Naging masaya naman ang dinner na ito kaya lang nagiging mas maingay na ang paligid habang lumalalim ang gabi. Nang tingnan ko ang oras ay mag-a-alas-diyes na. Namilog ang mga mata ko kasi ibig sabihin nito ay mahigit apat na oras nang naghihintay si Romano. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko saka inagaw ang pansin ng boss ko. “Ma’am, magpapaalam na po ako. Medyo sumasakit na po kasi itong ulo ko,” pagdadahilan ko. Kumunot naman ang noo ni Oswald. “Sige, sige. Uminom ka agad ng gamot at baka migraine iyan,” sagot naman ni Ma’am Angelica. “Guys, una na ako, ha? Thanks for the night!” paalam ko sa kanila. Kumaway naman ang mga ito sa akin na namumungay na ang mga mata dahil sa kalasingan. “Hatid na kita sa labas,” presinta ni Oswald at tumayo na. “Thanks,” tipid kong tugon at lumakad

