Third Person POV “Magaling, Mang Lauro! Nagkakagulo na ang lahat ngayon dahil sa mga pasabog ninyo. Siguradong umiikot na ang tumbong ni Romano ngayon,” nakangising saad ni Austin. Kaunting push pa at siguradong ang taong-bayan na ang makakalaban ng Romano na iyon. Si Mang Lauro ang kapitbahay ng boarding house na tinitirahan nina Josephine noon. At totoong nakita niyang may kasamang lalaki si Josephine nang umuwi ito noon pero hindi daw siya sigurado talaga kung si Romano nga iyon. Pero sa tamang halaga at sa relo na ibinigay ng Mommy mismo ni Romano sa matanda ay tagumpay nilang napalabas na si Romano nga iyon. “Sir, hindi naman po pala makukulong ang Romano na iyon kahit na nagsalita na ako. Bakit pa po natin ito ginawa?” tanong ni Lauro kay Austin. “Ang mahalaga ay makita ng lahat

