Sa halos apat na linggo ko sa mansyon nila Marga, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang daming nangyari sa akin sa loob ng apat na linggong 'yon. Una ay ang bukal na pagtanggap sa akin ng Gautier Siblings, ang pagpasok ko sa Lansville, ang pagdalo sa isang magarang party, pagkawala ng virginity, na-hospital at ang pagkakaroon ng tagong relasyon sa panganay na Gautier... si Nickolai. Kasalukuyan akong nandito sa classroom namin, nakaupo at nasa kalagitnaan ng pagdi-discuss ang prof sa harap nang mahulog ako sa isiping 'yon. Hindi ko maiwasang mabahala. Paano pag nalaman nila Marga? Papayag kaya siya? Paano kung against sila sa amin? Papaalisin ba niya ako sa mansyon nila? "Ms. Medina." Paano naman kung malaman ng ibang tao na isang hamak na taga probinsya lang ang

