Halos isang buong linggo ay naging busy kami sa pagt-trabaho. Todo pagmamadali kami sa mga inaayos at kailangan pang ayusin dahil bukas na ang anniversary ng kumpanya. Dito rin sa kumpanya gaganapin. Halos lahat ng sikat na mga businessman ay imbitado. Kahit mga personalidad sa larangan ng media, kasama. Halos lahat ay halata ang tensyon sa mukha. Sa loob kase ng isang linggo, higit sa pito ang sinesante ni Nick dahil sa pagkakamali sa trabaho. Perfectionist talaga siya kahit kelan. Ayaw niya nang pumapalkpak. Hindi na rin niya ako masiyadong pinapansin at talagang tutok lang sa kanyang ginagawa. Hindi ko alam kung bakit biglang bumalik siya sa pagiging cold uli. Pinatikim lang ako ng isang araw na kabaitan. Napabuntong hininga ako. Kahit ako ay nai-stress na rito. Halos wala rin

