Nagising ako sa mga malalas na pagsabog na narinig ko. Nakatali ang paa't kamay ko at may busal ang bibig na nakasalampak ang katawan ko sa loob ng isang sasakyan. Agad akong napapitlag nang makarinig pa ng isang malakas na pagsabog. Napaiyak nalang uli ako nang maalala si Blow... Nanginginig sa sakit na gumalaw ako at iginala ang mata ko sa loob ng sasakyan. Nasaan na ba ako? Sila Marga? Dumating na kaya sila? Naligtas na ba nila si Blow? Ang daming tanong ang rumagasa sa utak ko. Sinubukan kong tumayo kahit pa mahigpit na nakatali ang aking mga paa. Ramdam ko na ang sobrang hapdi ng kamay ko dahil sa taling nakapulupot dito. "Ahh–" angil ko nang bumagsak uli ako, tumama pa ang noo ko sa backrest ng isang upuan nitong sasakyan. Shit! Ang s-sakit... Bukod sa mga pagsabog ay narin

