Isang linggo... Isang linggo simula nang ilibing si Aling Susan. Hindi pa rin ako bumabalik sa dati kong sigla. Matamlay at halos laging tulala dahil sa mga iniisip. Naapektuhan na pati ang pag-aaral ko. Marga tried to convince me na pumasok na dahil malapit na ang midterm exam pero umayaw ako. Parang walang buhay na nakahiga at nagmumukmok nalang ako sa kwarto ko. Nick decided to just hire a professor and homeschooled me. Parang bigla akong nawalan ng gana mag-aral dahil sa pagkamatay ni Aling Susan. Isa pa naman siya sa pinaka reason kung bakit ako nagsisikap makapagtapos. Gusto kong ibalik lahat ng tulong niya pag nangyari 'yon, gusto kong maging proud siya sa akin, makita man lang ako na may suot na toga. Pero ano pa bang silbi ng mga 'yon ngayon? Wala na... Matapos ang mga h

