Lumipas pa ang ilang linggo sa pagsasama namin ni Romano. Halos araw-araw akong masaya at talagang alagang-alaga niya ako. Pakiramdam ko isa akong reyna talaga sa pagtratong ginagawa niya sa akin. Ngayon nga ay ang araw para bumalik na ako sa trabaho. Kababalik lang din ni Love Bel sa bahay ni Romano kaya hindi na naman maitago ng mga katulong dito ang pagkadismaya. Para, sa kanila, parang impiyerno ang buhay nila kapag naririto si Love Bel. “Ihahatid na kita sa workplace mo. Bakit kasi hindi ka na lang sa akin magtrabaho,” malambing na ungot ni Romano. Yumakap pa siya sa akin mula sa likuran at ipinatong ang baba sa balikat ko. Tiningnan ko siya sa repleksyon namin sa salaming nasa harapan namin. “Romano, napag-usapan na natin ito. Ang trabaho ay hindi lang tungkol sa sweldo. Identity

