“Ate, sigurado ka na ba talaga?”
I sighed. Nakailang ulit nang tanong si Marga nito, nakakaumay na.
Nandito ako sa kwarto ko at kausap siya sa telepono habang hinahanda ang mga gamit ko. Hindi ko matapos tapos ang mga ‘to dahil kanina pa ako kinukulit nitong babaeng ‘to. Kailangan ko pa naman magmadali dahil baka mahuli na kami sa flight.
“Marga, I’m 100% sure. Nakailang tanong ka na niyan?” natatawang tanong ko sakanya.
“Ate, nag-aalala lang naman ako sa’yo. Pa’no kung hindi tanggapin ni Kuya ang kambal? You know how close-minded Kuya Nick, right?”
I sighed. “Look, kung nag-aalala ka na baka itaboy lang uli ako ng kuya mo, then guess what? Immune na ako sa sakit, tsaka wala naman sigurong masama kung susubukan, ‘di ba?”
“Isa pa, gagawin ko ‘to hindi para sa akin kung 'di para sa kambal. I don’t want them to grow without a father. Can’t repeat the history, it sucks!” dagdag ko pa.
“Yeah, can’t argue with that. I just hope that Kuya will be moved by your presence, ayoko sa girlfriend niya ngayon, mukhang tikbalang!”
Natawa naman ako sa panlalait niya. Margareth and her judgemental attitude.. Walang kupas!
“Marga, I’ll call you again pagdating namin diyan sa Pinas, okay? Si Blow na raw ang susundo sa amin diyan, ibababa ko na at baka ma-late kami sa flight, mahaba pa naman ang byahe papuntang airport,” utas ko.
“Alright, Ate, call me when the plane landed and I’ll pack my things now. I am so excited to see the twins!” excited niyang bulalas.
“Sure,” ani ko at pinatay na ang tawag.
Napangiti ako, sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang tatlong kapatid ni Nickolai ay ang siya mismong tutulong sa akin simula no’ng naghiwalay kami 4 years ago? Sila ang nakasaksi at umagapay sa akin habang pinagbu-buntis ko ang kambal. Sila rin ang naging sandigan ko sa loob ng apat na taon, kung wala sila baka wala na rin ako at ang kambal.
While carrying the twins in my womb, I undergo a therapy for my depression and a therapist helped me kill those suicidal thoughts that keeps running on my mind.
Itinago nila kay Nickolai ang kalagayan ko kahit anong pakiusap ko na tawagan nila siya. They said that he didn’t deserves to know about our child, sila na raw ang bahala sa akin.
Sobrang hirap ng pinagdaanan ko, hindi naging madali ang pagbubuntis ko sa kambal. Lagi akong laman ng hospital dahil sa mga komplikasyon ng kalagayan ko.
Mas pinaburan nila ako kesa sa kanilang nakakatandang kapatid. Galit na galit sila kay Nickolai dahil laging sarado ang tenga nito sa kahit anong paliwanag.
Napapitlag ako sa malakas na katok sa aking pintuan na nakapagpa-balik sa akin sa huwisyo.
“Ma’am, ready na po ang kambal, nasa baba na po sila, nandito na rin po si Miss Harriet,” bulalas ng kasambahay.
“Okay, tell them pababa na ako,” sambit ko habang nagmamadaling inayos ang sarili.
Dinatnan ko sa baba ang aking matalik na kaibigan na nilalaro ang kambal, my 4 year old twins– Pisces and Natalia. With their mesmerizing blue eyes na minana pa nila sa kanilang ama. Ewan ko nalang kung magtaka pa si Nick kung siya nga ba ang ama ng dalawang ‘to. Pero sabagay, baka nga mapagkamalan niyang anak ko at ni Blow ang mga ‘to since inakusahan niya kaming magkarelasyon 4 years ago.
“Harriet, let’s go! Are you sure you really want to come with us?”
Napa-angat siya ng tingin. Sinalubong niya muna ako ng halik bago nagsalita.
“You know the reason why I want to come right? I wanna see Connor,” she pouted.
“Wala kang pag-asa do’n, hoi. Tsaka paano 'yung career mo dito?”
“Ayaw mo ba akong kasama? Marami kayang offer sa akin sa Manila!”
I chuckled.
“But unlike here in Paris, mas malalaki ang offers dito! Ang laki ng difference, Harriet, hindi mo alam?”
Umiling siya.
“No! It’s totally fine with me, I have enough savings, Vir! Hindi ko kailangan ng malaking sweldo,” irap niya sabay halukipkip.
Napa-buntonghininga nalang ako, ang kulit talaga ng babaeng ‘to.
“Okay fine, tara na! Jean, pakibitbit si Pisces, at ikaw naman diyan kay Natalia,” utos ko sakanila.
“Sige po, Ate.”
Bitbit bitbit ang maleta ko at sa kabilang kamay ay ang maleta ng kambal, isinakay ko na sa sasakyang dala ni Harriet. Ito ang gagamitin namin papuntang airport. Tatawagan nalang daw niya ang driver niya para kunin ‘yon doon.
Nang nakasakay na kami ng eroplano, hindi ko maiwasan ang mag isip ng mga posibleng mangyare pagtapak ko sa kinasusuklaman kong bansa. Hanggang ngayon ay tandang tanda ko pa rin ang mga ginawang pagma-maltrato sa akin ng tinuring kong pamilya. Ang pagtaboy sa akin ni Nick at ang pag iwan niya sa akin sa ere. Lahat ng masasakit na ala-ala ay nakatatak na sa akin.
I lied when I said that I’m already immune to the pain. I’m still hurting inside… I just learned how to control my emotions and pretend that I’m always fine. Perks of undergoing therapy for two years.
Kahit na gaano kasama ang ugali ni Nickolai, hindi ko ipagkakait ang karapatan niya para sa kambal. Kung sakaling hindi man niya tanggapin ang mga bata, babalik kami sa Paris at hinding hindi na muling magpapakita sakanya. Ayoko rin namang magaya ang mga anak ko sa akin na inaayawan ng pamilya.
Sa pagbalik sa Pilipinas, tinalikuran ko ang lahat ng nakagawian ko sa Paris. Ang trabaho, ang mga kaibigan at ang mga masasayang memories na nabuo simula nang maipanganak ko ang kambal doon. Wala nang urungan, para ‘to sa ikabubuti ng kambal.
Nakatulugan ko na ang pag-iisip sa kasagsagan ng byahe.
Nagising na lang ako nang maramdaman kong pa take off na ang eroplano. Sinulyapan ko ang kambal sa aking tabi na tulog pa rin habang si Harriet sa kabila ay nakatutok lang sa labas ng bintana.
Nang makababa kami sa eroplano at palabas na ng airport, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang tar*ntadong Blow na kanina pa walang text kung talaga bang susunduin kami o hindi. Humugot ako ng malalim na hininga sabay pindot sa kanyang numero.
Wala pang ilang segundo nang sinagot niya ‘to.
“I’m here at the parking lot, V,” he muttered before ending the call.
Napanganga nalang ako habang tinititigan ang cellphone ko. That jerk! Hindi man lang ako hinintay na sumagot, napakasama ng ugali.
“Nasa parking daw si Blow, let’s go,” utas ko sabay sulyap kay Harriet at Yaya Jean.
Hindi ko na sila hinintay na sumagot at naglakad na patungo sa parking lot.
Naabutan ko si Blow na nakasandal sa kanyang magarang sasakyan at naka suit pa with matching black aviators, ewan ko ba at bakit siya naka all black ngayon, parang pupunta sa lamay ang lalakeng ‘to. He still has this charming aura na nakakapagpa-kilig sa mga babae niya.
