"I'll take her home, Zairus." rinig kong utas ni Leo. Nandito na kaming apat sa parking lot, si Marga ay tulog na sa mga bisig niya at kami naman ni Blow ay nanatiling tahimik. Hindi rin kami magkatinginan ng diretso. Kinukuha niya kanina si Marga kay Leo pero hindi ito pumayag. Hindi ko alam kung ano ba talaga si Leo sa pamilyang Gautier. Basta ang alam ko ay bodyguard siya ni Marga at isa lang siya sa mga tauhan ni Nick. Nakakapagtaka lang na kung isa lang siyang tauhan, bakit wala lang sa magkakapatid ang pagtrato nito sakanila? Hindi ko alam... nalilito na rin ako sa tunay niyang estado, tagal na ring palaisipan sa akin 'yun. Naunang umalis sila Leo gamit ang sasakyan ni Marga at ako naman ay naiwan dito kay Blow at walang ibang choice kung 'di sumabay sakanya. Humugot siya ng

