bc

Law of Love (Buenaventura Series #1)

book_age16+
10.5K
FOLLOW
36.5K
READ
billionaire
badboy
badgirl
powerful
billionairess
drama
tragedy
bxg
city
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Addison Kailey Heira is an ultimate badass. Sariling desisyon niya lang ang sinusunod niya. That's her law. Mahilig siyang takasan ang isang bagay na nagpapabigay ng thrill sa kanya. Breaking rules excites her. Until she met the Buenaventura brothers. Katulad niya ay sariling gusto lang rin nito ang nasusunod. And Addi hates it because she doesn't want to obey their rule, their own law. Pero paano kung bumaliktad ang lahat at kagustuhan naman ng pag-ibig ang masunod? How will they abide the Law of Love if they're both smitten? Will Addi escaped this time? Or she'll get caught until she has no choice but to obey not her Law nor the Buenaventura's Law but the LAW OF LOVE.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"I dont know what to do with you anymore Addi!" Ang sigaw ni Daddy ang pumaibabaw sa kabuuan ng aming mansyon sa gabing iyon. Pagod akong napairap habang nakadekwatro ng upo dito sa couch lalo na't kakadating ko lang dito sa bahay galing doon sa party na pinuntahan ko. I sneak out. Yeah. Kaso nahuli ako ng alipores ni Dad kaya heto ako ngayon nakahandcuffs na ang magkabilang kamay. Ganito ako kawild para lagyan niya nito at hindi na makatakas pa. Pwersahan nga lang nila akong iniuwi. I can't blame him anyway. I'm such a badass. I pushed him to do so.  "I locked you in your room at anong ginawa mo? Tumalon ka sa bintana para lang talaga tumakas! Pang-ilang beses mo naring tinakasan ang mga bodyguards mo! How many times do I have to tell you that this isn't your field! Gangs are not your field so I want you to quit on that crap Addison Kailey Heira!" Halos sumabog ang ugat sa leeg ni Daddy dahil sa matinding galit na nararamdaman para sa akin.  Napahikab nalang ako lalo na't paulit ulit din ang ganitong eksena sa aming dalawa. Hindi naman ito ang unang beses na sinuway ko siya kaya bakit pa siya nagtataka kung palagi kong binabali ang kanyang mga rules dito sa bahay? Kailan niya ba marerealize na hindi ko kailangan ang mga iyon at gusto ko lang ay sundin ang gusto ko? I'm an ultimate badass. I'm the kind of daughter that your parents won't like to have. I break rules and stubborn as hell.  "You done Dad? Pwede mo na bang alisin ang bagay na ito sa akin?" Itinaas ko ang kamay ko para makita niya ang posas. Damn! Para akong kriminal sa kalagayan ko.  Dad stared at me unbelievably, ang mga mata ay masyado nang matalim sa akin ang tingin, masyado nang nakakatakot. Pang-ilang beses ko narin ba siyang nasuway? Na pag sinabi niyang bawal ay awtomatikong sinusuway iyon ng buo kong sistema. I like the thrill I get from escaping. The excitement I get from running away. Ewan ko ba... Parang nakakachallenge kasi. "This is the last time you're gonna disobey me Addi. I had enough of your bullshits. Wait for your punishment young lady," he said with so much authority. Napakurap ako sa sinabi ni Dad. Hindi naman ito bago sa akin pero kinilabutan ako dahil sa ipinukol niyang tingin sa akin. It's like those gaze are telling me that I'm gonna regret this day.  Sinenyasan ni Dad iyong isa sa mga katulong namin na lumapit agad sa kanya. Walang pagkagulat ko sa mukha ko. Sanay narin naman ako sa maaari niyang gawin. This is not new to me. Baka isisilid niya na talaga ako niyan sa malaking baul para hindi makalabas ng bahay. Or maybe mas lalo niyang hihigpitan ang bantay sa buong paligid? Who knows? Maraming pumapasok sa isipan ng matandang iyan. Pero may kaonting kabang tumubo sa puso ko. I don't know. Lalo na't he's up to something! "Pack Addison's clothes. Don't leave anything inside her closet. She's leaving." Utos niya sa katulong na agarang sumunod. Naibaling ko kay Dad ang buo kong atensyon. Leaving?  "Pinapalayas mo na ako?" Isang malawak na ngisi ang napakawalan ko. Kung ang iba ay mahahagulhol na dahil pinapalayas ng kaninang magulang sa bahay, iba ako. Marami naman kasi akong mapupuntahan. Money is not a problem! Tinitigan ko ng husto si Daddy na nagawa pang ayusin ang suot na salamin at namulsa sa kanyang suot na slacks. Naka corporate attire pa ito at masyadong nakakaintimidate tingnan kung hindi ko lamang ito kilala. Para siyang isang maharlika na kinakatakutan at nararapat sambahin, nararapat sundin. But no. I am not going to do that. Hell no. Hinding hindi magiging langit ang impyerno at ganoon din ako. Hinding hindi ako luluhod sa kanyang mga gusto. "Yes. Because starting tomorrow you'll rot in school. Mabubulok ka doon hangga't hindi ka nagtitino. Tingnan natin kung hanggang saan yang katigasan mo." Dad smirk at me evily.  Nalaglag ang panga ko lalo na't alam na alam niyang iyan ang pinakaayaw ko. Ang eskwelahan! Like what?! He's gonna send me to school?! Is he f*****g serious?! No way!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Stranger Husband

read
7.2M
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.8K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.3K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
403.9K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
316.6K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook