"Okay class, our schedule for today are going to end in 5 minutes. And because your room is already clean, you may all go but remember, we have a quiz tomorrow okay?" Imporma ni sir Fin samin saka nagpaalam na. Kami naman ay iniligpit na ang libro at inilagay sa bookshelves na nasa pinakalikuran ng aming silid. Nang matapos kami ay kanya kanya ng nagpaalam ang aming mga kaklase maliban kay Jasmin na pumunta sa harapan ko at may ibinigay na isang plastic bag.
"P-para sakin ito?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko naman syang tumango bago magsalita.
"Nautusan lang akong ibigay sayo yan." Aniya. Kahit na naguguluhan parin ako tinanggap ko ito at nagpasalamat sa kanya. Nang magpaalam na si Jasmin sakin at napabuntong hininga nalang ako saka kinuha ang laman ng nasa plastic bag. Mukha nanamang mamahalin ang laman nito.
Nang makuha ko ang isang maliit na kahon at tama nga ako. Isang relo ito at siguradong mahal ito. Pero sino ba ang nagbibigay sakin nito? Parang araw araw nalang may natatanggap akong mamahaling gamit. Baka sabihin ni Tita Paula, ninakaw ko ito. Wala kase akong pera para makabili ng ganito.
Inilagay ko ulit ito sa plastic bag at maingat na inilagay sa bag, saka isinukbit na ang bag. Habang naglalakad ako palabas ng silid aralan ay nakita ko sila Darcy at Arabelle na nag uusap. Tungkol siguro kanina kaya hindi ko na sila inabala pang puntahan. Nagpaalam muna ako kila Aaget na nag aayos parin ng mga upuan kasama nila Elsi. Nakaalis na siguro si Eya dahil wala na sya dito, kaya naglakad na ako pababa sa second floor at maingat na humawak sa railings dahil kailangan kong mag ingat.
Habang naglalakad ako pababa ay napahinto ako ng maramdaman na may tumatakbo sa likod ko. Nakita ko namang si Arabelle iyon dahil hindi naman ito naka uniform tulad namin. Naglakad naman ako pabalik para salubungin sya. Kaya ng nasa harap ko na sya ay hingal itong nagpahinga bago ito magsalita.
"Ako na magdadala ng bag mo." Aniya habang pawis parin at hingal.
Dahil ayoko syang nakikitang ganito ay agad kong kinuha sa bulsa ng palda ko ang malinis na panyo ko at maingat na idinampi ang panyo sa noo nito at sa leeg.
"Hindi mo naman kailangang gawin yon Arabelle. Tsaka huwag kang tumakbo, baka mapano ka pa dyan." Ani ko habang pinunasan parin sya. Kanina ko pa napapansin na naka jacket si Arabelle kahit ang init. Kaya tumingin ako sa mga mata nya at nagtanong. "Bakit ka pala nakajacket? Pagpapawisan ka ng sobra nyan kung hindi mo pa tatanggalin yan."
"Gusto mo bang alisin ko?" Tanong nya. Tumango naman ako. Mas maiinitan kase sya kung hindi pa nya tinanggal. Buti nalang at wala ng masyadong tao sa hallway kaya agad nya itong inalis. Agad kong napansin ang kaliwang braso nya na may benda pa at may iilang sugat dahilan para mapakunot ang noo ko. Kaya ba sya palaging naka jacket? Dahil tinatago nya ito?
"Okay na ba?" Tanong nya sakin. Hindi ko naman ka agad syang sinagot dahil sinusuri ko pa kung meron pa. "I feel a little uncomfortable." Aniya na ikinatingin ko sa kanya.
"Sorry." Nakayukong ani ko. Naramdaman ko namang hinawakan nya ang buhok ko.
"Okay lang." Rinig kong sabi nya. "Akin na pala yung bag mo." Dagdag pa nya. Hindi ko naman na sya kinontra kaya ibinigay ko nalang sa kanya ang bag ko saka naglakad na kami pababa sa hagdan.
"Matagal na ba yan?" Hindi ko mapigilang itanong.
"Hmm? Yung nakabenda ba?" Tanong nya sakin. Tumango naman ako. "Ahh, mga ilang araw lang toh." Sagot nya.
"Saan mo naman nakuha yan?"
"N-nahulog kase ako. Oo. Nahulog ako nung umakyat ako puno." Sagot nya. Napakunot naman ako sa sagot nya. Nahulog?
Napatango nalang ako at hindi na nagsalita pa. Nang makarating kami sa parking lot ng school at nagulat nalang ako ng huminto kami sa isang magandang motor na kulay pula. Nakita ko naman syang kinuha ang isang helmet at inilagay sa ulo ko.
"T-teka, sayo toh??" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang ito at saka inilagay ang isa pang helmet sa ulo nya.
Nakita kong may kinuha syang susi sa bulsa nya at agad na sumakay sa magarang motor. Ipinaandar nya ito bago tumingin sakin.
"Sakay na." Aniya.
Kahit nag aalangan ay sumakay parin ako.
"Hug me." Rinig kong aniya. Sinunod ko naman sya dahil baka bilisan nya ang pag papatakbo ng motor.
Sa una ay nakakatakot dahil medyo mataas ang motor nya kumpara sa motor ng pinsan kong si Marion. Pero kumpara kay Marion na sobrang bilis magpatakbo, Si Arabelle ay normal lang. Dahilan para ma enjoy ko ang paligid.
Sa hindi malamang dahilan ay nakangiti na pala ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay nila tita. Hinintay ko munang patayin nito ang makina ng motor bago ako bumaba at maingat na tinatanggal ang helmet ngunit hindi ko matanggal. Natatawang tinulungan ako ni Arabelle na tanggalin ang helmet at saka kinurot ang pisngi ko bago ibigay ang bag.
"Ingat ka." Ani ko. Ngumiti naman ito at tumango.
"Ikaw din." Nakangiting ani nya.
"Bye" Ani ko at kumaway bago pumasok sa gate. Narinig ko namang umandar na ang makina ng motor ni Arabelle at umalis na. Ako naman ay naglakad papunta sa pintuan ng bahay at binuksan ito. Napahinto ako ng makita kong may kausap si tita Paula. Kilala ko ito. Sya yung kaibigan ni Tita Paula, Si Tita Yvette. Naglakad ako papunta sa kanila para mag mano.
"Andito na po ako Tita." Ani ko at saka nagmano. "Mano po Tita Yvette." Magalang kong ani at nagmano din sa kanya. Naramdaman kong hinawakan nya ang pisngi ko.
"Kamukha ka talaga ang kaibigan ko." Aniya. Ngumiti lang ako pabalik at nagpaalam munang umalis para magbihis at magbasa ng mga lessons para sa quiz bukas. Ngunit hindi pa ako nakakalayo sa kanila ay tinawag ulit ako kaya bumalik ako sa sala kung saan sila nag-uusap. Binigyan ako ni Tita Yvette ng isang box ng cupcakes na dala nya at si Tita Paula naman ay naglagay ng juice sa isang baso, saka ibinigay sakin. Nagpasalamat naman ako at magalang ulit na nagpaalam.
Nang makapunta na ako sa harap ng pinto ng kwarto ko ay maingat kong binuksan ang pinto at pumasok na sa kwarto at inilapag ko ang isang box ng cupcakes at juice sa study table at inilagay ang bag sa sahig saka nagpalit na ng pangbahay na damit.
Bumalik ako sa study table at kinuha ang bag para kuhanin ang notebook ko sa english ng mapansin ko ang plastic bag. Kinuha ko ito at binuksan ulit ito sa pangalawang pagkakataon.
"Sino ka ba talaga at bakit mo ako binibigyan ng ganito?" Wala sa sariling sabi ko. Napailing nalang ako saka inilagay ang box na may lamang relo sa drawer ng study table at tumingin sa bag para kuhanin ang notebook ko sa english subject.