13

1807 Words

Nakahanay na sa paanan ng hagdanan ang travelling bags ni Isabella. Resthouse daw ang pupuntahan nila, malamang hindi na kakailanganin ang bedding. Damit na lang ang dadalhin. Ayon kay Isabella, mamimili na lang daw sila ng mga supplies sa mararaanang supermarket o grocery. Um-oo na siya. Wala rin naman siyang alam kung saan sila talaga pupunta. Isa pa, may tumutubo ring excitement sa dibdib niya. Ito ang pinakaunang beses na aahon siya sa hacienda. Simula noong bata siya, ngayon lang siya lalabas sa lupain. Bakasyon na bakasyon ang pakiwari niya. Nahahawa kay Isabella. “Be good, baby, ha?” Magkatabing nakaupo sina Ma’am Vera at Isabella sa couch. Panay ang paghaplos nito sa buhok ni Isa. May mga tao talagang sadyang masuwerte. Isa na si Isabella. Noong magsabog ng swerte ay nasalo lahat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD