Napahinga nang malalim si Sylvia ng mabasa iyong muli.
Lahat ng bilin ng kapatid ay sinunod niya except one thing… ang burahin ang mensaheng iyon.
Iyon na lang ang natitirang alala niya rito kaya hindi niya iyon nagawang burahin. But, she sent that message sa bago niyang email address para makasigurong ligtas pa rin iyon. Dahil kung totoong may banta sa buhay niya, hindi niya hahayaang magtagumpay ang sinumang gagawa noon sa kan’ya.
She needs to be safe for the sake of her sister. Siguro naman ay wala ng makakakilala sa kanya ngayong s'ya na si Sylvia Asuncion. Alam niyang tiniyak iyon ng kapatid bago ito mawala.
Nangalumbaba siya sa harap ng computer at matagal na tumitig doon.
Kahit ilang ulit na niyang nabasa ang huling mensahe ng kapatid ay marami pa rin siyang hindi maintindihan. Kagaya nang paano ba nanganib ang buhay nito at pati na rin ang sa kanya? Ano ba talagang pinasok nito para ganoon ang sapitin nila? At bakit naman maiisipan ng kan’yang kapatid na pumasok sa isang gulo na alam nitong ikapapahamak nila? Ano ba talagang tumatakbo sa isip nito?
Marami pa siyang katanungan sa isip bukod doon, ngunit wala naman ng makasasagot noon para sa kan’ya. Alam niyang wala na ang kapatid kaya hindi siya titigil hangga’t hindi niya nalalaman ang buong katotohanan.
Napadako ang tingin niya sa may unan.
Pinatay niya ang computer at naupong muli sa kan’yang kama. Pakapang dinukot niya ang ilalim ng kan’yang unan at kinuha doon ang isang maliit na notebook.
Binuksan n'ya ang maliit na lampshade sa tabi ng kan’yang kama at binuklat ang maliit na notebook.
Isang post-it note ang bumungad sa kanya na may nakalagay na, ‘I love you. That’s what only matters to me'. Pagkatapos noon ay may initial na letter B.
Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit taliwas sa nilalaman niyon ang isinulat ng ate niya sa journal nito. Kagaya na lang ng nakalagay sa pinag-ipitan na iyon ng post-it.
January 20, 1996
I don’t know what to do... Alam kong mali pero bakit ganoon ang nararamdaman ko? Hindi ito tama at hindi ito ang nararapat. Ilalagay ko lang ang sarili ko sa alanganin. This will ruin my mission. At kapag nalaman niya ang totoo, alam kong hindi s’ya magdadalawang-isip na patayin ako. Hindi siya sisira sa sinumpaang tungkulin at hindi niya ipapahamak ang mga kasamahan niya. Kahit pa nga paulit-ulit niyang sabihin sa akin na mahal niya ako, alam kong sa bandang huli ay siya rin ang papatay sa akin.
Halos lahat ng nakalagay sa journal na iyon ay may ganoong mensahe. Kung hindi nalilito ang ate niya ay sigurado naman ito na papatayin ito ng lalaking may initial na B dahil sa misyon nito.
Pero ang mas higit na nakakapagtaka ay mukhang hindi naman ganoon ang nais ng lalaking iyon. Ilang notes din ang nabasa niya na galing dito na nakaipit sa journal na iyon, at lahat ng iyon ay nagpapahayag nang matinding pagmamahal nito sa kapatid niya. Kaya mas lalo lang siyang naguguluhan.
Subalit ilang bagay din ang sigurado niya base na rin sa mga tala sa journal na iyon. May masamang nangyari sa ate niya at nasisiguro niyang may kinalaman ang lalaking may initial na B sa pagkawala nito.
Ang misyon na nabanggit doon ay hindi klaro pero nararamdaman niyang hindi iyon maganda, dahil alam niyang nagpapanggap ang ate niya sa harap ng kung sinumang lalaki na iyon. Isa pa, nasisiguro niyang may katungkulan sa gobyerno ang lalaki, base na rin sa pagkakalarawan doon ng kapatid. Iyon lang ang malinaw na lead na mayroon siya.
May isa pa palang malinaw na nasusulat doon. Mahal ng kapatid niya ang lalaki, ngunit natatakot lang ito na mahantad ang katotohanan at magsilbing mitsa nang pagkamuhi nito sa ate niya.
Ngayon, natitiyak niya sa sariling ang lalaking sumulat ng mga post-it na iyon sa ate niya ang dapat niyang hanapin. Ito lang ang makapagsasabi sa kan’ya ng katotohanan.
Pero sa dinami-rami ba naman ng taong may initial na B sa gobyerno ay baka hindi lang limang taon ang bunuin niya. At habang patagal nang patagal ang paghahanap niyang iyon, pahina na rin nang pahina ang loob niya na matagpuan pa ito. Maraming posibilidad na maaaring mangyari at isa na roon ay ang baka wala naman na ang taong hinahanap niya.
But regardless of that, hindi pa rin siya susuko hangga’t hindi niya nalalaman ang totoo. Kahit na ang katotohanang iyon ay posibleng magbago sa pagkakakilala niya sa kapatid at maaaring makasakit sa kan’ya.
**
Bernard continued courting her kahit pa nga ilang beses niya na itong tinanggihan. Naging sentro tuloy iyon ng usap-usapan sa opisina nila na labis naman niyang ikinaiilang, dahil halos lahat ng babaeng empleyado roon ay may gusto rin dito.
Marami ang naiinggit sa kan’ya at marami rin ang nagsasabing isa siyang hangal para tanggihan pa ang lalaki. Ang iba naman ay nagagalit pa dahil sino ba raw siya para pag-ukulan ng pansin ng binata.
Well, iyon din naman ang tanong niya sa kanyang sarili. Sino nga ba siya para pag-ukulan nito ng pansin?
Alam niyang bukod sa ito ang may-ari ng security agency na ini-hire ng kompanya, matalik din itong kaibigan nang isa sa mga big bosses nila. Kung gayon, hindi rin basta-basta ang pamilyang pinagmulan nito.
“Mukhang malalim yata ang iniisip mo,” anang baritonong tinig na nagpaangat ng ulo niya mula sa pagkakatitig sa kawalan.
Nakangiting mukha ni Bernard ang nabungaran n'ya roon.
Agad niyang iniiwas ang mga mata rito at pakunwang binuklat ang mga papel na nasa harap niya.
“I’m so sorry, Mr. del Castillo. But, as you can see… I am busy right now.” Hindi derekta, ngunit nangangahulugang gusto niya itong itaboy.
Bahagya namang natawa ang lalaki.
“It’s lunch break. Hindi ka ba kakain?” tanong nito.
Lumipad naman ang mga mata niya sa paligid at natanto niyang sila lang dalawa ang tao roon.
But, still, she pretended doing something may maidahilan lang sa lalaki kung saka-sakali man na ayain s’ya nito.
Ngunit, tila nabasa naman nito ang laman ng kan’yang isip. Isang paper bag ang ipinatong nito sa lamesa niya bago siya nginitian.
“Alam kong tatanggihan mo na naman ako, kaya inunahan na kita. I brought you something for lunch. Pero huwag kang mag-alala, hindi kita sasaluhan. Gusto ko lang talagang makita ka and that’s my best alibi,” anito sabay talikod at dere-deretsong tinungo ang elevator.
Napabuntong-hiningang hinabol n'ya na lang ito ng tingin.
Nang mawala ang binata ay binuklat niya ang dala nitong pagkain. Pasta at steak iyon na may kasamang isang slice na cake.
Napangiti s’ya sa sarili at kaagad inumpisahang kainin ang mga dinala nito.
Samantala sa control room ay napapangiti ring mag-isa si Bernard habang pinapanood sa pagkain si Sylvia. Aminin man niya sa sarili o hindi, pero apektado na rin s'ya sa ginagawa nitong pag-iwas sa kan’ya.
He's doing the best that he can mahulog lang sa kan’ya ang dalaga. Ngunit habang ginagawa niya iyon, hindi naman niya maitatanggi sa sarili na napapahanga siya nito. Hindi naman siya bulag para hindi mapansin ang itinatagong ganda ng dalaga. And that’s affecting him the most, lalo na ang pangangailangan niya bilang isang lalaki.
Maraming emosyon na binubuhay si Sylvia sa kan’yang pagkatao. At isa na nga roon ay ang nadarama niyang pagkahumaling sa kagandahan nito na nagbibigay sa kan’ya nang hindi matatawarang hirap, lalo na ang pagtulog sa gabi.
She’s giving him so many sleepless nights from the past weeks. And he knew that he needs to get over with her, bago pa iyon lumala at kainin pati na ang buong sistema niya.