Pagkatapos ng matagal na byahe namin ay ligtas naman kaming nakapunta sa resort. Masyadong gabi na kaya minabuti naming pumunta na sa mga kwarto namin. Hindi na kami pumunta sa receptionist dahil may naka abang na butler para magbigay samin ng susi at samahan kami papunta sa mga kwarto namin. Dalawa ang kailangang tao sa bawat kwarto kaya napagpasyahan naming mamili kung sino ang makakasama namin.
"Kami nalang ni Aaget." Pagsasalita ni Elsi.
"Ikaw Judy, sino gusto mong kasama?" Tanong sakin ni Eleanor kaya napatingin naman ako sa kanya.
"Kahit sino." Sagot ko. Nakita ko namang napatingin ito kay Darcy bago magsalita.
"Si ate Francine ang makakasama ko, okay lang sayo Judy?" Tanong nya sakin. Ngumiti naman ako at tumango.
"Okay, settled na ang lahat kaya pumasok na tayo sa mga room natin." Pang aagaw ng atensyon ni Aaget na mukhang pagod na. Kaya agad namang nagsitanguan ang lahat. Tinignan mo muna silang makapasok sa kani-kanilang mga kwarto bago ako tumingin kay Darcy.
"Tara na?" Tanong ko sa kanya at tumango naman sya. "Ahm saan pala yung room natin?" Pagtatanong ko ulit sa kanya.
"Follow me." Sagot nya at naglakad na. Ako naman ay kinuha ang bag ko at sinundan sya. Akala ko ay sa kasunod lang na kwarto ang samin kaso naglakad pa ito hanggang sa makapunta kami sa elevator. Gusto ko sanang magtanong ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Dahil sa ilang mga linggo ang nakalilipas, napapansin kong nagiging tahimik sya, hindi tulad ng dati.
Nang tumunog ang elevator ay tinignan muna nya ako bago ang bag kong nasa sahig saka ito binitbit dahilan para magulat ako.
"T-teka, h-hindi mo naman kailangang bitbitin yung bag ko Darcy." Ani ko. Tinignan lang nya at saka ngumiti.
"Hayaan mo na ko, Judy. Ngayon lang kita mabibitbitan ng bag." Aniya.
"Pero kase..... nakakahiya tsaka mabigat pa yan." Nahihiyang sabi ko. Naramdaman ko namang pinisil nya ng bahagya ang pisngi ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nakita ko syang nakangiti.
"Halika na. Ipupunta na kita sa kwarto." Aniya saka naglakad paalis ng elevator. Ako naman ay sumunod lang habang tinitignan sya sa likod. Ako lang ba talaga ang nakakapansin na nagbago talaga si Darcy?
"We're here." Aniya para mapatigil ako sa paglalakad at naghihintay na buksan nito ang pinto. Kaya ng buksan nya ito gamit ang card ay napamangha ako at parang nawala ang pagod ko sa ganda ng kwarto na ito. Pang yayamanin.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong nya at napantango naman ako agad.
"Ganito din ba yung kwarto nila?" Naeexcite na tanong ko.
"Something like this..." Napapakamot nyang sabi kaya napatango naman ako.
"Ang ganda......" Namamanghang aniko habang inililibot ang paningin. Ang laki at ang lawak nito. Parang bahay na ito at hindi kwarto lang eh. May kusina, sala at pool na sa likod ng clear glass wall.
"Ipupunta ko lang itong bag mo sa kwarto sa kanang bahagi." Aniya dahilan para nawala ang paglilibot ng paningin ko.
"Nako ako na. Magpapalit din kase ako hehe." Aniko kaya tumango naman sya at nagsimula ng maglakad dala dala parin ang bag ko hanggang sa makarating kami sa harap ng pinto ng kwarto. Napayuko naman ako at nagpasalamat sa kanya. Tumango naman ito.
"Andon lang ako sa living room if tapos ka ng magpalit. Sa baba tayong lahat kakain ngayon." Aniya. Tumango naman ako at pumasok na sa loob ng kwarto.
Napanganga ako sa ganda ng kwarto na ito. Pang yayamanin ang ilaw at yung mga dekorasyon ay parang mga ginto dahil sa kinang. Ganito pala sobrang yaman ng mga kamag anak ni Darcy. Napapanganga ako sa yaman.
Napailing ako para mabalik sa reyalidad ang paningin at isip ko. "Ano nga ulit gagawin ko?" Tanong ko sa sarili ko at napailing ulit para maalala. "Ahhh... Magpapalit pala ako." Pagsasalita ko kaya agad kong inilagay sa gilid ng kama ang bag ko at naghanap ng damit na pwedeng suotin ngayon. Napagpasyahan ko na ang oversized t-shirt na mala caramel ang kulay at maong short na high waist at pumunta na sa banyo para magpalit.
Nang makapag palit na ako ay inayos ko muna ang damit ko. Itinuck in ko ang oversized t-shirt ko sa high waist short ko at tinanggal ang clips na nasa buhok ko saka ipinone ito sa kalahati. Pagkatapos ay lumabas na ako dala ang phone at ang wallet na inilagay ko sa bulsa saka naglakad palabas ng kwarto para puntahan si Darcy. Nakita ko naman syang nakasandal sa mahabang sopa at nakapikit. Siguro ay pagod sa byahe. Kaya dahan dahan akong umupo sa sopa at nag cellphone na muna habang hinihintay syang magising.
Ilang minuto lang ang nakakalipas ay naramdaman ko syang gumalaw dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Pasensya ka na ah, hindi kita ginising. Mukha kaseng pagod ka sa byahe." Pagsasalita ko agad habang kinukusot nya ang kanya mga mata.
"Are they ready?" Tanong nya sakin.
"Hmm-um. Andun na daw sila sa isang restaurant sa baba at umorder na ng mga pagkain." Ani ko. Nakita ko naman syang tumango bago tumayo.
"Halika na." Aniya kaya sinundan ko lang sya hanggang sa makita namin sila sa first floor.
Nang lapitan namin sila ay andami ng pagkain sa lamesa.
"Mauubos ba natin ito?" Tanong ko sa kanila at tumango naman si Aaget.
"Let's eat na!" Masayang ani ni Aaget kaya masayang nagsikainan kaming lahat.
"Here." Rinig kong sabi ni Arabelle at nakita ko nalang na nilagyan nya ng kanin ang plato ko.
"Salamat." Nakangiting pagpapasalamat ko at ngumiti din ito sakin.
"Judy, try this dish. Masarap toh. Fried pusit and seafood paella." Ani ni Aaget at nilagyan ako ng mga sinabi nya sa plato ko. Ngumiti lang ako at nagpasalamat.
"Iced tea." Pagsasalita naman ni Darcy at inilagay sa gilid ko ang baso ng puno ng iced tea. Kaya nagpasalamat din ako sa kanya.
Masaya naman kaming kumaing lahat habang nag kukwentuhan tungkol sa pinaka nakakahiyang sandali na naranasan nila noon.
Masaya ito hanggang sa matapos kami. Nagpaalam muna akong maglalakad lakad sa gilid gilid at pumamayag naman sila ngunit sumama si Arabelle sa akin. Hindi naman ako nainis o kung ano, mas okay naman na may kasama ako dahil baka maligaw nalang ako basta basta dito.
Masaya kaming nag uusapa habang naglalakad at pinapakiramdaman ang malamig na hangin sa dalampasigan.