Chapter 12 Words vs. Actions

2216 Words

Pagdating ko sa opisina ay nagulat pa si Ma’am Angelica nang makita ako. “Good morning po, Ma’am Angelica,” masayang bati ko sa kaniya. “O? One month ang leave mo, bakit nandito ka na agad?” nakangiting tanong niya nang makahuma mula sa pagkagulat. “Na-miss ko lang po, Ma’am ang work ko. Hindi po talaga ako sanay na hindi nagtatrabaho,” pagdadahilan ko naman. “Ha? Hay naku, umuwi ka na. Ikaw talaga. Nasa honeymoon stage ka pa lang at huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano. Hindi kita tatanggalin sa trabaho mo kaya huwag kang mag-alala,” natatawang sagot naman ni Ma’am Angelica. Pilit naman akong ngumiti kahit medyo alanganin. “Salamat po, Ma’am,” tugon ko pa rin. “Ikaw, ah, hindi mo man lang kami inimbitahan sa kasal mo. Tapos, kay Mr. Romano Mikelle Almeda ka pa naman pala nagpa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD