Chapter 4

2335 Words
Habang papalabas si Bella Matapos ang Interview mula sa opisina ng principal nang may halo-halong emosyon. Pakiramdam niya’y nabunutan siya ng tinik dahil natapos na ang interview, pero hindi niya maiwasang kabahan. Hindi pa siya sigurado kung matatanggap siya bilang assistant teacher pero ginawa niya ang lahat ng makakaya niya. Naglakad siya nang mabagal palabas ng paaralan, bitbit ang maliit na brown envelope na naglalaman ng kanyang mga dokumento. Pinagmasdan niya ang paligid—ang mga batang naglalaro sa open ground, ang mga guro na nag-uusap sa hallway, at ang mga magulang na naghihintay sa kanilang mga anak. ‘Ito na ba ang magiging bagong mundo ko?’ tanong niya sa sarili. Kung matanggap siya, dito siya magtatrabaho habang nagrereview para sa LET. At dito rin mag-aaral ang magiging anak niya. Muling kumakabog ang dibdib niya sa ideyang iyon. ‘Diyos ko, paano ko ba ito ipapaalam sa kanila?’ anya niya sa isip. Pinilig niya ang kanyang ulo, pilit na itinaboy ang mga alalahanin. Kailangan niyang mag-focus sa ngayon. Mas importante ang trabaho—at least, ‘yon ang sinasabi niya sa sarili niya. Nang makalabas na siya ng gate, nilabas niya ang cellphone at tinawagan si Erica. “Bes, tapos na ang interview ko.” Balita niya sa kaibigan. “Omg! Kumusta? May sagot na?” Excited na tanong ni Erica. “Wala pa. Sabi nila tatawagan nila ako within this week,” sagot ni Bella sa kaibigan. “For sure matatanggap ka! Magaling ka naman, eh.” Pampalakas ng loob ni Erica kay Bella. “Ewan ko ba. Kinakabahan ako.” Bella sighed. “Pero bahala na. Uuwi na muna ako.” “Pauwi ka na? Magmo-motor ka?” tanong ni Erica. “Oo, hiniram ko ‘yung kay kuya.” Sagot ni Bella. “Ingat ka, ha? Mag-text ka pagdating mo,” bilin ni Erica. “Oo naman. Bye, bes.” Ang sagot ni Bella sa kaibigan. Pinatay ni Bella ang tawag at tumuloy sa parking lot kung saan nakaparada ang motor na hiniram niya kay Luke. Suot ang helmet, sumakay siya at pinaandar ito. Habang bumabagtas sa kalsada, naramdaman niya ang dampi ng hangin sa kanyang mukha. Pero kahit gaano katulin ang takbo niya, hindi niya matakasan ang gumugulo sa isip niya—ang kanyang sikreto, ang kanyang hinaharap, at ang lalaking ama ng dinadala niya… na ni hindi niya kilala. ‘Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?’ muling tanong niya sa isipa. Litong-lito na siya kung ano ba ang dapat na gagawin. Pagkauwi ni Bella mula sa pag-aasikaso ng requirements, hindi niya akalaing ilang araw lang ang lilipas bago siya makatanggap ng tawag mula sa paaralang inaplayan niya. Katatapos lang niyang ayusin ang gamit niya sa kwarto nang biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone. "Unknown Number." Nagtaka siya, pero agad niya itong sinagot. "Hello? Good morning, this is Isabella Zamora speaking." "Good morning, Ms. Zamora. This is Mrs. Cortez from St. Therese Elementary School. I’m calling to inform you that after reviewing your credentials and interview performance, we are pleased to offer you the position of Assistant Teacher in our kindergarten department. Congratulations!" Anunsyo ng babae sa kabilang linya. Parang huminto ang mundo ni Bella sa sinabi ng tumawag. Nanlaki ang kanyang mata at hindi niya napigilang mapangiti ng malaki. "R-really, Ma’am? Natanggap po ako?" "Yes, Ms. Zamora. You did well during your interview, and we believe you’ll be a great fit for our young learners. Please come to the school this Friday at 9 AM for the contract signing and orientation." "Thank you so much, Ma’am! I’ll be there." Pagkababa ng tawag, napatalon si Bella sa tuwa. Hindi niya akalaing makakahanap agad siya ng trabaho. Sa sobrang saya, naisip niyang ipagdiwang ito kahit simpleng paraan lang. Bigla niyang naalala si Vincent—kung hindi dahil sa kanya, hindi niya malalaman na may hiring pala sa school na iyon. "Tama! Ililibre ko si Vincent!" Pumunta si Bella sa kusina kung saan nagluluto ang kanyang ina. "Ma, labas lang ako saglit. May bibilhin lang ako." Paalam niya sa nanay niya. Tumingin si Carmena sa kanya, nag-aalala na may inilihim ang anak. "Saan ka pupunta? May pera ka pa ba?" "Oo naman, Ma. Lalabas lang ako saglit kasama si Kuya Vincent. Ililibre ko lang siya kasi... Natanggap ako sa trabaho!" Anunsyo niya. Napahinto ang kanyang ina sa ginagawa at tumingin kay Bella nang may pagtataka. "Talaga? Anong trabaho?Kailan ka pa nag-apply?" Tanong ni Carmena sa anak. “Assistant Teacher po sa isang public school. Na-interview na ako noong nakaraang linggo, tapos kanina lang sila tumawag para sabihin na natanggap ako." Sagot ni Bella sa ina. Nagbuntong-hininga si Carmena. "Mabuti naman kung ganon. Pero tandaan mo, anak, hindi biro ang pagtuturo. Siguraduhin mong kaya mo." "Kaya ko 'to, Ma. Promise!" Pangako ni Bella sa i a "Sige na, sige na. Umuwi ka agad, ha?” bilin ni Carmena sa anak "Yes, Ma!" Sagot ni Bella at tuluyan ng lumabas ng bahay. Diretso na siya sa lugar kung saan napagkasunduan nila ng pinsan niya. **** Pagdating ni Bella sa McDonald’s, nadatnan niya si Vincent na nakaupo na at nakataas pa ang paa sa upuan. Nakataas ang kilay nito habang ngumunguya ng fries. "Ang tagal mo, Bella. Akala ko nagbago na isip mong ilibre ako,” salubong nito sa kanya. Napairap si Bella at umupo sa tapat niya. "Excuse me? Ako pa ba? Ikaw nga itong dahilan kung bakit ako natanggap sa trabaho. Siyempre, deserve mong ilibre," sagot ni Bella. "Oh? Natanggap ka na? Ang bilis naman," parang hindi makapaniwala na wika ni Vincent. "Yup! Kakatawag lang nila kanina. Start ko na next week!" Excited na wika ni Bella. "Wow! Congrats, pinsan! Galing-galing mo naman. Dapat yata ako na lang ang kunin mong manager, baka sakaling may libreng McDo ako buwan-buwan." Biro naman ni Vincent. "Haha! Loko. Ikaw kaya ang dahilan kung bakit ko nalaman na hiring dun at saka everyday na tayo magkikita, kaya libre kita ngayon. Pero next time, ikaw na ang manlilibre, ha?” pabiro na sabi ni Bella. "Tingnan natin. Kung may sweldo ka na, baka dapat ikaw ang manlibre sa akin buwan-buwan!" Ungot pa ni Vincent sa kanya. Pareho silang tumawa habang kumakain. Habang nagkukuwentuhan, napag-usapan nila ang ibang pinsan nilang dati nilang kalaro pero ngayon ay abala na sa kani-kanilang buhay. "Na-miss ko na 'yung bonding natin noon," sabi ni Bella. "Dati, kumpleto tayo. Ngayon, parang tayo na lang dalawa ang nagkikita." "Oo nga eh. Hayaan muna yung iba, nasa abroad na, 'yung iba naman, puro trabaho. At least tayo, may oras pa kahit papaano ganun naman siguro kung nag mamatured na dba?" Tanong ni Vincent . "Tama! Kaya dapat lagi tayong may time mag-bonding. Next time, libre mo na!" Hindi pa rin natigil si Bella sa kakaungot kay Vincent na ilibre siya. Kaya natawa na lang ang huli. Natapos ang kanilang pagkain na punong-puno ng tawanan at kwentuhan. Hindi man sila kumpletong mag pipinsan, at least sila ni Vincent, nandiyan pa rin para sa isa’t isa. Habang papauwi si Bella, hindi niya maiwasang mapangiti. Excited siya sa panibagong yugto ng buhay niya bilang assistant teacher. Pero