Napabalikwas ako ng bangon ng biglang bumukas ang pintuan ko sa kuarto, nagisnan kung pumsok si mommy at tinungo ang walk-in closet ko. Tatlong araw na sumula nung ikasal kami ni Jim but I refused to go with him. Bumangon ako sa kama, napakusot ako sa aking mga mata. Napaawang na lamang ang mga labi ko ng paglabas ni mommy ay dala-dala na nya ang maleta ko," Mommy... " ngunit di nya ako narinig. Lumuhod ito sa sahig sa paanan ng kama at binuksan ang maleta, hinayaan nya tong nakabukas. Muli ay tumayo ito at tinungo muli ang walk-in closet. When she went outside yakap na ng dalawa nyang mga braso ang mga damit ko at basta na lamang binagsak sa maleta kong nakatiwangwang. " Mommy, anong ginagawa mo! " Tumayo ako, kinuha ko ang mga damit na nilagay nya sa maleta ko at sinundan sya papasok

