Chapter 6 Hurtful News

3459 Words
“Where are you going?” kunot ang noong tanong ni Romano nang bihis na bihis akong lumabas ng walk-in closet niya. Humigpit ang pagkakahawak ko sa clutch bag ko dahil bigla akong kinabahan. “Uuwi ako sa amin. Kailangan kong makausap ang mga magulang ko. Hindi nila puwedeng malaman ang tungkol sa agreement natin,” nagtatapang-tapangan kong sagot. Mas naging relax naman ang mukha niya. “Fine. Ihahatid kita roon. I told you. I want to meet them personally, too,” seryosong tugon niya. Napalunok naman ako at lalong dumoble ang kaba ko. “Romano, gusto ko munang makausap ang pamilya ko bago ka nila makilala. Isa pa–” “No! It would be awkward and too unusual if you go there without me. I am your husband now and–” “Temporary husband!” putol ko naman sa kaniya. Muntik na akong mapangiti Mabuti na nga lang napigilan ko at napanatili kong seryoso ang mukha ko. Feeling ko kasi nakaganti na ako noong tawagin niya akong temporary wife. “I am still your husband. Kaya normal lang na makilala ko ang pamilya mo. Wait for me, here. Magpapalit lang ako ng damit,” maawtoridad na sabi niya at nilampasan na ako. Dumiretso na siya agad sa closet niya para magbihis. Marahas akong bumuntong-hininga at naaburidong pumikit. Nang muli akong magdilat ng mga mata ko ay nagpupuyos na naman ang kalooban ko. Hindi ko ganap na kilala ang totoong ugali nitong si Romano. What if ma-offend siya ng parents ko tapos may gawin siya sa kanila? Hindi ako makapapayag na may masamang mangyari sa kahit na sino sa mga magulang ko. Muli akong bumuntong-hininga. Inilabas ko ang cellphone ko sa bag ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito nabubuksan dahil pinagbawalan ako ni Romano. Saka ko na lang daw ito mabubuksan kapag nakilala na niya ang mga magulang ko. Isang malalim na buntong-hininga pa ang pinakawalan ko bago ibinalik ang cellphone sa bag ko. Paglabas ni Romano ay kamuntik na yatang mahulog ang panga ko. Medyo naka-brush up ang buhok niya kaya lalong lumitaw ang napakaguwapo niyang mukha. Fit sa kaniya ang long-sleeve royal blue polo na suot niya at nakatupi ang manggas hanggang sa may siko niya. Tinernuhan iyon ng puting pantalon na sadyang humahakab sa mga hita niya. Pagkatapos ay semi-formal na kulay itim na shoes ang suot niya. Dalawang butones ng polo niya ang nakabukas kaya sumusungaw ng kaunti ang matipuno niyang dibdib. Wala ka talagang maipipintas sa panlabas na anyo ni Romano. Para siyang isang perpektong diyos ng Mt. Olympus na talagang sasambahin ng maraming kababaihan. Pero kahit ano’ng ganda ng panlabas niyang anyo ay kabaligtaran naman sa panloob niyang pag-uugali. “Satisfied? Do I look presentable enough for my in-laws?” agaw-pansin niya sa akin kaya mahina akong suminghap. Doon ko lang na-realize na titig na titig na pala ako sa kaniya. “Tara na. Kahit ano pang hitsura mo pareho lang din naman ang kalagayan ko,” kunwa’y masungit na tugon ko. Kahit hindi ko tinitingnan ang mukha niya ay alam kong dumilim ang awra ni Romano. “Huwag ka nang magkunwari, Rossa. Alam mo sa sarili mong guwapo talaga ako. I could see the admiration in your eyes. Hindi mo naman kailangang itago. Isa pa, it’s your decision if you want to be my permanent wife. Sinabi ko na sa iyo hindi ba? Walang