Napaangat siya ng tingin nang marinig ang yapak ng aming mga sapatos, alam kong isa siya sa dahilan nang paghihiwalay namin ni Nick, pero wala ng lugar pa para sa sisihan. Sa loob ng apat na taon, siya ang tumulong at umagapay sa akin sa lahat kahit na nasa Pinas siya. Bumibisita siya kasama si Connor sa Paris para matignan kung ayos ba kami ng kambal doon. Walang palya ang kanilang pagsuporta sa mga desisyon ko, feeling ko tuloy ako ang kanilang kapatid at hindi si Nick.
Nickolai Doseuno Gautier, the ruthless billionaire, 'yan ang bansag sakanya ngayon dahil walang awa niyang sinisira ang mga kompanyang nagbabalak na pantayan at sirain ang magandang kredibilidad ng sarili niyang kompanya. Hindi niya pinapalagpas kahit na maliit na pagkakamali, 'yan ang bali-balita ko. Hindi na ako nagulat, ano pa bang bago doon?
“Nice to see you again, Blow! Pero saan ba ang lamay at puro black ang suot mo?” salubong na tanong ko sakanya.
Nagkibit-balikat siya.
“I just want to get myself ready, malay mo may sniper si Kuya diyan sa labas at ma-shoot-to-kill ako,” aniya.
Natawa ako. G*go talaga ‘to, ang lawak ng imahinasyon! Ginawa pang murderer ang kapatid!
“Pa-mental ka na nga! Nababaliw kana, dapat nga ako ang kabahan dahil baka ipatapon niya ‘ko pabalik sa Paris kapag nagkita kami. You know how much he hates me, right?”
“I don’t think so. Good thing may posisyon ako sa kompanya, and you as my secretary– I doubt he will never react,” natatawa niyang utas.
“Spare me with your plans, ayokong maging bad shot sa kuya mo ngayon baka mahirapan akong umamin kung sakali.”
“Why not seduce him right away? Do you want me to book you a hotel?”
Sinamaan ko siya ng tingin.
“F*ck you,” I mouthed at him
Nandito na kami sa loob ng sasakyan, nasa passengers seat ako habang nasa backseat si Harriet at Yaya Jean kandong ang kambal.
“Huwag ako, V, never been touched ‘to.”
Ang kapal!
“So, noong hinalikan mo ako, hindi ‘yon counted?”
Feeling virgin! Ang sarap kutusan, akala mo naman hindi ko nababalitaan kay Marga ang pagiging playboy niya.
“No! I didn’t even touched you, I didn’t use my hands,” aniya.
Feelingero!
“Buti na lang at hindi kita nagustuhan, baka masuka ako sa sobrang hangin mo,” pang-aasar ko sakanya.
“Buti iniwan ka ni Kuya, ang sungit mo,” bawi naman niya.
Hinampas ko siya sa balikat dahil sa sinabi niya, ang hilig talaga mam-badtrip bwis*t. Buti tulog ang kambal kaya malaya akong makipagtalo dito sa unggoy na ‘to.
“Mag drive kana nga!” inis kong sabi sakanya.
He chuckled. “Alright, baby."
Napansin kong walang kibo si Harriet habang nakatingin sa bintana ng sasakyan, dahil siguro sa pagod sa byahe kaya hindi ko nalang pinansin.
Nang makarating kami sa parking lot ng isang malaki at mamahaling condo tower dito sa BGC, binuhat ko na ang tulog na tulog na si Pisces at sinulyapan ang mga kasama. Bitbit ni Harriet si Natalia samantang ang ilang gamit namin ay nasa bisig ni Blow at ang iba pa ay na kay Yaya Jean. Pagsakay namin ng elevator ay pinindot ni Blow ang 20th Floor kung nasaan ang unit ng kanyang kapatid.
Dito muna kami pansamantala. Hindi pa ako sure kung for good na ba kami dito sa Pilipinas o baka bumalik din kami sa Paris. Nakadepende ‘yon sa mangyayare sa amin ni Nickolai.
Wala nang atrasan ‘to, gagawin ko lahat para sa mga anak ko. Sisiguraduhin kong hindi matatapos ang araw na ‘to na wala akong naiisip na plano. Mapapaamo ulit kita Nick, at sa oras na itaboy mo uli ako, magsisisi ka na.