Pagdating namin sa opisina ay naabutan naming nagkukumpulan ang mga kasamahan ko sa labas ng nakasaradong pintuan ng office ni Ma’am Angelica. “Ano’ng ginagawa ni’yo riyan?” tawag-pansin ko sa kanila. Napakislot sila at mabilis na naghiwa-hiwalay dahil sa pagkagulat. “Shhh… huwag ka maingay!” saway naman sa akin ni Lara. “Ha? Bakit? Ano’ng nangyayari?” pero hindi na niya ako nasagot dahil nabaling na ang pansin niya at ng mga kasamahan namin sa kasama ko. “Guys, umayos kayo!” sabi naman ni Kuya Richard. Isa rin siya sa mga senior designers dito. “Good morning, Sir! Medyo busy pa po si Ma’am. Maupo po muna kayo,” magalang na bati naman ni Lara kay Oswald. “No problem,” tugon naman ni Oswald at lumakad na papunta sa visitor’s lounge para doon muna maupo. Sumunod naman kami ni Lara sa k

