na pangungumbinsi pa niya rito. Alam niyang nagtataka ito nang husto sa inaakto niya, pero hindi niya pwedeng ipakipagsapalaran ang sarili. Hindi siya pwedeng magpunta sa ospital dahil magkakaroon siya ng record doon. Malalaman ng kung sinumang nagtatangka sa buhay niya ang iba pang detalye tungkol sa kanya. At mas lalo lang s'yang malalagay sa alanganin. Isa pa, anumang oras ay maaaring may magtangkang muli sa buhay niya and she knew that hospital isn’t the safe place for her. Wala siyang ibang dapat na pagkatiwalaan kun’di ang sarili niya at si T’yang Natty. “Are you sure? Because I saw your wounds and some of them needed stitches.” May pagdududang wika nito. Mabilis s’yang tumango. “Yes. I could nurse myself. Don’t worry…” Napipilitang tumango naman ito bago binuhay ang makina ng sasakyan at tahimik na nagmaneho hanggang sa apartment niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD