Masyadong maldito! "Manyak ka! Sinilip mo naman!" Halos magpumiglas ako sa pagkakatali niya doon sa sugat ko. Ang sarap niyang tadyakan kung hindi lang talaga ako nanghihina ngayon at nakokontrol ako niyang lakas niya! "f**k. Stop moving." Iritado na ang mukha niya kaya mas gumalaw galaw pa ako. Para na akong kiti kita kaya hindi niya na magawang itali iyon nang mabuti. Inaasar ako eh! "Di ka titigil?!" Tumalim ang tingin niya sakin. "Ang maldito mo! Ako na! Ikaw pa itong may kasalanan ikaw pa ang may ganang magmaldito! Lumayas ka nga! Umalis ka sa harap ko!" Sinikap ko siyang itulak. Sa tuwing nagmamaldito talaga siya ay kusa narin akong sinasaniban ng masamang ispirito at hindi ko narin maiwasang magtaray. Buti pa talaga si Uno! "Bahala ka diyan. Sige magtaray ka dito. Tingnan