problema sa akin kung maging asawa na kita ng panghabang-buhay,” pagbibigay-diin niya. Napahinto ako sa paglalakad palabas sana ng pintuan ng silid. “I have my real fiancé, Romano. Siya talaga ang gusto kong pakasalan pero sinira mo ang mga plano namin. Ngayon, araw-araw akong makukonsensya dahil niloko ko siya at ipinagkaloob sa iba ang puri ko. Pero hindi ko iyon ginusto. Gayunpaman, sigurado akong hindi siya maniniwala,” masamang-masama ang loob na tugon ko. Kinabahan ako nang marinig kong naging marahas ang paghinga niya, at tumalim ang mga mata niya. Pero hindi ko alam kung para saan ang galit niya. “Don’t you f*****g dare cheat on me, Rossa. Papatayin ko sa harap mo ang lalaking iyon at hindi mo kailanman magugustuhan ang parusang ibibigay ko sa iyo. You already scammed me once, and if you do it again, I will really make your life a living hell. Tandan mo, walang sinumang lalaki ang puwedeng lumapit o humawak sa iyo maliban sa akin. Hangga’t kasal tayo at hindi mo pa natutupad ang kasunduan natin mananatili ang usapang iyan!” mariing pahayag niya. Bumagsak na naman ang balikat ko. Mas bumigat pa ang dibdib ko at gusto ko na namang maiyak. Akala ko pa naman kaninang ipinagtanggol niya ako ay mas babait na siya sa akin. Wala pa rin naman palang ipinagbago ang kademonyohan niya. “Kailangan ko pa rin siyang makausap, Romano. May pinagsamahan pa rin kami ni Austin. At hindi niya deserve na bigla na lang mawalan ng fiancée dahil lang sa mahina ako at naging biktima ng isang demonyong tulad mo!” sumbat ko sa kaniya. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinaklit ang braso ko. Napangiwi ako na nasabayan ng daing dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. “Ikaw ang nanloko sa akin pagkatapos mong makuha ang pera ko. Sinusulit ko lang ang ibinayad ko sa iyo! Pasalamat ka at talagang maganda at sexy ka. At least hindi sayang ang dalawampung milyong ibinayad ko sa iyo!” galit niyang sambit saka marahas akong kinabig at sinibasib ng halik. “No! R-Romano, huwag!” pagpupumiglas ko. Bigla na naman akong nakaramdam ng takot dahil baka galawin na naman niya ako ng marahas at sapilitan. “f**k! Why does kissing you so addicting?!” Usal niya at dumiin pa ng husto ang paghalik niya sa akin. Nananakit na ang mga labi ko at pakiramdam ko ay magdurugo na ang mga iyon. “Romano, hindi talaga ako ang nanloko sa iyo, maniwala ka!” umiiyak at hinihingal kong saad nang pakawalan na niya ang mga labi ko. “Hindi magkakamali ang mga tauhan ko, Rossa! Tigilan mo na ang pagpapanggap dahil buking ka na. Hindi mo na ako maloloko ulit!” angil naman niya sa akin. Nauwi na sa paghikbi ang mga pagluha ko. Paano ko nga ba kaya mapatutunayan sa kaniya na hindi talaga ako ang nang-scam sa kaniya? Ni hindi ko nga alam ang sinasabi niyang dating site na iyon. Pinilit ko ang sariling huminto sa pag-iyak dahil gusto ko na talagang umuwi at makita ang mga magulang ko. Kailangan ko ang yakap nila dahil pakiramdam ko’y para akong nalulunod at unti-unti nang nawawalan ng buhay dahil sa kawalang pag-asa. Sa buong biyahe ay naging tahimik lang ako. Magkatabi kami ni Romano pero sinikap kong huwag mapalingon man lang sa gawi niya. Dalawang sasakyan ang nakasunod sa amin at mayroon ding isa sa harapan. Bakit