Inihatid ako ni Romano sa bahay ni Oswald dahil doon nga ako nakabase ngayon para sa trabaho ko. At ngayon nga ay kinakabahan ako dahil magkaharap sila at kanina pa nagtatagisan ng hindi ko maunawaang tingin. Hindi naman sila nagsasalita at pareho lang na nakatitig sa isa’t isa na akala mo ay may tagisan sila ng titig. “Problema ni’yong dalawa?” basag ko na sa katahimikan. Si Romano ang unang nagbawi ng paningin at bumaling sa akin. “Bakit nandito ang lalaking ito?” nakasimangot na tanong ni Romano. Nagulat naman ako sa tanong niya. “Obvious ba? This is my house, so I should be here,” si Oswald ang sumagot na may halong sarkasmo. “Hindi kita kinakausap!” palag naman ni Romano sa kaniya. “Romano, tama siya. Bahay niya ito kaya siya nandito. Okay ka lang? Sige na umalis ka na, kaya ko