hindi rin niya alam na sa paaralang papasukan niya, naroon din ang lalaking hindi niya inakalang may koneksyon na pala sa kanya—si Rafael. At doon magsisimula ang mas malaking twist sa kwento niya. Dumating na ang araw na pinaka-aabangan ni Bella ang kanyang unang araw bilang assistant teacher sa St. Therese Elementary School. Habang nakasakay sa jeep papunta sa paaralan, hindi niya mapigilang kabahan. Hindi kasi siya naka motor ngayon dahil may trabaho na ang kuya niya at maaga ito umalis kasama si Kiera ang bunso nilang kapatid kaya hindi na siya naka sabay pa sa kanila. "Kaya ko 'to. Assistant teacher lang naman ako, hindi pa ako 'yung mismong main teacher. Relax lang, Bella." Pampalakas loob ni Bella sa sarili. Ngunit kahit anong pilit niyang pakalmahin ang sarili, hindi niya maiwasang mag-isip. Paano kung hindi niya magampanan nang maayos ang trabaho? Paano kung may magkamali siyang magawa? Napailing na lang siya at pinapahinto ang sinasakyang niyang jeep nang makitang malapit na siya sa tapat ng school. Pagkababa niya ng jeep, huminga siya nang malalim at inayos ang kanyang suot isang simpleng blouse at slacks na mukhang propesyonal pero hindi intimidating. Dala ang kanyang shoulder bag, pumasok siya sa gate ng school at nagtungo sa faculty room, kung saan siya dapat mag-report. Pagpasok niya sa faculty room, sinalubong siya ng isang babaeng nasa late 40s na may mahigpit pero mahinahong aura. "Ah, ikaw si Isabella Zamora?" tanong nito sa kanya. "Opo, Ma’am. Good morning po,” sagot ni Bela sabay bati. "I’m Mrs. Santos, the head teacher of the Kindergarten Department. Welcome to St. Therese Elementary School." Pagpapakilala ng guro sa kanya sabay abot ng kamay. Inabot ni Bella ang kamay nito at magalang na nakipag kamay. "Thank you po, Ma’am. Excited na po akong magsimula." "That’s good to hear. As an assistant teacher, ang trabaho mo ay tumulong sa main teacher sa klase. Hindi ka pa pwedeng magturo nang solo dahil wala ka pang licensure exam, pero matututo ka kung paano patakbuhin ang klase. Today, ipapakilala kita sa main teacher mo at sa mga bata. Handang-handa ka na ba?" Pag-orient nito sa kanya. "Opo, Ma’am!" Mabilis na sagot ni Bella. Ngumiti si Mrs. Santos at tinapik siya sa balikat. "That’s the spirit. Halika, ipapakilala na kita kay Teacher Liza." Wika nito. Tumango naman si Bella at sumunod sa guro na nag-assist sa kanya. Dalangin niya na sana ay magkasundo sila ng guro kung saan siya ina-assign nito. **** Habang papunta sila sa classroom, hindi mapigilan ni Bella ang excitement at kaba. Nang makarating sila sa pinto, dinig na dinig ang malakas na tawa at sigawan ng mga bata. Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang isang masayang tanawin—mga batang nasa anim na taong gulang, naglalaro at tumatakbo-takbo sa loob ng classroom. Sa gitna ng kaguluhan ay isang babaeng nasa late 20s, may friendly aura, at abalang inaayos ang ilang activity sheets sa mesa. "Teacher Liza," tawag ni Mrs. Santos. "Ito na ang magiging assistant teacher mo, si Ms. Zamora." Pagpapakilala nito sa kanilang dalawa. Agad na lumapit si Teacher Liza at nakangiting kinamayan si Bella. "Hi, Ms. Zamora! Welcome sa team! Huwag kang kabahan, masaya dito!" "Salamat po! Excited na po akong makilala ang mga bata." Nakangiting sagot ni Bella. Nang marinig ng mga bata ang usapan nila, agad silang lumapit, nagkumpulan, at sabay-sabay nagtanong. "Teacher, sino siya?" "Magiging teacher namin siya?" "Ang ganda niya!" Napatawa si Bella sa pagiging curious ng mga bata. Lumuhod siya para maging kapantay nila at ngumiti. "Hello! Ako si Teacher Bella. Mula ngayon, tutulungan ko si Teacher Liza sa klase natin. Sana maging magkaibigan tayo, ha?" Malambing na wika ni Bella sa mga ito. "Yeeees!!!" sigaw ng mga bata sabay palakpak. Ngumiti si Teacher Liza at tinapik ang balikat ni Bella. "Mukhang love ka na agad nila, Bella. Welcome to the world of teaching!" Wika ni Liza. Habang tinitingnan niya ang masasayang mukha ng mga bata, may kakaibang init na bumalot sa puso ni Bella. "Tama ang desisyon kong ipaglaban 'to. Ito ang gusto kong gawin." Hindi niya alam na ang desisyong ito ang magdadala sa kanya sa mas maraming komplikasyon. Pagkatapos ng buong umaga sa classroom, masaya pero pagod na si Bella. Hindi biro ang maging assistant teacher kailangan ng pasensya at energy sa mga bata. Habang nag-aayos ng mga activity sheets, lumapit sa kanya si Teacher Liza. "Bella, samahan mo ako sa principal’s office. Kailangan kong ipasa ang report ko kay Sir Rafael," Pakiusap ni Liza sa kaya. Napakurap si Bella. “Si Sir Rafael?” Naalala niya ang interview ilang araw lang ang nakalipas. Si Sir Rafael Grafton ang seryoso at may matigas na aura na principal. Hindi niya maikakaila na guwapo ito, pero hindi rin niya maiwasang kabahan sa presensya nito. "Sige po, Ma’am," sagot na lang niya, sinusubukan na itago ang kaba. Habang naglalakad sa hallway, hindi maalis ni Bella ang kaba sa dibdib niya. Hindi naman siya natatakot kay Sir Rafael, pero may kung anong bagay sa presensya nito na hindi niya maipaliwanag. Nakarating sila sa opisina na lutang ang diwa ni Bella. Buti na lang at nagsasalita ang secretary ng principal na naka pwesto sa labas ng opisina nito. "Ma’am Liza, pasok po kayo. Sir Rafael is expecting you,” sabi nito sa kanila. “Thank you,” sagot ni Liza at tumuloy na sa loob. Dahan-dahan silang pumasok, at doon agad bumungad si Rafael, nakaupo sa likod ng mesa, seryosong nagbabasa ng mga papel. Nang maramdaman ang presensiya nila, itinaas nito ang tingin. At doon nagtagpo muli ang mga mata nila ni Bella. Saglit siyang natigilan. Para bang may mabigat na hangin sa pagitan nila. May kung anong kakaibang pakiramdam sa loob ni Bella habang tinititigan siya ng principal. Si Rafael naman, may bahagyang kunot sa noo. Pamilyar sa kanya si Bella, pero hindi niya maalala kung bakit. Alam niyang siya ang bagong assistant teacher—siya mismo ang nag-interview rito. Pero may isang parte ng isip niya ang nagsasabing hindi lang ito ang unang beses na nagkita sila. "Sir Rafael, nandito po ako para ipasa ang report," putol ni Teacher Liza sa katahimikan. Tumango si Rafael at kinuha ang folder. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin kay Bella. "Miss Zamora, kamusta ang first day mo? tanong nito, diretso at malamig ang tono. Nagpantig ang tenga ni Bella. Bakit parang may kung anong tensiyon sa tinig nito? "Ayos naman po, Sir. Masaya po akong maging assistant teacher," sagot niya, pilit pinapanatili ang pormalidad sa boses niya. Napansin niyang bahagyang tumango si Rafael, pero tila may iniisip pa rin ito. ‘Bakit parang may kakaiba sa presensya ng babaeng ito?' Hindi niya maintindihan, pero sa loob-loob niya, alam niyang may kung anong pamilyar na bagay tungkol kay Isabella Zamora. At habang mas tumatagal ang kanilang titigan, mas lalo siyang nalilito kung bakit parang hindi lang ito ang unang beses na nagkasalubong ang kanilang mga landas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD