15

2022 Words

"Sweetheart, kanina ka pa hinihintay ni Hugo." Kapapasok pa lang nila sa bahay, iyon na kaagad ang bungad ni Vera. Sumimangot si Isabella nang makita si Hugo na nakaupo sa sofa at kausap ang ina. Tumayo si Hugo at pinulot ang bouquet at inabot iyon kay Isa. Lumanding kaagad ang bibig nito sa pisngi ni Isabella. "Hugo is inviting you for dinner, Hija." Ang siste, si Ma'am Vera pa ang excited. Kita iyon sa tila gigil na pagbaon ng daliri nito sa balat ng anak na inakbayan nito. Paano nga naman hindi kikiligin itong si Ma'am Vera, dinalhan ng stargazer ni Hugo. "Kailan po?" Naaawa siya kay Isa. Lagi na lang itong sumusunod sa mga magulang kahit labag sa kalooban. "Tonight. I'll pick you up at six." Napatingin si Isabella sa kanya, nagpapasaklolo. Alam na niya ang tinging iyon. Third

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD