Judy's POV
"Okay ka lang ba talaga Judy?" Tanong ni Darcy sakin. Napakurap naman ako at tumingin sa kanya.
"O-oo naman." Sagot ko at ngumiti. "M-may iniisip lang ako." Dagdag ko. Naramdaman ko namang hinawakan ako ni Elsi sa magkabila kong balikat.
"Sabihin mo lang samin yang bumabagabag sa isip mo kung hindi mo na kayang itago, okay?" Aniya. Tumango lang ako dahilan para ngumiti ito at tanggalin ang kamay nya sa balikat ko.
Isang buwan na ang nakalipas nakalipas ng ma-hospital ako pero hindi ko parin alam kung bakit galit parin sa akin si Marion at si tita naman todo ingat sakin, parang hindi sya yung tita na nakilala ko. Ganun din si Arabelle, nandito sya sa gym at hindi ko alam kung binabantayan nya ako. Ano bang nangyayari?
Napangiti ako kay Arabelle na nakasandal sa pader. Nagpaalam muna ako kila Eya na pupuntahan ko muna si Arabelle. Tumango lang ang mga ito kaya agad akong naglakad papunta sa kanya. Nang makita nya akong papalapit at umalis ito sa pagkasandal at hinintay akong makalapit sa kanya.
"May problema ba?" Tanong nya sakin. Umiling naman ako. "Nauuhaw ka?" Tanong ulit nya pero umiling ulit ako. Nag isip isip ito bago ulit magsalita. "Hmmm, dahil ba nandito ako?" Pangatlong tanong nya. Tumango ako. Nakita ko syang napangiti at kinurot ang pingi ko. "Nandito lang ako para tignan kayo. I'm still a president after all." Paliwanag nya.
"Ahhhh." Ani ko habang napatango tango.
"Go back there. May sasabihin ata si Mrs. Cuevas." Aniya sabay turo sa guro namin sa PE class namin. Ngumiti ako sa kanya.
"Cge, maya nalang." Aniko. Tumango ito at mahinang tinapik ang aking ulo. Ngumiti lang ako saka naglakad pabalik kung saan sila Elsi nakatayo.
"Kamusta pag-uusap nyo?" Tanong ni Eya sakin.
"Okay lang." Sagot ko at napantango lang sila.
"Tara dun sa harap nila. May sasabihin daw si ma'am eh." Sabi ni Aaget at agad na kinuha ang kamay ko at si Elsi na kausap si Darcy.
"Aaget! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ni Elsi na ikinailing ko. Hindi naman ito pinansin ni Aaget hanggang sa makarating kami sa harap. Tinignan ko naman sila Eya na nasa likod na nag-uusap habang naglalakad.
"Okay, class. Tapos na ang activity natin ngayon but I have a announcement to say." Panimula nito. Tumahimik naman ang lahat at nakinig. "Last year, we don't have a pageant right?" Tanong nito na ikinatango naman nilang lahat. Hindi ako tumango dahil hindi ko naman alam yung mga nangyari dito noon. "So this month we have a pageant and all section needs a representative from their section." Imporma nya. "Who's the two lucky students in this section would be a representative to the pageant? Raise your hand if you already have a selection in your section. You need two representatives in your section." Aniya.
Ang mga kaklase ko naman ay nag-usap-usap na kung sino ang pipiliin nila. Kami naman ni Darcy ay nakatingin lang kila Elsi at Aaget na nagsasagutan parin.
"Wala tayong mapalala sa dalawang yan. Tayo nalang tatlo mag usap" Ani ni Darcy kaya napatingin ako sa kanila ni Eya.
"Yeah, you're right." Pabuntong sabi ni Eya. Hinawakan nila ang magkabilang kamay ko at naglakad paalis sa pwesto namin kanina. Nang makapunta kami sa likod ay nagsalita si Darcy.
"Sa tingin nyo, sinong pipiliin nila?" Tanong nya samin.
"Si Nylene at Drake?" Sagot ni Eya.
"Ahm si Aaget at Hill?" Sagot ko naman. Napatango lang ang dalawa at tumahimik na habang naghihintay. Napatahimik naman ang lahat ng magtaas si Jamie.
"Yes ms. Odez?" Tanong ni Mrs. Cuevas.
"Si Hill Sanggabon po at ahm...." Tumingin itong kung sa mga kaklase namin. "Si Elsi Eadaion Candelaria!" Sigaw nito. Napahinto naman si Elsi kakakurot kay Aaget sa tagiliran ng marinig nitong tinawag ang kanyang pangalan.
"A-ako?" Tanong ni Elsi.
"Tanga, sino pa bang may pangalang Elsi Eadaion Candelaria dito?" Ani ni Aaget. Kinurot naman ni Elsi si Aaget dahilan para ito'y mapa aray sa sakit. Hindi naman ito pinansin ni Mrs. Cuevas.
"Mr. Sanggabon and Ms. Candelaria. Please go here to the front first at mamaya na yang kaladyaan." Aniya. Pumunta naman ang mga ito. "Sila na ba ang gusto nyong maging representative ng section nyo?" Tanong ni Mrs. Cuevas. Karamihan sa aking kaklase ay sumang ayon at yung iba ay hindi. "Dahil marami rami ang sumang ayon ay sila na ang magiging representative nyo." Imporma nito. "You may all go to your classroom, except for mr. Sanggabon and ms. Candelaria." Aniya. Nagsi alisan naman na ang mga kaklase namin ngunit nagpahuli kami dahil kausap pa ni Mrs. Cuevas si Elsi at Hill.
"I think, someone's gonna be angry about this pageant." May nakakalokong ngiti na sabi ni Aaget.
"I think so too." Pagsang-ayon ni Darcy.
"Yeah.." Pagsang-ayon din ni Eya. Ako naman ay naguguluhan sa sinasabi nila. Sino naman ang magagalit?
Ilang minuto ang nakalipas ay naglakad na sa direksyon namin ni Elsi at napabuntong hininga.
"This is not gonna be good." Aniya.
"Yeah, we know." Sagot ng tatlo. Dahil sa kaguluhan ng isip ko at tinanong ko sila.
"Bakit bad?" Tanong ko sa kanila.
"Merong talent portion kase." Sabi ni Aaget. "Eh wala itong talent." Dagdag pa nito. Kinurot naman ito ni Elsi.
"b***h, I have!" Sigaw ni Elsi. "Nag aalala lang ako dahil kasama dito ang mga senior high." Sagot nya.
"Huh? Hindi ko maintindihan."
"Ganito kase yan Judy." Panimula ni Eya. "She have a boyfriend."
"A womanizer." Dagdag ni Darcy.
"At gago!" Sigaw ni Aaget na mabilis na tumakbo papalabas sa gymnasium.
"Boyfriend?" Tumingin ako kay Elsi. "Meron ka?" Tanong ko at tumango naman sya. "Ahm, anong problema dun?"
"Nasa senior high building lang kase yung boyfriend nya." Sagot ni Darcy.
"Tapos?" Tanong ko parin dahil hindi ko maintindihan yung sinasabi nila.
"Ayaw syang isali sa mga ganitong pageant." Si Eya naman ang nagsalita.
"Bakit naman? Diba dapat ikaw ang pumili dahil, sarili mong desisyon yan? Bakit ka susunod sa kanya?" Naguguluhang tanong ko. Narinig ko namang napabuntong hininga sila pero hindi ko sila pinansin. Nilapitan ko si Elsi at hinawakan ang dalawang kamay nya dahilan para mapatingin sya sakin. "Hindi ka dapat sumunod kung ayaw mo naman talagang sumunod Elsi. May pagpipilian ka, huwag mong ibigay sa kanya yon. Okay?" Nakangiting sabi ko.
"In short, break his heart." Natatawang sabi ni Darcy. Napailing nalang si Eya sa sinabi nya.
"Tara na nga, gutom na ata yung isa don." Ani ni Eya at tumingin kay Arabelle na nakasandal parin sa pader. Nagsi tanguan naman kami at nauna na akong maglakad para puntahan si Arabelle.
"Tara na?" Nakangiting kong tanong sa kanya. Tumango naman ito at umalis na sa pagkasandal. Hindi ko alam kung ako lang nakakapansin na nagiging malapit na si Arabelle kila Darcy.