nga ba napakaraming bodyguards ng lalaking ito? Ganito ba talaga siya araw-araw kapag lumalabas? Wala akong anumang alam tungkol sa kaniya, at wala rin akong balak alamin. Pero parang mas nakakatakot kung wala man lang akong kaalam-alam tungkol sa kaniya. Paano kung hindi siya tumupad sa usapan? Paano kung patayin niya ako pagkatapos kong maibigay ang anak na gusto niya? Bigla akong nanlamig sa kaisipang iyon. Ni hindi nga siya nagdalawang-isip na pagbantaan ang buhay ng mga magulang ko, kaya hindi rin malayong magawa nga niya ang bagay na iyon. “Malapit na tayo sa inyo. Make sure you won’t do something stupid my little wife. You might regret it later,” may pagbabantang paalala niya. Napalunok naman ako. Sa ngayon ay mas matinding takot na ang nararamdaman ko kay Romano. “Hindi ako tanga. At mas lalong hindi ko ipapahamak ang mga magulang ko. Siguro nga mas malakas at mas makapangyarihan ka sa akin. Pero naniniwala ako sa Diyos. Ito ang tatandaan mo, Romano, pagbabayaran mo rin ang lahat ng pinaggagawa mo sa akin!” nagtatagis ang mga ngiping pahayag ko. Kasabay din niyon ang pagbalong ng mga luha ko sa matinding galit at takot. “I only equaled the betrayal that you did to me!” pagmamatigas pa niya. Pairap na lamang akong nag-iwas ng tingin. Wala na rin namang kuwenta kung makipagtalo pa ako sa kaniya. Nang huminto na ang sinasakyan namin sa harapan ng gate ng bahay ay tumindi ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ng mga magulang ko, pero kailangan kong magkunwaring masaya. Kung hindi ay mag-aalala sila at iyon ang ayaw kong mangyari. “Let’s go!” Inilahad sa akin ni Romano ang kamay niya nang makababa na siya sa sasakyan. Napalingon ako sa labas at kita kong nakatayo na rin sa tabi ng mga sinakyan nila iyong mga bodyguards. Lahat sila ay nakasuot ng gray na pantalon at itim na polo shirt. Lahat din sila ay nakasuot ng dark shades. Hindi pare-pareho pero wala ni isa sa kanila ang kakikitaan ng mga mata nila. Ngunit mas napalunok ako nang mapansin na ang ilan sa kanila ay may dalang baril. Tinanggap ko ang kamay ni Romano at inalalayan niya akong bumaba ng sasakyan. Bakit naman kasi napakalaki at napakataas ng sasakyan na ito? Inis kong naisaisip. “Bakit ba kailangan pa ng napakaraming bodyguards, eh, dito lang naman tayo sa bahay pupunta? Saka bakit may mga dala pa silang baril? Tingnan mo nga, pati mga kapitbahay namin naglalabasan na. Mamaya isipin pa nila nagpakasal ako sa lider ng isang sindikato!” paasik na tanong at komento ko. Kumunot naman ang noo ni Romano at nanliit ang mga mata. Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. “I am a businessman and it’s only natural for me to bring lots of bodyguards. You know, I need to protect myself from people that will bring me danger because they wanted my money,” nakangising sagot naman niya. Bakas ang panunuya sa tono niya kaya napabuntong-hininga na lang ako. Pilit kong binabawi ang kamay ko mula sa kaniya pero hindi niya ito binitiwan. Nilingon ko siya at tiningnan ng masama. “Just walk, my wife. People are watching. Kailangan nating magmukhang sobrang in love sa isa’t isa, remember?” tila nang-aasar na naman niyang saad kaya lalong kumulo ang dugo ko. Plano yata talaga ng lalaking ito na buwisitin ako araw-araw. Isang marahas na pagbuga ng hangin ang ginawa ko bago muling humarap sa nakabukas ng gate. Pumasok kami roon at agad namang sumunod iyong ibang bodyguards. Iyong iba naman ay naiwang nakatayo pa rin sa tabi ng mga sasakyan. Damang-dama ko na naman ang malakas na kabog ng dibdib ko. Ilang beses na akong napapalunok sa matinding kaba. May nginig ang kamay ko kaya si Romano ang pumihit ng seradura para buksan ang pintuan ng bahay namin. Weekend ngayon kaya siguraodng nandito pareho sina Mama at Papa. “Tuloy ka,” mahinang tawag ko kay Romano. Tumango lamang ito saka nilingon ang mga tauhan niya. “Maiwan na kayo rito sa labas. Parating na rin iyong catering service na nirentahan ko. Kayo na ang mag-assist sa kanila. Maluwang itong bakuran nina Ma’am Rossa ninyo kaya puwedeng dito na itayo ang temporary tents,” utos niya sa mga ito. Nagulat naman ako. “Ano’ng sabi mo? Anong catering? Saka bakit magtatayo ng mga tent?” nalilitong usisa ko. Matamis naman siyang ngumiti sa akin kaya lalong nagsalubong ang mga kilay ko. “Rossamae? Rossa, anak, ikaw ba iyan?” Napalingon ako nang marinig ang tila gulat na gulat na boses ni Mama. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bumitiw ako sa pagkakahawak ni Romano at tinakbo ang kinaroroonan ni Mama. Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak nang umiyak. Hindi ko talaga napigilan at maging ang mga hagulgol ko ay kusang lumabas. “O? Bakit ka umiiyak? Ano’ng nangyayari sa iyo?” napapatdang tanong naman ni Mama. Pero hindi ako nakasagot. Wala akong lakas na sumagot dahil isa lang ang kaya kong gawin sa ngayon. At iyon ay ang umiyak nang umiyak. “Sino ang dumating at– Rossa?” Saglit na huminto ang malakas kong pag-iyak nang marinig ang boses ni Papa. Lumipat naman ako sa kaniya para yumakap din. Mahigpit din namang tinugon ni Papa ang yakap ko kaya lumakas na naman ang paghagulgol ko. “Papa…” sambit ko. hindi na ako makahinga sa sobrang sama ng loob ko. gustong-gusto kong magsumbong. Gusto kong sabihin sa kanila ang lahat ng hinanakit ko, ng takot at galit ko dahil sa mga ginawa sa akin ni Romano. Ngunit ang lahat ng iyon ay nauwi lang sa pag-iyak. Alam ko, kapag nagsumbong ako, mapapahamak lang sila. “Magandang araw po. Pasensiya na kung ngayon lang po kami nakadalaw ni Rossa sa inyo. At pasensiya na rin po kung hindi ko muna siya naipagpaalam sa inyo bago kami nagpakasal. Masiyadong mabilis po ang mga pangyayari. Alam ko pong nakapagpakilala na ako sa inyo sa telepono, pero magpapakilala po ako ngayon ng personal,” narinig kong sabi ni Romano. Kung puwede lang talaga, ang sarap niyang murahin sa kaipokritohan niya. “Ikaw ba si Romano?” medyo gulat na tanong ni Mama. Tumango naman si Romano. “Opo. Ako po si Romano Mikelle De Cena Almeda. Ako po ang CEO ng Almeda Real Estate Company at ang napangasawa ni Rossa,” pakilala ni Romano sa sarili. Napanganga ang mga magulang ko at mabilis na napuno ng paghanga ang mga mata nila para kay Romano. Sa totoo lang nasha-shock ako sa pagiging magalang at banayad ng boses niya. Malayong-malayo sa Romano na maawtoridad at malamig makipag-usap sa akin. Kapag titingnan siya ngayon ay hindi mo talaga iisiping magagawa niya sa akin ang lahat ng iyon. Bumuntong-hininga si Papa at kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kaniya. Tinuyo ko ang luha sa mukha ko sa pamamagitan ng mga palad ko. “Maupo tayo. Ako man ay labis-labis na nabigla nang malaman kong nagpakasal nang biglaan ang panganay ko,” seryoso at bakas ang galit na sagot ni Papa. Tumango naman si Romano at hinawakan na naman ang kamay ko. Sumunod kami kina Mama at Papa sa sala. “Sabihin mo sa amin ang totoo, anak. Nagpakasal ka ba agad kay Romano dahil sa ginawa nina Austin at Akhira?” seryoso ngunit puno ng pag-aalalang tanong ni Mama. Nagulat naman ako sa tanong na iyon dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. “Bakit, Ma? Anong ginawa nina Austin at Akhira?” Kumunot naman ang noo ni Mama at maging si Papa ay halatang nagulat din sa tanong ko. Lalo tuloy akong naguguluhan dahil hindi nila sinasagot ang tanong ko. “Hindi mo pa ba alam? Aba, eh, kalat na kalat na iyon dito sa buong lugar natin,” tila hindi naniniwalang tanong ni Papa. “Kaya nga kinakabahan ako nang biglang tumawag si Romano sa amin at sabihing nagpakasal ka sa kaniya. Hindi na kami nagtanong pa ng kung ano-ano dahil iniisip naming ginawa mo iyon dahil sa matinding sama ng loob,” pagpapatuloy pa ni Papa na lalong nagpagulo ng isip ko. Si Romano naman ay nanatiling nakamasid lang at inoobserbahan ang reaksyon ko. “Ma, Pa, ano po bang pinagsasasabi ni’yo? Hindi ko po kayo nage-gets,” kulang na lang ay reklamo ko na. Masama na nga ang loob ko nagge-guessing game pa kami rito. “Wala ka talagang nalalaman?” naninigurong tanong pa ni Mama. Agad akong umiling. “Wala po talaga, Ma,” paniniguro ko sa kaniya. Magsasalita pa lang sana ulit si Mama nang may kumatok sa pintuan. Nagkatinginan pa sila ni Papa ngunit sa huli ay si Papa rin ang tumayo para buksan ang pintuan. “Sir, nandito na po ang catering service. Magsisimula na po silang i-setup ang lugar,” narinig naming pagbibigay-alam ng isa sa mga bodyguards ni Romano. “Ah, ako po ang nagpapunta sa kanila rito,” biglang sabi ni Romano. “Para saan, hijo?” tanong ni Mama. “Gusto ko lang pong magkaroon tayo ng kaunting celebration ng kasal namin ni Rossa. Puwede ni’yo pong imbitahan ang lahat ng gusto ni’yo pong pumunta,” masiglang tugon ni Romano. Pare-pareho kaming napaawang ang mga labi habang si Papa naman ay lumabas para asikasuhin ang mga bagong dating. “Ganoon ba? Aba’y napakabait mo pala. Ilang taon ka na pala, Romano?” tanong ni Mama. Maging ako ay napatingin kay Romano dahil hindi ko nga rin pala alam kung ilang taon na siya. Nag-iwas ng tingin si Romano at bahagya pang napalunok. Naging alanganin din ang ngiti niya kaya nagtataka ako. “41 po,” medyo mahinang sagot niya. “41 ka na?” gulat na gulat na tanong ko. Gosh! Nine years lang pala ang tanda nina Mama at Papa sa kaniya. Pero bakit gano’n? Hindi naman siya mukhang 41. “Hindi mo talaga alam, anak?” Napalingon naman ako kay Mama dahil parang mas nagulat pa yata siya sa reaksyon ko kaysa sa naging sagot ni Romano. “Ah, alam ko po, Ma. Nagjo-joke lang po ako kay Romano,” palusot ko naman. Hindi puwedeng makahalata si Mama na wala akong alam tungkol kay Romano. “Ikaw talagang bata ka,” naiiling na saad ni Mama. “Paano nga pala kayo nagkakilala ng anak ko?” dagdag naman niyang tanong. “Medyo matagal na rin kaming magkakilala ni Rossa. Naging kliyente ng pinagtatrabahuhan niya ang isa sa mga kilyente rin namin,” mabilis na sagot ni Romano. Nakahinga ako ng maluwag dahil nablangko ako sa tanong na iyon ni Mama. “Gano’n ba? Pero sana naman, kahit secret ang wedding ninyo, isinali ni’yo pa rin kami. Hindi naman kami tututol kung sakali. Mabuti na nga lang at ikaw ang napangasawa ng anak ko at hindi ang manlolokong Austin na iyon!” halatang napopoot na pahayag ni Mama. Nabalik na naman kami sa topic na iyon kaya gumana na naman ang curiosity ko. “Ma, kanina ni’yo pa po binabanggit iyan. Ano po ba’ng ibig ninyong sabihin?” pag-uusisa kong muli. Doon muling lumungkot ang mukha ni Mama pero hindi nawala ang galit mula pa kaninang mabanggit muli si Austin. “Iyong gagong fiancé mo at iyong best friend mong si Akhira, matagal ka na palang niloloko. Aksidente lang naming nalaman ng Papa mo dahil kapitbahay pala ng isa sa mga teachers ko ang nag-aalaga sa anak nila,” may diing pagkukuwento ni Mama. Sa matinding gulat ay napatayo pa ako sa kinauupuan at mabilis na napuno ng galit ang puso ko. Umalon ang dibdib ko sa mabilis na pagtataas-baba nito. “A-ano pong ibig ninyong sabihing anak, Ma?” ngayon ay nagbabanta na naman ang pagbuhos ng mga luha ko. Sunod-sunod na kirot sa puso ko ang umatake sa akin. “May anak si Austin kay Akhira at magtatatlong taon na nga ang bata. Ibig sabihin, noong alukin ka ng kasal ni Austin dalawang taon na ang nakalilipas ay nabuntis na niya ang best friend mo,” patuloy pang pagsasalaysay ni Mama. Hindi ko namalayang nanghina ang mga tuhod ko at halos mitumba na ako. Mabuti na lamang at mabilis akong nasalo ni Romano at tinulungan upang muling makaupo. Lalong sumakit ang dibdib ko dahil kailangan kong pigilan ang maiyak. Alam na nilang kasal na ako kay Romano kaya hangga’t maaari ay hindi nila dapat mahalatang apektado pa rin ako sa mga nalaman ko. “Napakawalanghiya nila. Mga traydor!” nabasag na ang boses ko at kahit anong pigil ang gawin ko ay bumuhos pa rin ang mga luha ko. “Hayaan mo na ang mga iyon. Ilang beses na pumunta rito ang lalaking iyon dahil gusto kang makausap. Magpapaliwanag daw. Pero sabi ko, may asawa ka na at anytime ay dadalhin mo na rito. Awa ng Diyos, sa loob ng tatlong araw, hindi naman na siya bumalik,” napopoot pa ring saad ni Mama. “Huwag mo nang isipin iyon. We can have a grand wedding that the whole world can know if you want,” maya-maya ay pang-aalo sa akin ni Romano. “Naku, gusto ko iyan! Hindi ba sabi mo, CEO ka? pamukhaan natin ang Austin na iyon at ang best friend niya. Ang kapal din ng mukha ng babaeng iyon. Mula pa noong high school kayo, ikaw ang takbuhan niya sa lahat ng bagay. Tapos nagawa ka pang lokohin ng gano’n? Naku, napakawalanghiya din naman niya talaga!” galit na galit pa ring litanya ni Mommy. Napabuntong-hininga naman ako. Hindi na ako nagsalita pa. Sa totoo lang, hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin. Masiyadong magulo pa ang isip ko ngayon dahil kahit papaano ay minahal ko rin naman si Austin. Inihanda ko ang sarili ko na dapat sana ay para sa kaniya lang. Masayang-masaya ako dahil nirerespeto niya ako at hindi pinipilit na mag-s*x kami. Iyon naman pala kasi ay dahil iyong kaibigan ko na ang ikinakama niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD