CHAPTER 17

1142 Words
"Yes! Walang assignments na ibinigay samin ngayong Friday!" Masayang sabi ko habang nag iinat inat bago ilagay ang bag na gagamitin ko sa pag alis. Buti nalang at pinayagan ako ni Tita Paula na sumama kila Darcy. Kung wala lang siguro si Tita Yvette nung nagpaalam ako, hindi ata agad ako papayagan ni Tita Paula. Okay lang naman kung hindi eh. Naglakad ako patungo sa lalagyan ko ng mga damit para mamili ng damit na susuotin. Kinuha ko ang sunflower dress na binili nila tita sakin nung miyerkules. Binilhan kase nila ako ng mga damit na gagamitin ko daw sa pupuntahan naming resort. Yung iba ay hindi ako komportableng suotin pero sayang naman kung hindi ko gagamitin, ang mamahal pa naman ng mga ito. Kaya agad akong pumunta sa banyo para magpalit. Nang tignan ko ang sarili ko sa salamin ay napangiwi ako dahil hindi ko nagustuhan ang pone ko sa buhok ko kaya tinanggal ko ito at nilagyan ng hair clip ang kanang bahagi ng buhok ko at nakuntento naman ako. Habang nanglalakad ako palabas ng banyo ay nakita ko ang cellphone ko na sumisindi dahil sa abiso kaya agad ko itong nilapitan at kinuha. Nang buksan ko ito ay agad na bumungad sakin ang chat nila sa group chat na ginawa nila nuong narakaang buwan. Aaget Farrah Fortich: "Where are you guys?" Eleanor Drizzle Domingo: "Nasa bahay palang kami ni Ate." Elsi Eadaion Candelaria: "Wait for me! Kakatapos lang ng practice namin ni Hill. I'll just change my clothes then you can pick me up." Darcy Elaine Keller: "Tumatahol aso mo sa labas Aaget." Aaget Farrah Fortich: "Wait, nasa labas ka na?" Darcy Elaine Keller: "Kapag hindi ka pa lumabas dito within 1 minute. Aalis na ako." Aaget Farrah Fortich: "Wait lang! Palabas na!" Ilan lang ito sa nabasa ko bago tumahimik ulit. In-off ko naman ang phone at inilagay sa bulsa ng bag bago ko ito isinukbit at naglakad papuntang sala. Nang makababa ako ng hagdan ay nakita ko sila Tita Paula at Tita Yvette kasama ang kanyang dalawang anak na sila Ywena at Yvisma. "Ate Annie!" Rinig kong tawag sakin ng dalawa. Ngumiti naman ako sakanila at naglakad papunta sa kanila. Annie kase ang tawag nila sakin dahil kamukha ko daw yung manika ni Ywena noon na ang pangalan ay Annie. Nakilala ko sila nung na-hospital ako. Sinama kase ni Tita Yvette ang mga anak nya. Ayaw kaseng pumasok ni Tita Paula non pero pinilit lang sya ni Tita Yvette at nagpresentang sya nalang ang mag aalaga sakin. "Hello Princess Ywena and Prince Yvisma." Nakangiting bati ko sakanila. Agad naman nila ako niyakap dahilan para mapangiti ako ng todo. "Ate Annie, aalis ka po?" Tanong ni Yvisma sakin. Tumango naman ako. "Saan ka po pupunta?" Tanong ulit nya. "Sa Beach resort ng Tita ng kaibigan ko po." Nakangiting sagot ko. Nakita ko naman syang lumayo at pumunta kay tita Yvette. "Ma, can we go there too?" Rinig kong tanong nya kay tita Yvette. Nakita ko namang mahinang natawa sila Tita sa sinabi ni Yvisma. "We will ask Papa later." Sagot naman ni tita Yvette. "But I want to go there now." Nakasimangot na sabi nya. "Ate Annie! I have something to tell you po." Pagsasalita ni Ywena kaya agad akong umupo para pantayan sya. "Ano yun Princess?" Tanong ko sa kanya. Lumapit naman sya sakin. "I think my brother have a crush on you po." Bulong nya sa tenga ko. "Huh? Crush?" Medyo malakas na tanong ko sa kanya na narinig naman ni Yvisma. Narinig ko naman ang pag iyak ni Yvisma dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanya. "What's wrong baby?" Tanong ni tita Paula. "Wena tell ate Annie that I have a crush on her." Umiiyak na sabi nya. Agad namang binuhat ito ni Tita Yvette para patahanin. "Your sister can't do that. Right Ywena?" Ani ni tita Yvette kay Ywena. Tumango naman si Ywena. "See?" "B-but I heard the word "crush" and Ywena always telling me that she will tell to ate Annie that I have crush on her." Umiiyak parin na aniya. Napailing nalang ako at naglakad papunta kila tita Yvette saka pinigsil ang pisngi nya. "Wag ka ng umiyak." Ani ko at pinunasan ang luha nya. "Wala namang sinabing ganon si Ywena. Ang sabi lang nya sakin ay may crush daw ako na sobrang kulit at pogi." Dagdag ko. "P-pogi? Tulad ko po?" Tanong nya sakin. Tumango naman ako. Nakita ko naman syang tumingin kay tita Yvette. "Ma, a-ako po yung crush ni ate Annie?" Tanong nya na ikingiti namin. "Of course, ate Annie have crush on you." Nakangiting sagot ni tita. Napangiti nalang kami habang sumiksik nalang sa leeg ni tita Yvette si Yvisma. Ako naman ay pinuntahan si Ywena na kumukuha ng cookies sa table. Kinuha ko ang pitsel na may lamang apple juice at nilagyan ang walang laman na baso bago umupo sa sopa at duon naghintay. "Aalis ka po talaga ate Annie?" Tanong ni Ywena na kumakain na ng cookies. Tumango naman ako. "Kailan ka po uuwi?" "Sa linggo po." Sagot ko. Nakita ko naman syang sumimangot. "Hindi maganda sa isang prinsesa ang sumisimangot, kaya dapat ngumiti ka." Nakangiting sabi ko sa kanya kaya agad naman itong hindi sumimangot at lumapit sakin saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Ate Annie, be careful ka po don ah and always po kayong maging masaya kase hindi din po maganda sa ate Annie ko ang malungkot." Aniya na ikinangiti ko. Tumango naman ako. "Wait lang po ate Annie. May kulang po sa clip mo." Aniya at may kinuha sa maliit na sling bag nya. Nakita ko namang kumuha sya ng apat na hair clip don na may design na sunflower. Tinanggal nya ang inilagay ko at ipinalit nya ito sa mga hawak nya. Inilagay ang dalawa sa kabilang side ng buhok ko at ganun din ang natitirang dalawa na sa opposite side naman saka ibinigay sakin ang tinanggal nya. "There, mas maganda ka na po ngayon." Masayang sabi nya. Napangiti naman ako sa ginawa nya at niyakap sya. "Nak, andyan na ata sila." Imporma sakin ni Tita Paula. Kaya humiwalay nakami ni Ywena sa pagkakayakap at naglakad na paalis ng bahay. Kumaway kaway ako sa kanila bago tuluyang lumabas at naglakad papunta sa gate saka binuksan ito. Nakita ko namang nakatingin silang lahat sakin at kumaway. Napangiti naman ako sa kanila at lumabas na. "Ready na kayo?" Tanong ni Elsi. Lahat naman ay tumango. "Sakay na." Ani ni Darcy kaya sumakay naman kami. Sa pinakadulo ako ng van pumuwesto kasama si Arabelle. Ang nasa gitna naman at sila Elsi, Aaget at Eleanor. At si Darcy naman ay nasa front seat. Naramdaman ko namang umandar na ang sasakyan. "Yung dalawang nasa likod naman dyan tingin dito!" Rinig kong sabi ni Aaget kaya napatingin naman ako. "Say cheese!" Aniya. "Cheese!" Sabay sabay naming sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD