Maingat akong bumaba ng kama at nagdamit. Pagkatapos ay tinungo ko ang banyo dala ang cellphone ko. In-on ko agad ang wifi at pumunta sa isang sikat na news site. Trending: Almeda Real Estate Corporation CEO Romano Almeda is being accused of killing ex-girlfriend twenty years ago – new evidence found Iyon nga ang headline ngayon ngunit wala namang ibinigay na detalye kung ano ang ebidensya na iyon. Bigla akong kinutuban ng masama at bumilis ang t***k ng puso ko. Ilang sandali na nakatulala lang ako sa screen ng cellphone ko habang nag-iisip kung ano ang maaaring gawin. Dapat ay malaman na ni Romano ang tungkol dito. Palabas pa lang sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ay unknown number naman ang tumatawag. Ngunit sa huli ay napilitan din akong sagutin ito. “

