Chapter 2 Tricked

2981 Words
Romano’s POV “Did you lay again?” natatawang tanong ng pinsan kong Si Sandro sa akin. Sandro De Cena is my cousin. Among all my cousins, he is the closest to me. “I always do, just like you. Ang pagkakaiba lang natin, habang nakikipag-s*x ka sa ibang babae, pangalan ni Marisol ang tinatawag mo,” ganting pambubuska ko sa kaniya. Tinaliman naman niya ako ng tingin kaya lumakas ang tawa ko. “Kumusta na ba ang pagpapalipad-hangin mo sa anak ng best friend mo? Don’t you think she’s too young for you?” natanong ko pa. Dinadaan ko lang sa biro pero seryoso ako. Palagay ko kasi ay malakas na talaga ang tama ng pinsan ko sa babaeng iyon. Simula kasi noong magloko ang unang asawa niya ay naging mainitin ang ulo ni Sandro at kung sino-sino na ang mga babaeng ikinakama. That is also another reason why I don’t like to get married. But my family and this society think differently. Kapag wala kang asawa o anak kahit marami ka pang pera at successful sa career ay parang hindi kumpleto ang pagkatao mo. Mga baluktot na pag-iisp na pati ako ay naiirita nang pakibagayan. “I already have her under my care. Huwag mo nang pakialaman ang love life ko. Iyang sa iyo ang atupagin mo dahil siguradong ikaw na naman ang tampulan ng tuksuhan sa reunion bukas,” naiiling na tugon niya sa akin. Doon naman ako marahas na bumuntong-hininga. Ano ba kasi ang problema ng pamilya at mga kamag-anak namin at kailangang mag-asawa na ako. Yes, I have a brother and a sister who are both married and have one child each. At dahil ako ang panganay, lagi nilang ipinagpipilitan na dapat ay ako pa nga raw ang unang nag-asawa. I am already 41 years old. But I don’t feel like I am already old. I am enjoying my life, especially my career as the CEO of our corporation, the Almeda Real Estate Company. But my dad kept on insisting na kapag hindi pa ako mag-aasawa, ibibigay niya sa kapatid kong si Ronan ang posisyon ko bilang CEO. Dugo at pawis na ang ibinubo ko para lalong palaguin ang kumpanya kaya hindi ako papayag na mapunta lang ito sa iba, kahit kapatid ko pa. But my father still holds the highest share in the company that’s why I couldn’t defy his orders. Matatahimik at mapapanatag na lang siguro ako kapag na-finalize na ang inheritance naming magkakapatid. “Gagawan ko na ng paraan iyan. Naririndi na rin ako sa kabubuyo nilang mag-asawa na ako!” paangil na sagot ko. Muli akong pinagtawanan nito. “I can introduce you to some ladies if you want. Ano ba talaga ang tipo mo sa babae?” nakangising tanong ni Sandro. Inirapan ko siya. “I don’t have any particular standards for women. Para sa akin, pare-pareho lang ang mga iyan. Ang habol lang nila sa akin ay ang kaguwapuhan ko, pera at impluwensiya. They’re all the same!” Nilagok ko ang natitirang alak na laman ng baso ko. Tinitigan ako ni Sandro na parang nakakaloko. “They are not the same, Romano. Hindi mo pa nga lang talaga siguro natatagpuan iyong makakapagpatibok sa puso mo. At kapag nakilala mo na siya, I tell you, you will worship her like a crazy teenager on his first crush,” pahayag pa nito. Agad ko naman siyang inilingan. “Huwag mo akong igaya sa iyo, Sandro. I don’t believe in love or anything like that. Love is only for the weak and those who wanted to indulge themselves with the idea. Look at my parents, their marriage was arranged, but still they were able to live just fine. They even have us. Kaya huwag mo nang ipasok sa isip ko iyang mga ganiyang walang kuwentang bagay,” pagbabalewala ko sa mga tinuran niya. Pero mahina siyang tumawa at tinapik pa ang balikat ko. “I don’t know, cousin. Huwag kang magsasalita ng patapos,” anito. “By the way, mauna na ako. Magkita na lang tayo sa reunion bukas.” Tumayo na ito pagkatapos magpaalam. Tumango naman ako sa kaniya. “Sige. Kapag tinamad ako, baka hindi na lang din ako pupunta roon,” sagot ko at muling tumungga ng alak. “You know you can’t do that! Ang mas mabuti pa, umpisahan mo nang humanap ng mapapakasalan bago ka sipain ni Tito sa kumpanya ninyo. Sabagay may iba ka pa namang mga businesses kaya I’m sure hindi ka naman