
"I don't want to choose. Ayokong mamili kung maari ay pareho ko kayong mamahalin."
____________________________________________
Maagang naulila si Michelle sa edad na sais. Matapo pumanaw ang kanyang mga magulang ay maraming kamag-anak ang nagprisentang mag-alaga sa kanya.
Iba parin ang trato sa sarili mong kadugo. Sa paglipas ng panahon ay naubos narin ang yaman na naiwan sa batang si Michelle.
Mula noon ay pinapabayaan na siya, hindi pinapakain ng maayos at ginagawang alipin sa bahay.
Nang tumontong na si Michelle sa tamang edad ay agad naman siyang hinanapan ng makakatuwang sa buhay ng kaniyang kaanak.
Sa halagang limang libo ay ipinangako siya kay Ronaldo isang magsasaka sa kabilang bayan. Ulila narin ang kanyang mapapangasawa habang mayroon itong kapatid na may sakit.
Kahit anong protesta ang ginawa ni Michelle ay hindi parin bumigay at nanlambot ang puso ng kanyang kaanak. Sapilitan siyang ikinarga sa tricycle at bumyahe sa kabilang bayan.
Pagdating doon sa kabilang bayan ay saka palang nalaman ni Michelle ang sitwasyon ng kanyang asawa. Kalaunan ay tinanggap din ni Michelle ang kanyang kapalaran at dahil narin maganda ang pakikitungo ng kanyang asawa.
Inalagaan niya kapatid ni Ronaldo habang ito ay nasa labas naghahanap buhay. Nabuo rin ang damdamin ni Michelle sa kapatid ni Ronaldo dahil sa dalas ng pagsasama nito.
Sa huli ay tinanggap ni Ronaldo na mag-hati nalang silang dalawa ng kapatid niya sa asawa. At mula noon ay naging mapayapa at masaya ang kanilang pagsasama.
