Makalipas ang dalawa pang araw ay umuwi na kaming muli sa bahay ni Romano. Sumalubong agad sa amin ang mayordoma niya na umiba agad ang timpla nang mapadako ang tingin sa akin. “Good afternoon, Sir! Katatawag lang po ng Mommy ni’yo para ipaalala ang oras ng party ni Ma’am Zia bukas,” masayang pagbabalita ni Love Bel sa kaniya. Kung kausapin niya si Romano ay parang wala ako rito. Hindi ko na lang pinansin at dumiretso na sa pagpasok para umakyat sa kuwarto namin. Simula ngayon, hindi ko na lang papansinin ang mga taong ayaw sa akin. Kung ayaw nila ako, dapat ay wala rin akong pakialam sa kanila. Hindi ako nabubuhay para lamang pasayahin sila. “Rossa, may gusto ka bang ipahandang hapunan?” Napahinto ako nang marinig ang tanong ni Romano. Napangiti naman ako at biglang nakaisip ng kaunt

