Rossa’s POV “Anak, may gusto sana akong sabihin sa iyo,” sambit ni Mama pagkatapos naming mananghalian. Kumunot naman ang noo ko kasi parang ramdam ko na malungkot siya. “Ano po iyon, Ma? May problema po ba?” tanong ko naman. Sinadya kong gawing kasuwal lang ang boses ko para hindi naman niya mahalatang nag-aalala ako. Baka kasi hindi niya ituloy ang kung anumang sasabihin sana niya. “Bakit gano’n? Pakiramdam ko nanlalamig na sa akin ang Papa mo. Noong nandito ka hindi ko na rin gaanong ramdam. Pero simula nang kami-kami na lang dito ay tila nadarama kong may nagbago na sa kaniya. Halos hindi na rin niya ako kausapin kung hindi ako ang mauunang makipag-usap sa kaniya. Basta, hindi ko maipaliwanag. Ramdam ko lang na parang nagbago siya,” pagtatapat ni Mama sa napakalungkot na tono. Nab

