“Assuming! Ikaw lang ang nag-iisip no’n,” angil ko pa ulit. Mahina naman siyang tumawa. “Hindi ka magagalit nang gano’n kung hindi ka nagseselos. Kunwari ka pa kasi. Huwag kang mag-aalala, Rossa, sa iyo lang ako. Sabi ko nga sa iyo hindi ba? I can be your permanent husband,” hindi nagpapatalong sambit pa niya. Mariin akong napapikit dahil sa pagkaaburido. Ano ba ang gagawin ko sa lalaking ito na napakataas ng bilib sa sarili? Guwapong-guwapo sa sarili niya, napaka-feeling! Pumunta kami sa isang ice cream shop na may tinda ring iba’t ibang klase ng tinapay at mga smoothies. Bigla akong natakam lalo na at mainit pa naman ang panahon. “Ano’ng gusto mong order-in?” baling niya sa akin pagkatapos tingnan ang menu. Ako naman ay nakatingin sa listahan ng mga ino-offer nilang mga ice cream a