maghihirap kung sakali,” pang-aasar an naman nito sa akin. “Gago! Ako lang ang magmamana ng kumpanya namin. Sige na umalis ka na nga! Sisirain mo pa ang gabi ko,” taboy ko sa kaniya. Kumaway lang ito sa akin at tinawanan pa ako bago tuluyang umalis. Kinaumagahan ay inutusan ko ang personal assistant kong si Rommy na ihanapan ako ng legit na dating site at doon na lang ako titingin kung sino ang puwede kong pakasalan. I don’t mind marrying a stranger as long as she doesn’t have any disease or dark background. “Noted, Sir. Gagawin ko na ngayon and I will present the best choices later,” magalang na tugon naman nito. Bakas ang tila excitement sa tono niya kaya kumunot pa ang noo ko. Tumango pa rin ako at ipinagatuloy na ang ginagawa. Mayroon akong binibiling malaking properties ngayon na puwedeng pagpatayuan ng isang shopping mall. Everyone is eyeing that location because it’s a sure thing for any business endeavors. Pagkatapos ng tanghalian ay may sampung folders na ang nakalatag sa lamesa ko. Mukhang walang ibang ginawa si Rommy ng buong umaga kung hindi ang ipinag-uutos ko lang sa kaniya. Isa-isa kong pinasadahan ang mga profile na naroroon. All of them are surely pretty, but someone caught my eyes. Pinulot ko ang folder na kinalalagyan ng magandang mukha ng isang dalagang nagngangalang Rossamae Lopez. I like how innocently looking she is. I checked her background. She just graduated interior design and currently working at Lace’s Homes. She is 22. Tumaas ang kilay ko. Still too young for me, but I like her face. I hope she got an incredible body, too. But it doesn’t matter as long as she can bear a child for me. She has that beautiful round eyes and heart-shaped face. Her lips are full and so inviting. By just merely looking at her, I could say that she really is the prettiest among all the candidates here. Tinawagan ko agad si Rommy sa intercom. “May napili na ba kayo, Sir?” masiglang tanong nito agad sa akin. Tumango naman ako. “I want this one. Make sure to contact her and present all our proposals. Did you say I was looking for a wife and not just a girlfriend?” pormal kong tanong. Tumango naman ito. “Yes, Sir! I gave the full details for each one of them.” Ako naman ang tumango at napangiti. Muli kong sinulyapan ang mukha ng babaeng nasa larawan. “Contact her now and tell her that we will have the wedding ceremony, ASAP,” utos ko kay Rommy. Saglit na umawang ang mga labi nito ngunit kapagdaka ay sunod-sunod ding tumango. “Okay, Sir! Siya nga po pala, tumawag na ang Daddy ni’yo at ibinilin na alas-tres daw po magsisimula ang reunion. Hindi ni’yo yata nasagot ang tawag niya kaya sa akin na po siya tumawag,” pagbibigay-alam naman niya sa akin. Sa totoo lang, sinadya kong huwag sagutin ang tawag ni Daddy. Kinakabahan ako na may irereto na naman siya sa akin. Tinanguan ko si Rommy at sa pagkakataong ito ay nakangiti na ako. Finally, titigilan na rin nila ako sa katutukso nila na mag-asawa na ako. At least my future wife is so pretty. “Fine. Sige na, asikasuhin mo na iyan,” sabi ko lang. Makalipas ang isang oras ay muling bumalik si Rommy sa opisina ko. Paalis na ako para dumalo sa reunion. “Sir, she’s demanding for twenty-million pesos as advanced payment,” medyo alanganin ang ngiting pagbabalita niya sa akin. Kumunot naman ang noo ko. “Ang laki naman yata? Saka hindi ba puwedeng magkausap muna kami ng personal?” medyo nagulat kong tanong. O baka ganoon talaga ang kalakaran at ako lang itong walang kaalam-alam? “Sir, take it or leave it daw po, eh. Mukhang maraming gustong makakuha sa babaeng iyon,” napapakamot sa ulong tugon nito. Napapikit ako at napahilot sa sentido ko. Pati pala ang kumuha ng mapapangasawa ngayon ay magastos na rin. But I am Romano Mikelle Almeda. Hindi puwedeng matalo ako ng kahit sino. Kaya ako dapat ang makakuha kay Rossamae. Isa pa, hindi na ako interesadong pumili ng iba. I think she’s the best candidate for me. “Fine. You wired the money to her and tell her to meet me tonight. Kailangan naming pag-usapan ang detalye ng kasal para matapos na iyon sa lalong madaling panahon. I will introduce her to my family next week after the wedding,” nagmamadaling sagot ko. Mababa ang twenty million kumpara sa mamanahin kong kumpanya mula sa mga magulang ko. “Bakit next week pa, Sir? Hindi ni’yo po ba iimbitahan ang pamilya ni’yo sa kasal ni’yo kung sakali?” nalilitong tanong naman ni Rommy. Mabilis akong umiling. “I do not like a big wedding. This is just a wedding for convenience. Kapag nakapangalan na ng tuluyan sa akin ang buong kumpanya puwede na rin kaming maghiwalay ng babaeng iyan,” saad ko. Natawa naman siya sa isinagot ko at napapailing na lang. Mahigit sampung taon nang nagtatrabaho sa akin si Rommy kaya kilalang-kilala na niya ako. Pagdating ko sa reunion party ay agad natuon sa akin ang atensyon ng lahat. Ngunit hindi ko sila pinansin at dumiretso ng tingin sa mga magulang ko na kasama ang mga lolo at lola ko. “You’re late again!” sermon agad ni Daddy sa akin. Bumuntong-hininga ako. “I have tons of work in the office, Dad. You know how workaholic I am,” simpleng tugon ko. Bumati rin ako kina lolo at lola. Si Mommy ay humalik sa pisngi ko nang lumapit ako sa kaniya. “I am only giving you this year to find a wife and produce an heir. Kapag hindi mo iyon magawa I will make sure that–” “I already have a wife, Dad!” deklara ko. Natahimik silang lahat. Maging ang mga nasa kalapit na lamesa ay napatingin sa amin. I rolled my eyes because they’re like crazy people gawking at me. “What? Are you trying to make a fool out of yourself now, Romano? Don’t tell me you will just grab any woman on sight and marry her? Status is still very important. She should at least equal our standing in the society!” nakataas ang kilay na pahayag ni Mommy. Halatang may halong insulto iyon. “Hindi na ako bata para pakiaalaman ni’yo pa kung sino ang gusto kong pakasalan. Ang mahalaga, I already have a wife and all of you should just shut up!” galit ko nang pahayag. Hindi na nakakatuwa ang mga pamimilit nilang mag-asawa na ako. Besides, I already saw the face of Rossamae. She’s very pretty, so I’m sure she could provide me a good-looking heir. “Still, I want to meet that woman. Saka, ikaw ang panganay. You deserve a grand wedding where all our relatives and friends are invited. Did you marry her already or it’s not yet happening?” curious na tanong pa ni Mommy. Hindi na ako sumagot pa at sa halip ay magalang na lang na nagpaalam sa kanila. Nakita ko na si Sandro at ang ilang mga pinsan namin kaya doon muna ako. Kinagabihan ay hindi ko maintindihan kung bakit excited akong makita sa personal si Rossamae. If I can bed her tonight, then it’s even better. Ngunit lumalalalim na ang gabi ay hindi pa rin siya dumarating, kaya tinawagan ko na si Rommy. “Ho? Alas-otso naman ang sinabi kong oras sa kaniya, Sir. Tinawagan ni’yo po ba ang ibingay kong number?” gulat na tanong naman nito sa akin nang sabihin kong wala pa rin si Rossamae. “I did. But it is out of reach!” inis na sagot ko. “What if she backed out? f**k! It can’t be because I already told my family about her. Ayaw kong mapahiya!” umiigting na ang mga pangang sabi ko. “Wait lang, Sir at tatawagan ko po ulit,” tila kinakabahang saad naman nito. Tinapos ko ang tawag at kumuyom ang kamao ko na nasa ibabaw ng mesa. Napipikon na rin ako dito sa crew na ilang beses nang bumabalik-balik sa lamesa ko para kunin ang orders ko. I couldn’t decide what to order because I do not know what food Rossamae prefers. Dalawang oras pa ang lumipas at walang dumating na Rossamae. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naghintay ako sa isang babae. Women are always lining up for me, but tonight I was stood up. Hindi ko halos masukat ang galit na nararamdaman ko ngayon. Ginawa rin ni Rommy ang lahat para makontak ito pero bigo siya. Ngayon naman ay sa website na siya nagco-complain. It was so embarrassing, and I couldn’t take this f*****g humiliation! Nang sumunod na mga araw ay nakarating sa pamilya ko at mga kaibigan ang kahihiyang sinapit ko. Hindi ko rin alam kung paano nila nalaman pero ngayon ay sobrang disappointed sila sa akin. Lalo na si Daddy na hindi makapaniwalang