“Parang ang tahimik mo kanina pa. May problema ba?” tanong sa akin ni Romano habang nakasakay na kami sa elevator paakyat sa penthouse niya. “May iniisip lang ako. Siya nga pala, bakit kaya tayo biglang gustong kausapin ng Daddy mo?” pag-iiba ko sa usapan. Ayaw ko munang sabihin sa kaniya ang problema namin sa bahay. Nagkibit-balikat siya. “Hindi rin ako sigurado. Basta ang sabi lang niya ay gusto tayong makausap at makasabay sa hapunan.” Tumingin pa siya sa akin pero tumango lang ako. Hindi na ako umimik pa dahil wala rin naman akong masasabi tungkol doon. Hihintayin ko na lang mamaya kung ano iyong mahalagang bagay na sasabihin niya. Pagdating sa penthouse suite ni Romano ay mabilisan akong naligo at nagbihis. Si Romano naman ay tinawagan ang mga chef ng hotel para tanungin kuing rea

