"Aling Susan? Tao po!" sigaw ko sa harap ng kanilang gate.
Ilang beses rin akong napabuntong hininga bago humawak sa grills ng gate nila at sumigaw.
"Tao po!" ulit ko pa nang walang sumagot, lumapit pa ako ng todo sa gate nila.
Good thing at walang aso sila Aling Susan tsaka medyo malayo malayo ang mga kapitbahay niya kaya kahit sumigaw ako ay malabong may makarinig na kapitbahay.
Sisigaw uli sana ako dahil wala pa ring sumagot nang biglang bumukas ang ilaw sa kanilang terrace.
Nakita kong may nagbukas ng pintuan at lumabas ang isang maputing babae na hula ko ay mas bata sa akin ng isa o dalawang taon dahil sa feature ng katawan niya. Hindi ko gaanong makita ang mukha niya dahil sa layo niya, ngunit nang malapit na siya ay agad akong napanganga sa ganda niya.
M-Mali ba ako ng napuntahang bahay?
Nakatulala lang ako habang siya ay palapit na sa akin, ang ganda niya, sobra!
Kulay blondeng buhok na medyo kulot sa ibaba, pinky cheeks, maliit ang mukha at asul ang mata! Mukha siyang barbie! Nakaramdam agad ako ng hiya nang titigan niya ako.
Shems, ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang babae, walang wala ang mga artistang napapanood ko sa TV. Ang kinis ng balat, mestiza baga.
"Hi, anong kailangan mo?"
Nabalik ako sa huwisyo nang tinanong niya ako, may accent pa ang pagta-tagalog niya. Ang inosente ng mukha, tsaka marunong siya magtagalog? Mukha siyang foreigner, eh. Taga saan kaya siya?
"Hello? Hey, Miss. What can I do for you?" Ulit niyang tanong nang hindi ako magsalita.
Agad akong tumayo ng tuwid at pinasadahan muna siya ng isa pang tingin bago nagsalita.
"A-Ahm, nandiyan ba s-si Aling Susan?"
Kumunot ang noo niya, "Aling Susan?"
Tumango naman ako. Napatikom ako ng bibig habang titig na titig sakanya.
Nakita ko ang pagkalito sa mukha niya.
"Oh, you mean, Nana Susy?" maarte niyang sambit kinalaunan, tila nakuha na niya kung sino ang tinutukoy ko.
"U-Uh, oo?" Hindi ko sure na sagot.
Nana Susy, pina-sosyal lang ang pangalan ni Aling Susan. Nakita ko siyang tumango.
"Yeah, she's here! Come in.." aniya sa malambot na boses.
Ang ganda naman nito, sa ilang beses na pagpunta ko rito sa bahay nila Aling Susan, ngayon ko lang nakita 'to.
Kilala ko halos lahat ng pamangkin ni Aling Susan at sigurado akong hindi ito kasali sa mga 'yon. Mukhang bisita 'to ni Aling Susan at taga ibang bansa. Wrong timing pa ata ako, makakautang kaya ako ngayong may bisita siya? Inunahan na agad ako ng hiya.
Humawak siya sa braso ko na siyang kinagulat ko habang minumuwestra ang daan papasok sakanila. Uminit ang pisngi ko sa hiya dahil sa ginawa niya, amoy na amoy ko kase ang bango niya! Mamahalin siguro ang pabango nito?
"Actually we're eating when I heard you shouting outside, wala rito ang mga pamangkin ni Nana at nagsi-uwian muna sakanila."
Ang galing niyang magtagalog, diretso pero may accent nga lang.
Kaya pala mukhang tahimik ngayon ang bahay ni Aling Susan, usually kase may mga nakatambay riyan sa balkonahe nila na mga kalalakihan at nagj-jamming. Minsan naman ay mga nag-iinuman, puro pamangkin ni Aling Susan na pumupunta lang dito kapag pinapatawag niya o di kaya'y kapag wala siyang kasama.