sinuong ko ang ganito katinding kahihiyan para lang makakuha ng mapapangasawa. “Sir, may bisita po kayo.” Napaangat ang mukha ko nang marinig ang boses ng sekretarya kong si Daisy. ilang araw ng mainit ang ulo ko kaya lagi silang kabadong humarap sa akin. Hindi rin muna ako tumatanggap ng kahit na sinong bisita ngayon lalo na kung rin lang kinalaman sa negosyo ang sadya nila sa akin. “Si Ma’am Lucky Ann po. Hindi daw po siya aalis hangga’t hindi ni’yo siya hinaharap,” nahihintakutang tugon nito. Nagtagis nag mga ngipin ko at inis akong nagbuga ng hangin. Kita kong napalunok si Daisy at lalong kinabahan. “Sige, patuluyin mo. Maghanda ka na rin ng mamimeryenda niya,” pagpayag ko na lang. Lucky is one of my college friends and I know she won’t give up when she wanted something. “Okay po, Sir.” Magalang na itong nagpaalam para lumabas. Kasunod niyon ay ang pagpasok naman ni Lucky. She’s wearing a tight black dress and a pair of boots. “What are you doing here? I’m busy,” malamig na saad ko agad sa kaniya. Pero tinawanan niya lang ako. “Of course, you’re busy! Kaya nga pati dating site pinatulan mo na,” sarkastikong sagot nito. Napamura na naman ako at lalo lang sumisidhi ang galit ko. Sa ngayon ay may mga binayaran na akong tao para hanapin ang babaeng iyon. I just hope that there will be news soon. Ipatitikim ko talaga ang galit ko sa manlolokong babaeng iyon! “Sabihin mo na kung ano’ng kailangan mo at wala ako sa mood makipagdiskusyon sa iyo,” malamig pa ring tugon ko. Ngumiti naman siya at lumapit sa upuan ko. “Just marry me, Romano. I can be a good wife to you, and I will give you as many heirs as you want,” malambing at nang-aakit niyang sambit. Umawang naman ang mga labi ko sa gulat. Actually, isang taon lang ang tanda ko kay Lucky. Ngayon ay hiwalay na siya sa asawa niya dahil nambababae ito. Noong college pa lang kami ay nagpahayag na ito ng pagkagusto sa akin, pero kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya. “Marriage is not a serious thing to me, Lucky. I will only be needing an heir for my family to shut their mouths. Isa pa, magkaibigan tayo kaya ayaw kong magkaroon tayo ng problema,” diretsahang saad ko naman. Namula siya sa pagkapahiya pero kailangan kong maging tapat sa kaniya. I considered her as one of my closest friends and I intent to stay it that way. “Romano, alam mo namang gusto na kita kahit noon pa, ‘di ba? I can give you an heir. We can still be friends at walang magbabago. I am just saving your face here, okay? Kaya pumayag ka na,” giit pa niya. Nagulat ako nang bigla siyang maupo sa kandungan ko at halikan ako sa mga labi. Hindi agad ako nakagalaw dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa ginagawa niya. We tried having s*x before when we were still in college. At hindi na naulit iyon dahil wala talaga akong maramdamang spark o ano para sa kaniya. Ni hindi nga ako nalilibugan kahit maghubad pa siya sa harapan ko. “Sir nandito po si Detective Loreto at– ay sorry, sorry po!” Nagmulat ako nang mga mata nang marinig ang natatarantang boses ng sekretarya ko. Maingat kong pinaalis si Lucky sa kandungan ko at saka ako tumayo. Nilingon naman ni Lucky ang sekretarya ko at tiningnan nang matalim. Napasinghap at napayuko naman ang sekretarya ko. “I’m sorry, Lucky. Pero hindi ko matatanggap ang offer mo. Hindi kita mapapakasalan. Talagang kaibigan lang ang turing ko sa iyo at hindi kita kayang saktan. Imposibleng mangyari ‘yang alok mo,” mahinang hinging-paumanhin ko kay Lucky. Tumingin siya sa akin at gumuhit ang sakit sa mga mata niya. Napalunok ako dahil hindi ko gustong masaktan siya. Pero mas mabuti na ring maging malinaw ang mga bagay-bagay sa pagitan namin. **** Hello guys, Sa October po ang regular update nito. Sana po ang suportahan nio rin ang entry ko para sa Hot 40s Collaboration. Dark Romance po ito kaya medyo mapanakit. Kung hindi nio po gamay ang ganito genre, marami naman po akong ibang completed stories. Search nio lang po ang pen name ko Miss Thinz. Pa-follow na rin po. Maraming salamat guys!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD