9

1908 Words

Sa isang iglap ay naging estranghero sila ni Eman sa isa’t-isa. Para na silang hindi magkakilala. Hindi na rin naman siya nag-attempt na kausapin ito. Sawa na siyang siya ang laging unang nagpapakumbaba. Kapag nagpapang-abot sila sa eskwela ay nag-iiwasan sila. Kapag naman nagkiktita sila sa mansion ay ganoon pa rin. Habang nagkakalapit sina Isabella at Eman, nalalayo naman nang nalalayo ang agwat nilang dalawa. Tuluyan nang nabuwag ang masayang tandem nila. Aaminin niya, nahihirapan siya. Masakit ang kalooban niya. Hindi siya sanay na ganito sila ni Eman. Siguro nga may kasalanan din siya. Dapat nanahimik na lang para wala sanang gulo. “Lara! Lara!" Mula sa pagpupunas ng mga cabinet gamit ang microfiber mop ay napalingon siya sa labas kung saan nagmumula ang matinis na boses na tumawag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD