Rossa’s POV “Dahil sa ako nga ang person of interest sa nangyari kay Josephine ay naimbitahan pa rin ako sa presinto para magbigay ng statement. Sinabi ko ang lahat-lahat maliban sa pagtataksil na ginawa sa akin ni Josephine.” Pagpapatuloy pa ni Romano. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong napasinghap at napanganga habang nagkukuwento siya kanina. Pero hindi pa rin kumpleto ang kuwento niya. “Paano mo napatunayan sa korte na wala ka ngang kasalanan?” tanong ko pa. Muli ay bumuntong-hininga siya bago sumagot. “Lumabas ang autopsy report at nakasaad doon na naglason si Josephine na naging dahilan ng pagkamatay niya. Masiyadong na-damage ang vital organs niya dahil sa tapang ng lason na ininom niya at sa taas ng dosage na pumasok sa mga ugat ng katawan niya,” sagot naman ni Romano.

