Ilang sandaling natigilan si Oswald at awang ang mga labing nakatitig sa akin. Para bang iyong sinabi ko ay isang napaka-imposibleng bagay. “Yes, Oswald. I am married. Hindi ko ba nasabi?” agad siyang umiling. “Hindi ka mukhang may asawa na. I mean, you’re just 23, but you’re already married?” hindi pa rin makapaniwalang tanong niya at titig na titig sa mukha ko. Sunod-sunod din naman akong tumango. “I didn’t know that you’re first name basis now,” singit naman na komento ni Ma’am Angelica. Dahil doon ay medyo naagaw ang pansin ni Ma’am Angelica. “Mas kumportable akong tawagin siya sa pangalan niya at ganoon din siya sa akin,” sagot naman ni Oswald. Hindi ko alam kung bakit pero parang hindi pa rin ito nakakahuma sa kung ano. “No, Rossa, minsan lang ang mga ganitong okasyon sa office