"Ahh, s-sana hindi ko kayo naistorbo."
"No... No it's okay," iling nito sabay ngiti sa akin.
Awkward naman akong napangiti rin dahil sa weird niyang tingin sa akin. Pinagsiklop niya ang braso namin at hinila ako papasok.
Nagulat at nailang man sa ginawa niya, nagpatianod nalang din ako sakanya.
Nahihiya pa akong pumasok sa loob ng bahay dahil mukha akong basahan ngayon at ang nasa tabi ko ay isang yayamanin, nakasuot ng off shoulder dress na bulaklakin at hapit sa katawan. Nagmukha akong yaya ngayon. Nakakapanliit.
Natanaw ko na si Aling Susan sa hapagkainan na nakaupo at nag aantay sa pagdating nang kanyang panauhin habang ako ay nakayukong sumusunod lamang sa yapak niya.
"Oh, Virgo? Ano'ng ginagawa mo dito, iha?" tanong agad ni Aling Susan nang makita ako sabay tayo at lahad sa akin ng isang upuan.
Binitawan naman ako ng kanyang bisita at pumunta na sa kanyang pwesto sa hapag.
"Gabi na ha, upo ka! Naglakad ka ba papunta rito? Jusko kang bata ka! Buti hindi ka napa'no riyan sa daan! Ang dilim dilim pa naman!" tuloy tuloy na bulalas ni Aling Susan at kumuha ng isa pang plato at mga kubyertos sabay lapag sa harap ko.
Napatingin ako sa kanyang bisita na naupo na rin at tiningan ako habang may munting ngiti sa labi.
"Ayos lang naman po, hindi pa naman gano'n kadilim tsaka malapit lang naman po."
"Oh, e ano nga ang pinunta mo rito, iha? May problema ka ba?"
Napahugot ako ng malalim na hininga at malungkot na tumingin sakanya. Hinanda ang sarili sa nakakahiyang sasabihin. Bahala na, kakapalan ko na ang mukha ko kahit pa may bisita siya.
"Hihiram po sana kasi ako ng pera, Aling Susan, kailangan ko po bukas, e."
Natigil siya sa pagsandok ng kung ano-ano sa aking pinggan sabay baling sa akin. Binitawan niya ang sandok at tuluyan akong hinarap.
"Bakit, iha? Saan napunta ang sweldo mo? Hindi ba't excited ka pa kanina dahil kamo ay nakapag ipon ka na sa isang linggong pagt-trabaho sa'kin?"
Napatungo ako at sinagot ang kanyang tanong, "Kinuha po ni Kuya Fred at Ate Lyra ang pera ko, wala po silang tinira ni piso, kaya po manghihiram sana ako para may ipambili ako ng mga gagamitin ko sa nalalapit na pasukan," nahihiya kong pag amin.
Narinig ko ang pagsinghap niya. Nakapamewang siyang hinarap ako at galit na winasiwas ang kamay sa ere.
"Ay jusko! Talaga nga namang makakapal ang mukha ng mga batang 'yan! Wala nang ginawang mabuti kung 'di pagmalupitan ka, saan naman nila gagamitin ang pera mo? Hindi ba sila pinagsabihan man lang ng step mother mo? Tsaka ba't ba kase hindi ka pa umalis sa kanila, ha?"
Napayuko ako sa kahihiyan. Malaki talaga ang galit ni Aling Susan sakanila, kung pwede nga lang daw niya akong ampunin nalang eh gagawin niya.
"Inalok naman kita na dito ka na tumira sa akin at pag aaralin kita pero lagi kang tumatanggi," dagdag pa niya.
Nahiya lang akong tumungo at hindi na nagsalita, nahihiya akong aminin ang rason kay Aling Susan lalo na't may bisita siya.
Anong sasabihin ko? Dahil wala kaming ulam? Dahil gutom na ang mga kapatid ko? Kung si Aling Susan lang ang nandito baka sinabi ko agad ang rason, kaso may bisita e. Kinakain ako ng hiya.
"Who are those, Nana? Her siblings?" tanong ng bisita niya.
"Her step siblings, iha." Sagot ni Aling Susan.
"Oh."
"Ay, teka! Ito nga pala si Margareth Shanaia Gautier nakalimutan kong ipakilala, dati akong mayordoma sa kanilang mansyon sa Maynila at nag retire na dahil uugod ugod na ako, ako ang nag alaga sa batang 'to at sa mga kapatid niya kaya naman dinalaw ako dine dahil namiss raw ako, galing pa siya ng Spain," natutuwa nitong pakilala sa kanyang dating alaga.
Ang bipolar ni Aling Susan. Kanina lang galit, ngayon naman ay ang laki na ng ngiti.
Matanda na nga si Aling Susan pero hindi halata sakanya, kutis mayaman pa nga kung tutuusin at napaka lakas pa niya sa edad na 68. Kaya pa ngang mag f*******: at magpicture sa Snapchat. Dinaig pa ako.
"Hello! Nice to meet you, Virgo, right?" she flashed a sweet smile at inilahad ang kamay sa akin.
Tumango ako bago tumayo at tinanggap agad ang kanyang pakikipag kamay, bahagya akong ngumiwi sa lambot nito. Binawi ko rin agad dahil sa hiya, magaspang ata ang mga kamay ko dahil sa paghuhugas sa karinderya.
"You know what, Nana? She's so pretty, I think I like her na," she said while giggling.
Uminit naman ang pisngi ko sa sinabi niya.
Aling Susan chuckled on her remarks.
"Siya na nga ata ang pinaka maganda rito sa San Vicente, ayaw niya lang maniwala," gatong nito sabay sulyap sa'kin.
Napangiwi ako, laging 'yan ang sinasabi sa akin ni Aling Susan, kesyo raw ako ang pinaka maganda sa barangay namin. Hindi naman ako naniniwala. Pambobola lang niya sa akin 'yon.
"How old are you?" tanong ng bisita ni Aling Susan.
"Ahm, 18 n-na ako, turning 19 sa s-susunod na buwan," nauutal ko pang sagot sakanya.
"Oh, I thought magkasing tanda lang tayo, I just turned 18 last three months."
"Hindi kayo magkaparehas ng edad pero pareho kayong tutuntong palang sa kolehiyo," singit ni Aling Susan.
"And why is that, Nana? She repeated?"
"Hindi, pinatigil lang siya ng isang taon nung stepmother niya dahil nagkasakit ang papa niya."
Totoo 'yon, tumigil ako dahil sa kakulangan namin sa pera, pero pinag-aral pa rin naman ako nung pagkalibing ni Papa. Kahit na malupit sa akin ang stepmother ko, tinupad niya ang gusto ni Papa na mag aral ako ng highschool.
"Oh, I see.. but are you half filipino and half?" tanong niya habang nanliliit ang matang sinusuri ako.
"Ah, h-hindi ko alam. Hindi ko na kase naabutan ang nanay ko at hindi ko rin natanong si P-Papa, namatay na silang dalawa."
Her mouth forms a big "O" at malungkot na tumingin sa'kin.
"I'm sorry," malungkot niyang bigkas.
Binigyan ko lang siya ng isang matamlay na ngiti bago yumuko.
"O, siya at kumain na tayo dahil sigurado akong hindi ka pa kumakain, mamaya na natin pag usapan 'yang problema mo," si Aling Susan.
Agad namang nilantakan ni Marga ang kanyang pagkain sabay pasulyap sulyap sa akin, naaasiwa ako dahil hindi ako sanay na tinititigan lalo na ng tulad niya. Nang matapos kaming kumain ay nag volunteer ako na ako na ang magliligpit ng pinagkainan habang sila ay dumiretso na sa sala.