16

1238 Words

Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa hacienda na si Hugo. Himala sa lahat nang himala na ito pa ang nag-aya sa ama ni Isabella na si Greg na mangabayo ang mga ito. Ang lawak ng ngiti ni Greg habang kasama si Hugo. Kung gaano man kasaya ang ama, kabaligtaran naman si Isaeblla. Hindi man hayagang ipinakita ang disgusto kay Hugo ay matabang naman ang pakikitungo nito sa lalaki. Naipagpasalamat na rin nila na hindi nito nabanggit ang muntikan nang pag-aaway nina Eman at Hugo. Takot din siguro itong mabalikan ng sumbat oras na nalaman ni Vera ang kalokohan nito kagabi. Matapos ang pangangabayo ay halos ipagduldulan pa ng ama ang anak na harapin ang hambog na heredero. “Hugo, you ride with my daughter.” Talagang ipinagtutulakan talaga ni Greg si Isa sa lalaki. Gaya ng iba pang pagkakataon, wala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD