CHAPTER 19

1071 Words
"Guys! Say cheese!!" Rinig kong sabi ni Aaget kaya napatingin kami sa kanya at nag piece sign ako. "Wacky naman!" Aniya kaya nagduling dulingan ako. "Smile naman!" Sunod na sabi nya kaya ngumiti naman ako. "Sa- Aray!" Sigaw nya. "Hop na! Gaga ka. Papagurin mo ba kami?" Tanong ni Elsi. "Hindi naman eh! Kapanget mong kabonding huta ka! Makaalis na nga! Che!" Pagtatampo ni Aaget at umilis sa dalampasigan. Nakita ko nalang na napa iling nalang sila kaya hindi ko na sila pinansin at ibinalik ang tingin sa ginagawa naming sand kastle ni Eya. Kausap kase ni Arabelle si Darcy. "Ahm, Elsi, Judy, may sasabihin pala ako." Pagsasalita ni Elsi samin dahilan para ihinto ulit namin ang pag gawa. "Ano yun?" Tanong ko sa kanya. "Ahm..... I invited Hill here." Nahihiyang aniya. "We can't stop our practice. But don't worry aalis din sya mamaya." Dagdag pa nya. Ngumiti lang ako at hinawakan ang kamay nya. "Okay lang yun. Alam naman naming gusto mong manalo sa pageant kaya support kami sayo." Ani ko na ikinangiti din nya. "Yeah, and we already asked Darcy if there's a quite place here in resort to both of you to practice." Sagot naman ni Eleanor. "Wait, kailan nyo pa alam?" Tanong nya samin. "Kay Hill." "Ahmmm.. Hill." Nagkatinginan kami ni Eleanor dahil sa sabay naming pagsagot at mahinang natawa nalang. "Really?" Hindi parin naniniwalang tanong nya "Yep, tinanong kase namin si Hill if may practice kayo ngayon at um-oo sya at sinabi nyang sa La Parádeisos Resort kayo mag papractice. Hindi naman ata magtatago si Hill samin dahil gusto din naming makatulong sa inyo." Nakangiting sagot ko. Naramdaman ko namang pinisil nya ang pisngi ko at niyakap kami dahilan para magpanic ako. "Hala! Sorry!" Sigaw ni Elsi at binitawan kami. Nang makita kong nasira na ang kastilyong ginawa namin ay sumimangot ako. "Wala na." Malungkot ko ani. "S-sorry! A-ahm... Ibabalik ko promise! Drizelle yung cup!" Nagpapanic na utos ni Elsi. Ibinigay naman ni Eya ang gamit namin kanina sa kanya at nilagyan nya ito ng buhangin. Nakailang gawa sya non ngunit lahat ay nasira lang din dahilan para ako'y napabuntong hininga nalang at hawakan ang kamay nya. "Hayaan mo na yan Elsi." Sabi ko sa kanya dahilan para maging malungkot sya. "Bakit ba kase ang bobo ko pagdating sa paggawa nito?" Maiyak iyak na aniya. "Hala! Wag kang umiyak." Ani ko at pinunasan ang gilid ng mata nya. "Okay lang talaga promise. Wag ka ng umiyak." "Hindi pwede yun. Ako yung dahilan kung bat nasira yung ginagawa nyo." Aniya. Ngumiti lang ako. "Okay lang talaga. Gagawa nalang kami ni Eya mamaya." Ani ko sa kanya. "Yeah, we can still rebuild it. Maaga pa naman." Pagsang-ayon ni Eya sakin. "Still, I'm sorry...." Paghingi nya ng tawad sakin. "Okay lang talaga." Nakangiting sabi ko. "Ahm, hanapin ko lang si Arabelle ah." Pag aalam ko sa kanila. Nakita ko namang tumango si Eya at malungkot parin si Elsi. "Ngiti lang Elsi." Ani ko bago tumayo at naglakad kung saan naglakad kanina sila Arabelle at Darcy. Hindi pa ako nakakalayo ay may lalakeng huminto sa harapan ko dahilan para ako'y mapahinto. "May kailangan ka po?" Tanong ko sa lalake. "A-ahm h-hello.." Nauutal na aniya na ipinagtaka ko. "Hi po?" Sagot ko sa lalake. "Ahmmm, aalis na po ako." Aniko sa kanya at nilampasan sya. "Wait!" Rinig kong sabi nito kaya tumingin ulit ako sa kanya at nagulat ako ng sobrang lapit na namin sa isa't isa dahilan para mapalayo agad ako sa kaba. "f**k you kuya!!" Rinig kong sigaw ng nasa likod ng lalake at nakita kong may inihagis itong libro at tumama ito sa ulo ng lalake. "Ouch! That hurts Sledill!" Sigaw ng lalake sa batang babae. "That's what you got by taking me here and making me your f*****g reason to dad! I really f*****g hate you! Argggh!" Galit na sigaw ng may pangalang Sledill at galit na umalis. "I-I'm sorry for that." Ani ng lalake sakin at kinuha ang inihagis ng babae. Saka sinundan ang babaeng umalis. Ako naman ay naistatwa sa aking nakita. Lalo na nung sobrang lapit namin. Kitang kita ang makapal nitong kilay at yung mata nyang kulay asul. Matangos din ang ilong nito ang pula ng labi. Napakurap ako ng ilang beses bago bumalik sa reyalidad. Nasan na ba ako? Tanong ko sa sarili ko at napailing nalang saka naglakad ulit para hanapin si Arabelle. Ilang minuto ang nakalipas ng paglalakad at wala parin akong makitang Arabelle sa paningin ko dahilan para ako'y huminto at magpahinga saglit. Habang nagpapahinga ako ay biglang dumilim sa kinakatayuan ko. May nakita akong paa sa harapan ko kaya inangat ko ay ulo ko para tingan kung sino ito. Isa itong lalake na matangos ang ilong at ang kanyang kilay ay pantay na pantay, brown ang kulay ng mata nito tulad ng sakin ngunit parang mas darker lang ang sa kanya at parang ka edaran ko lang ito. Matangkad lang sya pero sa postura nito ay sigurado akong ka edaran namin ito. "You okay miss? Kanina pa kita nakikitang tumitingin sa magkabilang direksyon. Naliligaw ka ba?" Tanong nya sakin. Agad naman akong umiling. "Ay! hindi po, may hinahanap lang ako kaso parang wala sya dito." Nakangiting sagot ko dahilan para sya ay mapatango. "Hmmm.. we can go to the guard and ask him if he sees the person you're looking for." Aniya ngunit umiling parin ako. "Wag na po, baka bumalik na po ito sa hut hehe." Aniko. Napatango naman ito. "Ahm, Can I know your name miss?" Tanong nya sakin at tumango ako at naglahad ng kamay. "Judy Ann Nicolas po." Magalang kong ani sa kanya at tinanggap naman nya ang kamay ko para makipag kamay din. "Danger Salvatierra. Nice to meet you miss Judy Ann." Ani nya. "Nice to meet you din ahm.... Danger??" Nahihiyang sabi sa pangalan nya. Mukhang hindi naman sya katulad ng pangalan nya. Ani ko sa isip ko. "Judy!!!" Rinig kong sigaw ng kung sino sa pangalan ko dahilan para magpaalam na ako kay Danger. "Ahm, Danger, parang hinahanap na ako ng mga kaibigan ko. Alis na ako ah." Nakangiwing ani ko. Tumango naman ito kaya tumakbo na ako. "Nice to meet you ulit! Sa uulitin kung magkikita pa tayo!" Sigaw ko sa kanya at kumaway pa. Kumaway din ito pabalik habang nakatayo parin don at hawak ang payong. Ako naman ay tumingin na sa direksyon pabalik kung saan ko sila iniwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD