"Axl, pwede naman sigurong hindi ako pumunta sa party, 'di ba?" Kasalukuyan kaming nag-aalmusal nang tanungin ko siya. Hindi kase ako mapakali, tuluyan nang nilagnat si Yaya Jean at walang magbabantay sa kambal. Invited din pala si Harriet sa anniversary dahil ang agency nila ang nagmo-model ng mga products ng iba't ibang kumpanya. Including GE Inco. na pagmamay-ari ni Nickolai. Ngayon ko lang nalaman. "Nick will prolly ask me about you, you're his secretary, you need to be there, V." "Just tell him that his secretary is sick, walang magbabantay sa kambal," singit ni Harriet. "Do you want me to call a maid from the mansion?" Napaangat ako ng tingin kay Connor. Kagat labing pinag-isipan ko kung papayag ba ako o hindi. Ayokong pinagkakatiwala ang kambal sa ibang tao, lalo na't hin

