21

3076 Words

Buong pagmamadaling tinalunton ni Lara ang hagdanan. Halos talunin na niya ang pagbaba sa iilang baitang mula sa maliit na terrace. Sa kanyang balikat ay sukbit ang backpack kung saan nakalagay ang laptop at gamit niya sa trabaho. Aligaga pa niyang hinubad ang nakasapin na tsinelas at isinuot ang flat shoes na nakahanda sa ibaba. “Goodness!” Bakit kahit ang itim na doll shoes ay hindi nakikiayon sa pagmamadali niya? Parang kinukuntsaba siya ng sariling kagamitan para mas ma-late pa sa eskwela. “Sa wakas!” Naisuot niya rin sa wakas ang sapatos na ngayon lang niya napansin na may pigtas na pala sa unahan. “Pambihira naman, oo, papangisi ka na.” Bahala na. Kung aakyat pa siya sa itaas para magpalit ay mas lalong magagahol siya sa oras. "Magsu-survive ka pa." Naiiling na nagpatuloy siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD