Nandito kami ngayon sa gilid ng library at kumakain ng inorder nilang pagkain. Dapat nga mag aambag ako kaso ayaw nila. Kaya eto, wala akong nagawa kundi tumingin lang at mamangha sa mga pagkaing binili nila.
"O? Ano pang tinatayo nyo dyan? Kumain na tayo!" Sigaw ni Aaget samin. Nagkatinginan naman kaming lima bago naglakad papunta sa picnic blanket na dala ni Elsi.
Silang apat ay magkakatabi sa kaliwang gilid at kami lang ni Arabelle ang nasa kabilang bahagi. Inaya ko ang si Eleanor na dito nalang samin pumuwesto pero umiling lang ito at ngumiti samin.
"Kainan na!" Masayang sabi ni Aaget at nauna ng kumuha ng pagkain. Biniwalan ito ni Elsi ngunit hindi ito nakinig at kumain na. Napabuntong hininga nalang sila Eya at Darcy bago kumuha ng pagkain. Kami naman ni Arabelle ay nagkatinginan at ngumiti sa isa't isa.
"Woy! Maya na yang ngitian na yan! Naiinggit ako!" Pagpaparinig ni Aaget habang may pagkain pa na nginunguya ito dahilan para makurot sya ni Elsi na nasa tabi nya. "Aray naman!"
"Kumakain ka tapos nagsasalita? Baka gusto mong isumbong kita kay tita?" Pagbabanta nito dahilan para mapasimangot si Aaget at tumahimik na.
Napatingin naman ako kay Arabelle na inaabot kay Eya ang isang lalagyan na may lamang pagkain na ikinangiti ko. Pagkatapos nyang iabot iyon ay kumuha sya ng dalawa at ibinigay sakin ang isa. Tinanggap ko naman ito at binuksan. Habang kinukuha ko ang plastic na tinidor sa loob ng lalagyanan at napahinto ako ng makitang tahimik na nagdarasal si Darcy bago ito kumain. Kaya inilapag ko ang lalagyanan ko at nagdasal din. Pagkatapos non ay masayang kumain kami ng sabay sabay.
"Pasensya ka na Judy kung sa Jollibee kami umorder. Inunahan kase kami ni Aaget umorder." Paghingi ng pasensya ni Eya. Umiling naman ako at ngumiti.
"Okay lang, sobra na nga ito eh." Ani ko. "Tsaka first time kong makakain neto. Dati kase tuwing may okasyon sa kaklase ko noon at may ganito kami, inuuwi ko lang at binibigay sa mga kapatid ko." Nakangiting dagdag ko. Napansin ko namang napatahimik sila dahilan para mapatingin ako sa kanila. "Natahimik kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Hindi ka pa nakakatikim neto?" Tanong ni Aaget sakin.
"Nakatikim na. Ngayon." Sagot ko. Nakita ko itong napailing.
"Ahm, eh sa Mang inasal? KFC? McDonald's? Restaurants?" Tanong naman ni Elsi. Umiling ako. Agad itong napatingin kila Darcy na nakatingin sakin. Tumingin ako kay Arabelle na nakatingin lang din sakin. Napangiwing ngiti ako dahil sa inasta nila. May mali ba akong nasabi? Wala naman diba?
Dahil sa inasta nila ay tahimik nalang akong kumain. Sayang din kase kung magtititigan lang kami. Ang sarap pa naman ng binili nila.
"Be careful eating." Rinig kong sabi ni Arabelle at naramdaman kong hinawakan nya ang pisngi ko dahilan para mapatigil ako at tumingin sa kanya. Nakita ko namang may hawak itong tissue at dahan-dahang pinunasan ang gilid ng aking labi. Nang matapos ito ay bumalik ito sa pagkakaupo at binuksan ang pagkain nito para sabayan ako. Sila Elsi kase nakahinto parin na parang istatwa sa sinabi ko.
"Aalis tayo sa Friday kaya magready kayo at magpaalam." Pagsasalita nalang ni Darcy. Agad namang napakunot ang noo ko habang nagkatinginan kami ni Arabelle na normal lang ang ekspresyon at naghihintay pa sa sasabihin ni Darcy.
"T-teka lang, bakit?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Oo nga Cy, pabigla bigla ka nalang." Pagsasalita ni Aaget na parang nakabawi na sa sinabi ko.
"Pupunta tayo sa resort nila Untie Marj." Simpleng sagot nito.
"Wait........ Sa beach resort ba nila yan?" Tanong ni Aaget. Tumango lang si Darcy sa tanong nya. "Oh gosh! Excited na ko!" Masayang sigaw ni Aaget.
"Ilang araw tayo dun?" Tanong ni Eya sa kanya.
"Hanggang Sunday." Sagot nya. Nakita ko namang napatango lang si Eya at nagsimula na ulit na kumain.
Hindi naman ako nagkapagsalita dahil nakikinig lang ako sa sinasabi nila. Parang maganda dun ah, beach daw eh. Kaso hindi ko alam kung papayagan ako ni tita Paula lalo na sa nangyari sakin pero hindi naman ata masamang subukan diba?
Habang tahimik kaming kumakain ay narinig naming nagsalita si Arabelle dahilan para mapahinto ulit kami.
"I-I have something to say." Pagsasalita nya. Tahimik naman kaming naghihintay sa susunod nyang sasabihin. "I'm quitting from being a SSG president." Aniya na ikinagulat namin.
"Why?"
"Wait, hindi ko inexpect toh!"
"Why ate?"
"Pero hindi pwede yung gusto mo diba? You can't quit or leave nalang sa pwesto na yun."
Rinig kong sabi nila ngunit ako ay nakatingin parin sa kanya at naghihintay parin ng paliwanag. Nakita itong napabuntong hininga bago ulit magsalita.
"I can....." Aniya na ikinatahimik ng lahat. "I can leave because I can. I don't really want to be in this position because you all know that I haven't been great to all of the students. Maybe I'm helping someone who really needs a help about the bullies but that's not enough to say that I'd done my job for being a president. So now, I need to find someone to take care of being a president of our school." Pagpapaliwanag nya.
"Pero pano ka?" Tanong ko sa kanya. Napatingin naman sya sakin.
"Me?" Turo nya sa sarili nya. "I-I don't know... I just want to leave. Being in this position isn't good for me. Maybe for them." Sabay tingin kila Eya. "They will fit in this position." Aniya.
"Kami?" Tanong ni Eya. Tumango naman si Arabelle sa kanya.
"May potential kayo. Sa tingin nyo, hindi ko alam na ang room nya ang pinakamalinis at pinaka competitive sa buong school natin?" Aniya.
"Abay dapat lang! Kami ba naman ang ilagay sa ginawa ng mga SSG officers na section! Hindi parin kami magpapatalo ket binully na kami!" Pagsasalita ni Aaget.
"Pero sino samin?" Tanong ni Elsi.
"Nasasainyo yan. But I can take the other SSG officers down to their position if you'll want to have a position." Imporma nya.
"As in?" Hindi parin naniniwalang tanong ni Aaget. Tumango lang si Arabelle.
"So..... Sino sa inyo ang gustong pumalit sakin?" Tanong nya.
Ilang minuto ang nakalipas ng nagpasya na silang apat kung sino sa kanila ang may gusto. Tumayo si Darcy dahilan para mapatingin kaming lahat.
"I'll take the position. And Miss Domingo." Aniya. Napatingin naman si Arabelle sa kanya. "Take down the vice president position and change it for your sister's name. Ayoko sa alagad ng Lui na yon." Aniya at umalis.
"E-excuse us." Ani ni Eleanor at sinundan si Darcy na paalis na. Dahil sa pag aalala ko ay napatayo at maglalakad na sana kaso agad na nagsalita si Aaget.
"Hayaan nyo na sila. Ganyan lang talaga pag naaalala ni Cy yung pangbubully sa kanya. Sa aming apat, si Eleanor at Darcy ang pinaka close. Kaya kaya na ni Eya si Darcy." Ani ni Aaget na kumakain. Napahinto naman ako.
"Tama sya Judy, kaya na ni Eya yun." Pagsang-ayon naman ni Elsi.
"Pero alam nyo, parang may something yung dalawa. Feeling ko lang toh. Masyado silang masikreto eh." Dagdag ni Aaget.
"Tumigil ka nga! Wag kang magtamang hinala dyan." Pagbabawal ni Elsi. "Kumain ka nalang dyan. Dami mo pang sinasabi." Dagdag nya. Hindi naman na nagsalita si Aaget at sinunod naman si Elsi.
Kami naman ni Arabelle ay tahimik lang na nakikinig sa kanila.