“Huwag po kayong mag-alala, Ma’am. Sa hitsura pa lang ni Sir at sa klase ng tingin niya sa inyo, malakas ang pakiramdam kong mahal na mahal niya kayo!” bigla ay masayang bulalas niya na nagbalik ng isip ko sa reyalidad. Napangiwi ako kasi gusto kong matawa sa sinabi niya. Imposible ang sinasabi niya kasi alam kong hindi ako mahal ni Romano. Oo, sinabi niyang gusto niya ako, pero hindi ibig sabihin no’n na mahal niya ako. Alam kong ang gusto lang sa akin ni Romano ay ang mabigyan ko siya ng anak. Maliban doon, wala ng iba pa. Kahit binigyan niya ako ng malaking shares sa kumpanyang ito ay siguradong ginawa lang naman niya iyon para rin sa batang ipagbubuntis ko kung sakali. “Ma’am? Okay lang po ba kayo?” Bahagya pa akong nagulat nang muling agawin ni Cheska ang pansin ko. Tumikhim ako

