Chapter 3

2262 Words
Pagkalipas ng ilang araw, nag-aya si Erica kay Bella na magkita sila sa isang coffee shop. Alam niyang may pinagdadaanan ang kaibigan, kaya gusto niyang makausap ito ng masinsinan. Sa loob ng café, nakita agad ni Bella si Erica na kumakaway sa kanya. Nilapitan niya ito at umupo sa harapan nito. "Uy, girl, kamusta ka na? Para kang multo na bigla na lang naglaho. Hindi ka na nagparamdam!" reklamo ni Erica habang sumisipsip ng iced coffee niya. Napangiti si Bella nang pilit. "Medyo busy lang... at saka, may iniisip ako." Tumingin ng seryoso si Erica. "Yung iniisip mo ba eh yung—" Tumango si Bella, sabay buntong-hininga. "Hindi ko alam, Erica. Nalilito ako. Natatakot ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa pamilya ko." Hinawakan ni Erica ang kamay ng kaibigan. "Bella, hindi ka nag-iisa. Kahit anong mangyari, nandito ako para sayo. Pero hindi mo naman pwedeng itago 'yan habang buhay. May plano ka na ba?" “Sa ngayon, gusto ko munang magtrabaho habang nagre-review ako. At least, may sarili akong pera, at para rin hindi masyadong halata. Kailangan kong mag-ipon para handa ako sa lahat ng pwedeng mangyari." Napaisip si Erica. "Tama ka rin diyan, pero mahirap humanap ng trabaho, lalo na kung gusto mong itago ang sitwasyon mo." "Kaya nga hindi ko pa alam kung saan ako magsisimula," sagot ni Bella. Sa gitna ng usapan nila, biglang tumunog ang phone ni Erica. Napatingin siya at napaikot ang mata. "Hay naku! Si Vincent na naman!" "Anong sabi?" tanong ni Bella habang humihigop ng kape. "Male-late daw siya sa date namin kasi may importante siyang pupuntahan, saan ba nagpunta yung pinsan mo, Bella?" iritang sagot ni Erica. Napatawa si Bella. "Ewan ko diyan di naman kami nag sasama sa isang bahay pero balita ko may online job daw yan ewan di ba kayo nag uusap?” “Sinabi naman niya sakin na may online job siya siguro na busy lang talaga siya teacher din naman yun pag umaga.” “Pero animado ka namang namimiss mo siya!" "Excuse me?! Hindi ah!" depensa ni Erica, pero halatang namumula ito. Tumawa lang si Bella. Sa kabila ng lahat ng iniisip niya, nagpapasalamat siya na may isang Erica na laging nandiyan para sa kanya. Pagkatapos nilang mag-usap sa coffee shop, hindi pa agad umuwi sina Bella at Erica. "Ayoko pang umuwi, Erica. Gusto ko munang maglibang bago ko harapin ulit ang realidad," sabi ni Bella habang naglalakad sila sa mall. "Good idea! Shopping therapy na lang tayo!" sagot ni Erica na tila mas excited pa. "Malay mo, makahanap tayo ng bagong outfit para sa first day mo sa trabaho, kung sakali!" "Naku, wala pa nga akong trabaho, bibili na agad ng damit?" natatawang sagot ni Bella. "Hindi naman masamang maghanda, 'di ba? At saka, girl, kailangan mo rin ng bagong wardrobe! Baka naman pag dumaan si Mr. Right sa harap mo, mapansin ka niya agad!" pang-aasar ni Erica. Napailing na lang si Bella habang hinihila siya ni Erica papasok sa isang boutique. Habang tinitingnan nila ang mga damit, biglang may tumapik sa balikat ni Erica. "Uy, babe!" Si Vincent lang pala ang gumawa non. Napalingon si Erica at agad na napasimangot. "Hay, Vincent! Ngayon ka lang dumating? Huli ka na sa kwentuhan namin ni Bella!" Bulyaw niya sa kasintahan. Si Vincent, ang boyfriend ni Erica at pinsan ni Bella, ay nakangiti lang. "May pinuntahan lang at saka traffic kasi, babe! Pero hindi pa naman kayo umuwi, kaya naabutan ko pa kayo." Napangiti si Bella. "Sakto ang dating mo, Kuya Vincent. Ikaw na lang magbayad ng napili kong damit." "Ha?!" gulat na sagot ni Vincent. "Bakit ako? Hindi ko kasalanan na late ako, ah!" "Eh kasi, boyfriend ka ng best friend ko. At saka mag pinsan naman tayo," biro ni Bella. "At ang pamilya, nagdadamayan!" "Ay, ganon? Edi dapat libre mo rin akong mag-dinner mamaya!" sabay tawa ni Vincent. "Naku, Vincent! Ikaw na nga ang huli dumating, ikaw pa ang demanding!" sabay hampas ni Erica sa braso ng boyfriend niya. "Sige na nga, sige na nga!" natatawa na sagot ni Vincent habang inilabas ang wallet niya. "Bili na kayo ng gusto niyo, pero huwag lang masyadong mahal, baka mawalan ako ng panggastos sa anniversary namin ni Erica!" Nagtatawanan silang tatlo habang namimili. Kahit may dinadala si Bella, sa mga sandaling ito, pakiramdam niya ay normal pa rin ang lahat. Pero sa likod ng kanyang mga ngiti, alam niyang may malaking sikreto siyang itinatago—at hindi magtatagal, kakailanganin niyang harapin ang katotohanan. Pagkatapos mamili, naisipan nilang maglakad-lakad pa sa mall. Napadaan sila sa isang baby store, at hindi sinasadyang mapatingin si Bella sa mga cute na damit ng mga sanggol. Napalunok siya ng laway habang hinahaplos ang isang maliit na onesie. "Uy, Bella, bagay sayo yan!" biro ni Vincent. Nagulat si Bella at agad na ibinalik ang damit sa rack. "Ha? Anong bagay?" "Bagay sa'yo na magka-baby na rin," natatawang sagot ni Vincent. "Ang cute siguro ng magiging anak mo, mana sa'yo." "Loko ka talaga, Vincent," sagot ni Bella, pilit na tumatawa pero may kaba sa dibdib. Napansin ni Erica ang biglang pagbabago ng reaksyon ni Bella, kaya agad siyang sumingit. "Oy, Vincent, huwag mong lokohin si Bella! Wala pa ‘yan sa isip niya, hello?! At saka di pa nga yan nagkaka-boyfriend." "Joke lang naman, babe! Pero seryoso, Bella, pag nagka-baby ka, gusto ko ako ang ninong, ha?" “Tanga,” yon lang ang na sabi ni Bella sa pinsan niya. Hindi na siya nag salita ulit at nagkunwaring abala sa pagtingin ng ibang gamit. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang kinabahan sa birong iyon. Maya-maya, nagyaya na si Vincent na kumain. "Gutom na ako, girls. Treat ko na ‘to, para bumawi ako sa pagiging late ko kanina," sabi ni Vincent. "Wow, Vincent, ngayon ka lang naging galante, ah," sabay tawa ni Erica. “Syempre naman, may sahod na kasi ako sa online job ko,” sabi ni Vincent na tumatawa pa din Naghanap sila ng restaurant at naupo sa isang cozy na booth. Habang naghihintay ng order, hindi mapigilan ni Erica na kulitin si Bella. "Bella, naisip mo na ba kung anong trabaho ang hahanapin mo?" Napabuntong-hininga si Bella. "Nag-iisip pa ako. Gusto ko sana related sa teaching, pero mahirap makahanap agad ng trabaho habang naghahanda pa ako sa board exam." "Pwede ka namang mag-tutor muna," suhestyon ni Erica. "Or kahit sa isang preschool, baka may hiring sila ng assistant teacher?" "Oo nga," sabat ni Vincent. "Baka naman gusto mong mag-apply sa school na pinagtatrabahuhan ko?" Napaangat ang tingin ni Bella. "Ha? Anong school?" "Doon sa school kung saan ako assigned bilang guidance counselor," sagot ni Vincent. "Hindi mo ba alam? May opening yata doon for teaching assistants." Parang kumakabog ang dibdib ni Bella. "Saan nga ulit ‘yon?" "Sa St. Therese Elementary School." Sagot ni Vincent. Nanlaki ang mata ni Bella. "St. Therese?! Doon nag-aaral ang kapatid ko! Teka, nga lang double kayod ka ngayon ah ano yan Online job sa gabi tas Guidance Counselor sa umaga? Wow iba na talaga ang pinsan ko na yan,” sabi Bella Sabay tawa. "Talaga? Aba, mas perfect! At kailangan mag double kayod no? Kasi para sa pamilya at pang date namin ng babyloves ko," sagot ni Vincent sabay tingin kay Erica, kahit na cringe pakingan ay nag fakecalm na lang si Bella at peke ring tumawa. "At saka..." Saglit itong tumigil bago nagpatuloy. "Doon din nagtatrabaho ang principal na si Sir Rafael Grafton. Narinig ko, matalino at disiplinado raw ‘yun, pero medyo suplado." Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Bella. "Rafael Grafton?" "Oo, bakit?" tanong ni Vincent. "May kilala kang ganyan ang pangalan?" "Wala lang, parang familiar lang," mabilis niyang sagot, pilit na tinatago ang kaba. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya ng marinig ang pangalan ng lalaking iyon siguro ay dahil strict daw ito pero di na lang niya ito pinansin. Ipinagtuloy na lang siya sa pagkain. _____ Lunes ng umaga, dumating si Bella sa St. Therese Elementary School para mag-submit ng kanyang aplikasyon bilang assistant teacher. Nakaayos siya nang maayos—simpleng blouse at slacks, buhok na nakapusod, at may kaunting makeup para magmukhang fresh at professional. Kahit kinakabahan, pinilit niyang ipakita ang kanyang kumpiyansa. Sa pagpasok niya sa admin office, isang babae ang bumati sa kanya. "Good morning! Ano pong sadya nila?" tanong ng secretary na si Ms. Dela Cruz. "Magpapasa po ako ng requirements para sa assistant teacher position," sagot ni Bella, inaabot ang kanyang folder. "Ah, yes! May scheduled interview kayo ngayon. Paki-fill out na lang ito, tapos hintayin niyo po ang tawag ni Sir Rafael Grafton.” Muling bumilis ang t***k ng puso ni Bella. ‘Ang punong-guro mismo?’ Inakala niyang iba ang magiging proseso. Pero huminga siya nang malalim at pinakalma ang sarili. Kailangan niya ang trabahong ito, at hindi siya dapat matinag ng kaba. Habang naghihintay, pinagmasdan niya ang paligid, hinahangaan kung gaano kaayos ang paaralan. ‘Mukhang gusto ko talagang magtrabaho rito,’ naisip niya. Makalipas ang ilang minuto, tinawag na siya ng receptionist. “Miss Isabella Zamora, please proceed to the principal’s office.” Tumayo si Bella at pumasok sa loob. Inaasahan niyang makikita ang isang istriktong guro, ngunit sa halip, isang matangkad, pormal na bihis, at hindi maikakaila na gwapong lalaki ang sumalubong sa kanya. Mayroon itong presensya na nag-uutos ng respeto, at ang malalim nitong mga mata ay tila sinusuri siya. “Good morning, Miss Zamora. Please have a seat," wika ni Mr. Grafton, itinuro ang upuan sa harap ng kanyang mesa. Ngumiti si Bella ng bahagya, bahagyang kinakabahan. "Magandang umaga po, sir. Salamat po sa pagkakataong ito." "I see that you recently graduated with a degree in Early Childhood Education," panimula ni Rafael habang binabasa ang kanyang credentials. "Why do you want to work here?” Huminga ng malalim si Bella bago sumagot. "Naniniwala po ako sa kalidad ng edukasyon dito sa St. Therese. Gusto kong magamit ang natutunan ko at makatulong sa paghubog ng mga bata." Tumango ang lalaki. "Have you had any experience teaching or handling children?" "Yes, sir. Naging bahagi po ako ng isang field study sa kindergarten at naging pre service teacher din po ako as part of our requirements before we graduate in college, at doon ko natutunan kung paano epektibong