"Andito ako!" Sigaw ko sakanila habang tumatakbo at nang makarating ako sakanila ay nagpahinga muna ako dahil sa pagod.
"Saan ka ba nagpunta, Judy?" Tanong sakin ni Aaget.
"Hinahanap ko si Arabelle kaso parang wala ata sa pinalakaran nila kanina." Sagot ko sa kanya. Nagsalita naman si Eya dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Nakita ko si ate dun." Turo ni Eya sa kabilang direksyon dahilan para tumaas ang dalawang kilay ko at magtanong sa kanya.
"Talaga?" Aniko at tumango naman sya kaya agad akong naglakad papunta sa direksyon na itinuro nito. "Pupuntahan ko lang sya!" Aniko sa kanila. Narinig ko pang tinawag ni Aaget ang pangalan ko ngunit hindi ako lumingon sa kanila dahil gusto kong makita si Arabelle. Nangako kase akong sasamahan ko syang maglibot dito sa resort.
Habang hinahanap ko sya ay natagpuan ko ang sarili ko sa pinakadulong bahagi ng resort at duon ko din nakita si Arabelle na nakatalikod at naglalakad lakad kaya mabilis akong tumakbo sa likod at masayang niyakap sya. Naramdaman namang napahinto sya sa ginawa ko dahilan para matawa ako.
"Surprise!" Natatawang sigaw ko sa kanya at umalis sa pagkayakap saka pumunta sa harap nya.
"H-Hey. How's the castle you both Drizzle built?" Namumulang panimula ni Arabelle sakin na ikinangiti ko pa ng lalo.
"Ahhh, wala na yun. Nasira din kase pero gagawa pa naman kami ni Eleanor mamaya." Sagot ko. "Ahm, bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko sa kanya.
"N-Nothing?" Sagot nya. Kahit gusto ko syang tanungin kung ano ba talaga ang dahilan ay tumango nalang ako.
"Tara na?" Tanong ko sa kanya.
"Ngayon na?" Tanong naman nya sakin. Umiling ako.
"Hindi. Tara na kako sa hut. Nagugutom na kase ako." Nahihiyang sabi ko na ikinatawa naman ni Arabelle.
"Hinanap mo pa talaga ako para dyan?" Natatawang tanong nya na ikinasimangot ko.
"Ano ba yan, hinanap kita para sabay tayo. Nauna na kase si Aaget eh." Nakasimangot kong sagot. Nakita kong napailing nalang ito at kinurot ang magkabila kong pisngi saka inakbayan ako.
"Nakakailan kana talaga Arabelle." Ani ko sa kanya habang naglalakad na kami.
"Yeah, yeah. I know." Tumatawa nitong sagot dahilan para sumamangot pa ako ng lalo. "Stop pouting. Pag ginawa mo pa yan baka hindi ko mapigilan sarili ko." Nakangiting banta na sakin ngunit hindi ko sa pinansin. Nakasimangot lang naman ako ah. Ano bang masama d--
Nawala ako sa pagsasalita sa isip ko ng huminto kami at mabilis syang humarap sakin saka tinitignan ako sa mata na ikinagulat ko. Nakita ko naman syang napatingin sa labi ko na ilang dangkal nalang ay pwede na nya akong halikan.
"I said it, Judy. Stop pouting." Nakangiting aniya dahilan para bumilis ang t***k ng puso ko. A-Anong nangyayari sakin? B-Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? Anong nangyayari?
"Hoy! Kayong dalawa dyan! Wag nga kayong mag landian dyan! Kakain na oy!" Rinig kong sigaw ni Aaget.
Nakita ko namang lumayo na sa harap ko si Arabelle at bumalik sa pwesto nya saka ako pwinersang maglakad dahil para akong naistatwa sa ginawa nya. Nang makarating kami sa hut sa ay nakita kong napakunot sila Elsi at Eya sa itsura ko.
"Anong ginawa mo ate?" Tanong ni Eya kay Arabelle ngunit hindi ito nagsalita. Naramdaman kong hinila ako nila Elsi papunta sa upuan. "Anong nangyari Judy?" Tanong naman nya sakin. Napatingin naman ako sa direksyon kung saan nakatayo lang si Arabelle at nakatingin lang sakin at parang nagdurusa sa ginawa nya.
"N-Nangyari? A-Ahm... M-May kwinento lang sya saking nakakatakot, O-Oo. N-Nakakatakot yun." Pagsusunungaling ko.
"Are you sure?" Tanong naman ni Elsi sakin. Kahit nag aalangan ay tumango parin ako dahilan para mapabuntong hininga silang dalawa.
"Okay." Ani ni Elsi na ikinangiti ko nalang saka kumuha ng prutas sa basket na parang wala lang ang nangyari. Nang matapos kami ay nagpaalam na silang pupuntahan si Hill sa entrance ng resort para mag practice na ang dalawa. Ako naman ay nagpa iwan dahil walang magbabantay sa hut kaya nagpaiwan din si Arabelle para bantayan daw ako.
Ilang minuto palang ang nakakalipas na tahimik ang paligid namin ay nagsalita si Arabelle.
"I-I'm sorry for what happened earlier." Aniya na ikinatingin ko lang sa kanya. Namumula sya.... May sakit ba sya o ganun lang talaga? "D-Did I angry you?" Tanong nya sakin ng lumingon sya. Umiling naman ako. "Pero nagsinungaling ka sa kanila.."
"Ayokong magalit sila sayo." Ani ko na akala ko ay sa isip ko sinabi.
"R-Really?" Tanong nya sakin na ikinataas ng kilay ko. Nasabi ko ba? Tanong ko sa sarili ko.
"A-Ahm.... Oo?" Pa-tanong kong sagot. Nakita ko naman syang napakunot.
"Is that a question or a answer?" Tanong nito sakin na ikinakibit balikat ko lang at kumuha ng grapes bago tumingin sa kanya.
"Halika rito sa tabi ko." Pagsasalita ko. Nakita ko naman syang nag aalangan kaya agad ko na syang hinitak sa tabi ko na parang wala lang nangyari samin kanina. Sa hindi malang dahilan at napatingin ako sa mga labi nya bago sya tignan at nakita ko naman syang nakatingin sakin. Inilagay ko naman malapit sa labi nya ang grapes na hawak ko. Nakita ko naman na dahan dahan nya itong kinuha at kinain. "Masarap ba?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa labi nya. Hindi naman ito nakasagot sa tanong ko.
"Hey! Guy-" Rinig kong sabi ng nasa harapan namin dahilan para mapatingin kami. Nagulat ako ng makitang si Hill ito kasama sila Elsi. "Okay. Wrong timing ata kami. Cge pres, enjoy lang kayo dyan. Bye!" Paalam nila. Naramdaman kong umiinit ang pisngi ko dahilan para magbaba ako ng tingin. Ano bang nangyayari sakin? Hindi naman ako ganito noon ah. Bakit feeling ko may gusto ako sa kanya? Mabuti ba ito o hindi? Tsaka bakit ko yon ginawa! Nakakahiya!!
"E-Excuse me." Nahihiyang ani ko bago umalis sa hut. Naglakad ako papunta sa room namin ni Darcy. Meron akong extra card na ibinigay lang sakin kaninang umaga ni Darcy para hindi ko na daw sya hanapin kung may kukuhanin ako sa kwarto. Kaya ng makapasok ako don ay agad kong sinarado ang pinto at naglakad papunta sa kwarto saka umupo doon para pakalmahin ang sarili. "Tama ba itong nararamdaman ko?"