makipag-ugnayan sa mga bata.” Nagpatuloy ang interview, at sa bawat sagot ni Bella, hindi niya maiwasang mapansin ang paraan ng pagtitig ni Mr. Grafton sa kanya. Parang may gustong alalahanin ang lalaki, pero hindi niya matukoy kung ano. Matapos ang ilang tanong, muling nagsalita ito. "Your qualifications are impressive, Ms. Zamora. You may receive a call within the week for the results, Malinaw na may dedikasyon ka sa pagtuturo," wika ng lalaki matapos basahin ang kanyang aplikasyon. "Pinahahalagahan ko iyon." Ngumiti si Bella, bahagyang nabawasan ang kaba. "Opo, sir. Naniniwala po ako na ang pagtuturo ay hindi lang trabaho—isa po itong bokasyon." Tumango si Rafael, tila nagustuhan ang sagot niya. "Sang-ayon ako riyan." Ngumiti si Bella at magalang na nagpasalamat. "Maraming salamat po, sir.” Napatitig ai Bella sa mukha ng lalaki dahil sonrang familiar talaga sa kanya ngunit wala talaga siyang maalala kahit isa. Pinilig na lang niya ang ulo at nag-focus sa panayam. Biglang may kumatok sa pinto. Bumukas iyon, at pumasok ang isang babaeng may tiwala sa sarili. Maganda din ito, matangkad at halatang may masabi sa buhay. “Rafael,” tawag nito sa Principal. "How was your morning, my dear Rafael?" “Hello, what brought you here?” tanong ng lalaki dito. Ngumiti ng matamis ang babae habang inayos ang buhok. "I was in the area, so I thought I’d drop by.” Lumingon si Bella at pinagmasdan ang babae na tila may malalim na koneksyon kay Rafael. Bahagya siyang napataas ng kilay pero nanatiling kalmado. Napa Buntong-hininga ang lalaki. "Olivia, may ginagawa akona interview ngayon." "Oh, alam ko. Pero hindi mo naman sinasagot ang mga tawag ko. Na-miss lang kita," sagot ni Olivia na may mapanuksong ngiti, saglit na tiningnan si Bella bago muling ibinalik ang tingin kay Rafael. Biglang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pakiramdam si Bella, parang hindi siya dapat naroon. Pero nanatiling propesyonal si Rafael at mabilis na tinapos ang panayam. "Maraming salamat, Miss Zamora. Ipaalam namin sa iyo ang resulta sa lalong madaling panahon," wika ni Rafael ng pormal. Tumayo si Bella, bahagyang yumuko bilang respeto, at lumabas ng opisina. Habang naglalakad siya palayo, paulit-ulit niyang iniisip ang eksenang nasaksihan niya. Sino kaya ang babaeng iyon? Nang maka alis na si Isabella ay tinignan ni Rafael si Olivia "I appreciate the visit, but I have a lot of work to do, Olivia," sagot niya. "Oh, come on! Can’t you spare a little time? I heard your mom invited me for dinner at your mansion. I assume you’ll be there?” Maktol ni Olivia. Hindi sumagot si Rafael. Sa halip, bumalik siya sa pagbabasa ng papel sa harapan niya—ang application ni Isabella Zamora. Habang nagdadaldal si Olivia, hindi niya maiwasang muling basahin ang pangalan. "Isabella Zamora…" mahinang bulong niya. Bakit parang pamilyar siya? Parang may koneksyon sa pangalang iyon. Pero ano? Sa likod ng kanyang isip, isang alaala ang unti-unting sumusulpot—isang gabing puno ng misteryo, isang babae sa ilalim ng neon lights, at isang nakakubling pangalan na hindi niya maalala. Bakit lahat ay malabo? "Rafael? Are you even listening?" reklamo ni Olivia. Napakurap si Rafael at muling tumingin kay Olivia. "Yes. I’ll be there for dinner." Ngunit sa isip niya, may mas mahalaga siyang gustong alamin. At ito ay kung sino nga ba si Isabella Zamora.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD